Confession #26

2.1K 95 6
                                    

Hi Crush!

Umagang-umaga nandito ako ngayon sa gym. Dito ako na-assign na maglinis. Huhu. Ito yung parusa ko dahil natulog ako sa library kahapon. Dapat nga kahapon ko rin gagawin yung parusa kaso hapon na nun at malapit ng gumabi kaya ipinagbukas na lang yung parusa ko.

Alam mo ba sermon ang abot ko kahapon. Ginagawa ko raw kwarto yung library mahiya naman daw ako. Sana nagdala na lang din daw ako ng unan at kumot kasi nga mahiya naman daw ako! Waaah!!! Nakakahiya talaga napagalitan ako kahapon. Huhu. Hindi ko na lang iyon sinabi kayla Mama at Papa baka mas mapagalitan pa ako. Tsaka ano namang idadahilan ko kung bakit ako natulog sa library? Dahil nanuod ako ng movies nung isang gabi kaya ako puyat na puyat kinabukasan? Edi mas deads ako nun. Huhu. Kaya hindi ko na sinabi.

Sobrang wala akong gana habang nagma-mop ako ng sahig. Nakakatamad. Medyo inaantok pa kasi ako eh. Buti na lang talaga at hindi naman masyadong madumi 'tong gym. Nakakainis nga eh may mga naglalaro ng basketball dito kita nilang naglilinis ako eh. Hays.

Paalis na sana ako nang matapos na akong maglinis pero nung mapansin ko kung sino yung isa sa mga lalakeng pawis na pawis, naka-open ang dalawang butones sa suot na uniform, kita ang puting sando sa loob, at ang lalakeng magaling magshoot, eh ayun bigla akong napahinto sa paglalakad.

Uwaaaah!!! Crush dapat na ba akong matuwa at magpasalamat sa pagpaparusa sa akin nung librarian at dito ako dinala? Uwaaah!!! Ikaw yung nakikita ko ngayon! Kyaaah! Ang gwapo mo talaga crush! Bakit parang unti-unting nag-i-slowmo na naman ang paligid ko? Bakit sa tuwing nagshu-shoot ka parang bumabagal ang paligid ko? Uwaaah!!! Titig na titig ako sa'yo. Habang naglalaro kayo ng basketball bigla akong natamaan ng bola mula sa...

Mula SA'YO!!!

Omg!!! Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makatama ng bola sa'kin bakit ikaw pa? Waaaah!

Natumba ako sa lakas ng pagkakatama ng bola. Aw! Ang sakit ng ulo ko. Nilapitan niyo ako at nakita kita na nag-aalala sa nagawa mo sa'kin. Papalapit ka na sana sa pwesto ko pero nagmadali akong umalis kasi baka mamaya mapansin mong ako yung Isabelle na nakatext mo nung isang araw. Uwaah!!! Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko kapag nagkausap na tayo. Kaya naman nagmadali akong umalis sa gym. Tinatawag niyo ako at narinig kitang sumisigaw ng, "Miss sorry!"

Siguro nga hindi mo ako namumukhaan na ako yung inaaccept mo sa fb pati sa twitter kasi alam ko naman na sa dinami-rami ng mga friends mo sa fb eh imposible naman yata na makilala mo pa ako at saka isa pa mula nung tinext at nakachat kita sa fb hanggang dun na lang yun eh. Wala na.

Mamaya pasasalamatan ko ng bonggang-bongga yung librarian na nakahuli sa'kin at pinarusahan ako. Hindi niya alam kung gaano ako natuwa sa ginawa niyang pagpaparusa. First time kong maparusahan pero kung ganito lang din naman ang parusa ko aba... Aba willing ako...

Willing akong magpakabait. Hehe. Ayoko ngang maging janitor forever. Maging girlfriend mo na lang forever ok na. Ay wag pala kasi wala namang forever. Haha bitter. Asawa na lang kaya? Chos. Hindi kaya ako umaasa! Hindi 'no! Hindi talaga! Che!

Your stalker,
Isabelle

PS. Pero may chance kaya? :D

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon