Confession #4

3.8K 142 1
                                    

Hi Crush!

Nasa tapat kami ng school ngayon kasama ko si Timmy at dalawa naming friend na crush ka rin. Ang haba ng hair mo ang daming may gusto sa 'yo! Paputol na natin baka naaapakan na namin yan! Haha.

Kumakain kami ng kwekwek nang biglang nagsitilian yung dalawa naming kaibigan. Sinabi nila, "Omg! Si Ace! Papuntang school!" napalingon naman agad ako kung sino yung Ace. Hindi ko namalayan ikaw na pala yon.

Ace pala ang pangalan mo. Tinanong ko kung ano full name mo kaso hindi raw nila alam.

Yung mga kaibigan ko nagsitakbuhan papuntang school susundan ka raw nila. Aba, iniwan ba naman ako? Hays.

"Isabelle, hindi mo rin ba siya susundan?" tanong nila.

"Hindi na. Kayo na lang malapit na magsimula yung susunod kong subject eh."

Gustuhin ko mang sundan ka pero aral muna bago landi! Haha!

Kaya ayon nakita ko na lang sila na hinahabol ka pa rin papasok ng school. Nakakalurky!

Your stalker,
Isabelle

PS. Hindi man ako sumunod sa pagpasok mo sa school, wag ka mag-alala sinusundan ka naman ng puso ko kahit sa'n ka pa magpunta. Charot. Sinundan ka ng mga mata ko kaya wag ka na magtampo, babe! Hehe.

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon