Confession #38

2K 138 35
                                    

Hi Crush!

Sunday na ngayon pero hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari nung isang gabi. Nung biyernes na bigla mo na lang akong hinalikan sa noo ko. Alam mo bang hindi ako nakatulog nun? Nakailang beses akong tumili-tili sa kwarto ko (pero nakatakip yung unan ko sa bibig ko baka kasi marinig nila Papa bwahaha) at ilang beses na rin akong nagpaikot-ikot sa kwarto ko dahil hindi ko malaman kung kikiligin ba ako o malulungkot. Ano ba talagang trip mo crush? Paasahin ako hanggang sa madurog ang puso ko? Ang sakit eh. Ang sakit-sakit.

Bwahaha. Chos drama lang.

Kamusta naman yung lakad niyo ni Bianca mo kahapon? Masaya ba? Masarap ba?

Ang mga kinain niyo?

Wahaha. Akala mo siguro kung ano na 'no? Hahaha. Charot lang yun.

Nakita ko yung picture niyong magkasama. Paanong hindi ko makikita eh pinost mo sa fb mo tapos tinag mo pa siya. May caption pa na ganito oh...

Ace Hernandez: Namiss kita kasama ❤

Oh edi kayo na may heart. Kayo na may date. Kayo na masaya. Kayo na may lovelife. Kayo na may forever. Hmp! Kayo na!

Hindi naman ako forever alone 'no kasi sakatunayan nga kasama ko ngayon sina ate Yvonne, Timmy, Sharmaine at ang bestfriend kong si Lea. Nandito kami sa mall. Ay teka kasama ko rin pala ang asungot sa buhay ko, si Jerson. Pfft. Hahaha.

Kagabi kasi biglang nagtext sila ate Yvonne sa'kin, kung pwede raw ba kaming manuod ng movie. Isama ko raw si Lea kasi gustong-gusto nilang makilala ang bestfriend ko at isama ko rin daw si Jerson. Request ni Timmy. Hahaha. Alam mo naman yun mahilig sa mga hombre. Chos.

Ilang sandali lang nung magkita-kita kami pero sobrang close na silang lahat sa isa't isa. Ganun nga talaga siguro 'pag mga baliw kasama mo. Buti na lang ako hindi. Bwahaha.

At heto pinagtutulungan na nila ako sa mga tanong nila kung ano raw ang nangyari sa paggawa ng research natin nung biyernes sa bahay niyo. Nagsimula na silang magtanong ng mga kung anu-ano. Kung may improvement na raw ba tayong dalawa. Kung may chance daw ba. Kung may sparks daw ba tayo at kung may forever daw ba tayo. Pfft parang mga ewan. Pati ba naman sila umaasa? Forever? Ano yun? Tao ba yun? Hayop? Bagay? Lugar? Pagkain? Masarap ba yun? Ahahaha. Hashtag Bitter.

Hays. Mabuti pa si Jerson hindi umaasa sa ating dalawa. Kasi mas naniniwala raw siya na mas bagay kami. -____-

Leche hahaha. Nakakaloka talaga yung lalakeng yun. Tsk. Sinabi niya pa nga kayla ate Yvonne kung ano yung itsura ko pagkauwi ko sa bahay nung hinatid mo ako, sabi niya mukha raw akong babaeng natataeng ewan. Yung mukha ko raw kasi hindi maintindihan. Takte magdedescribe na nga lang ang sagwa pa. Sapakin ko yun eh. Pero buti na lang talaga at hindi ako napagalitan nila Papa. Akala ko kasi masesermonan ako kasi late na akong umuwi. At sa susunod daw na late pa akong umuwi, 'wag na raw ako umuwi ng bahay doon na lang daw ako tumira sa labas. O diba? Mahal na mahal nila ako. XD

Kakatapos pa lang naming magsimba at manuod ng movie kanina. Super saya nga nilang kasama eh. Ang saya-saya kasi kasama ko yung bestfriend ko at ang mga kaibigan ko sa school plus kasama ko pa ang asungot kong kababata. Hahaha. Kaming anim lang yata yung maingay habang nanunuod ng movie. Wala na kaming pakialam sa iba. Bwahaha. Hindi ko inakalang magiging ganito kasaya ang makasama ko sila ng sama-sama. Pero alam mo mas masaya siguro kung kasama ka. Hahaharot.

Hindi ko sinabi sa kanila na niyakap mo ako habang natutulog ka at lalong hindi ko sinabi na hinalikan mo ako bigla sa noo ko kasi baka magulat sila at mawindang sila. Kilala ko pa naman ang mga yun paniguradong magwawala sila. Ako nga eh windang na windang sila pa kaya? Baka hindi na ako makauwi ng buhay. Chos.

At saka ayoko rin mag-assume na may meaning lahat nang 'yun. Malay ko ba kung gano'n ka lang talaga kabait at kasweet. Saka kung mag-aassume ako, baka ako lang ang masaktan.

Katulad na lang ng nabasa ko sa twitter kanina, "Never assume that someone likes you by their sweetness. Sometimes, you are just an option when they are bored."

Boom panes. Tinamaan ako do'n. Huhuhu. Kaya naman ni-retweet ko yun kasi diba relate na relate ako. Wahaha.

Kaso nga lang...

1 new notification

-------------------------------------------------------
Ace Hernandez @AceAceBaby: @isakampana Pano pag hindi ka naman pala option?
-------------------------------------------------------

O____O

Dugdugdug...

Ano'ng ibig mong sabihin ha crush? Paano kapag hindi ako option? Saka pano pag sinabi ko sa'yo na ikaw ang tinutukoy ko diyan? Ikaw talaga. Tsk. Bakit ba may mga lalaking paasa? At bakit ba may mga babaeng assuming? Hahaha parang ako. Leche.

-------------------------------------------------------
Isabelle Nam @isakampana: @AceAceBaby huh?
-------------------------------------------------------

Magla-log-out na sana ako sa twitter ko kasi sila Lea kinukulit ako, gusto raw nila makita yung ginagawa ko sa cellphone ko pero sinabi ko na lang na katext ko lang si Mama pero nung magla-log-out na ako...

1 new notification

-------------------------------------------------------
Ace Hernandez @AceAceBaby: @isakampana Pano kung hindi ka naman talaga option kapag bored siya? Pano kung gusto ka talaga niya?
-------------------------------------------------------

O___O

Dugdugdug...

Eh pano kung sinasapak kita ngayon ha? Ano? Abangan kita sa gate? Pinapagulo mo utak ko. Pinapasikip mo ang paghinga ko. Sumasakit kokoro ko sa'yo! Heeeeelp!

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon