Hi Crush!
Last day na natin ngayon sa Addison. Christmas party na! Yehey! Bukas bakasyon na tapos ilang araw na lang pasko na! Ang saya-saya! Hohoho.
Ay hindi pala masyadong masaya kasi bihira na lang kitang makita sa school tapos hindi ka pa namamansin. Snob lord ka na! :-----(
Nakita kita kanina kasama mo yung babaeng palagi mong kasama noon sa lobby. Yung babaeng kaharutan mo noon sa lobby habang kami ni Sharmaine nasa harap niyo lang. Saksi kami sa kalandian niyo. Chos. Haha.
Bukod kay Bianca may iba ka pang babae ha! Isusumbong kita sa B mo. Malandi ka! Che!
Bwahaha.
Kasama ko kanina sila ate Yvonne pero nung may dumating na mga lalake iniwan nila ako bigla. Mukhang may lovelife na silang tatlo huhuhu. Oo pati si Timmy may ka-sayawan do'n sa dance floor. At omg! BABAE yung kasayawan niya! LALAKE NA SIYA! MAGPAPAPARTY NA AKO! Hahaha. Joke! Kasayawan niya rin lalake. Ewan ko kung sa'n niya nabingwit yun. Bwahaha. Basta silang tatlo nag-eenjoy sa party na 'to at silang tatlo may mga partners. Ako na lang maiiwang luhaan at poreber alone sa barkada. Ibig sabihin talagang nag-eexist nga yung forever kaso sa'kin ibang forever. Huhuhu. Forever Alone!
Pumunta na lang ako doon sa labas ng venue. Ang gulo-gulo sa loob eh. Ang ingay-ingay puro party, puro sayawan, at hiyawan! Tsk. Sila lang naman nag-eenjoy palibhasa may mga kalandian. Hays. Nakakabitter naman 'tong christmas party na 'to oh. Sana pala hindi na ako umattend. Mukhang napaaga kasi yung Valentines day dito eh. Tsk. Puro couples eh. Hays! Amplayang-ampalaya naman ako ngayon. Puro ako kabitteran. Hay nako!
Habang naka-upo ako rito sa labas ng venue ay may nakita ako sa 'di kalayuan na na nag-aaway...
At teka... Ikaw pala yun Crush!
Nakita lang naman kita na kausap mo yung babaeng kanina mo pang kasama. Mukhang may pinagtatalunan yata kayo ah.
At dahil nga sa ehem isa mo akong dakilang Stalker, syempre ano pa nga ba ang dapat kong gawin?
Edi heto naglalakad na ako papalapit sa pwesto niyo. Bwahaha.
Makikichismis ako este makikinig pala ako sa inyo. Hohoho.
"Bakit mo pa kasi yun sinabi Di?" Tanong mo doon sa babaeng kausap mo. Nakita kong badtrip na badtrip ka sa nangyayari.
So Di pala yung name niya? Ang iksi naman. Ang tipid naman ng nanay niya magbigay ng pangalan. XD
"Tsk. Hindi ko nga kasi sadya Ace. It's just that proud lang ako to have you kaya ko sinabi yun." Sabi nung babae at hinawakan niya yung kamay mo.
O__O
...proud lang ako to have you...
Omg! Ikaw? Siya? Wait... Kayo?!!!
"Hay... Naiintindihan naman kita do'n Didi pero sana kasi hindi mo na yun sinabi do'n sa babaeng yun. Yan tuloy nahihirapan akong kumilos. Bawat galaw ko yata pinagmamasdan niya."
Wait! Ngayon naman Didi na yung tawag mo sa kanya? Ha? Ang gulo mo talaga crush! Teka nga ano ba kasi pinag-uusapan niyo? Saka sino yung babaeng tinutukoy mo? Tsk.
"Eh malay ko ba kasing magiging patay na patay siya sa'yo. Tsk. Kung alam ko lang diba? Edi sana hindi na kita kinuwento sa kanila."
"Hays... Alam mo bang napaka-stalker niya? Pati posts ko nung nakaraang taon sa fb ni-like niya. Pati sa twitter ko, ini-stalk na rin niya. Sabog na sabog na kaya yung notifications ko pati sa facebook. Tapos chat pa siya nang chat sa'kin. Hindi ko siya maintindihan. Bakit gano'n siya? Ang creepy niya. Stalker masyado." Inis na sabi mo.