Hi Crush!
The reason why we hide our feelings from them is the fear that the feeling is not mutual.
Nabasa ko lang yan sa facebook kagabi. Hohoho. Pero tama naman diba? Nakakatakot magsabi ng nararamdaman mo sa isang tao kasi baka hindi kayo magtugma ng gusto.
Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari nung christmas party. Yung bigla mo akong niyakap at sinabihan mo ako ng mga salitang matagal ko ng pinapangarap na marinig mula sa'yo.
"I love you..."
Kyaaaah!!! Kahit siguro sinong tao ang masabihan ng ganyan mula sa taong gusto nila baka himatayin din sa kilig! Sobra-sobrang kilig ang naramdaman ko nun. Dahil sa wakas may patutunguhan din pala ang pagiging stalker ko sa'yo. Na may pag-asa rin palang may gusto ka sa'kin. Kamuntik na rin akong mapasabi ng "I love you too."
At mas lalong hindi ko makakalimutan yung mga salitang sunod mong sinabi...
"Isabelle, nandiyan sila Melanie."
<////3
Akala ko... Akala ko...
HUHUHUHUHUHUHU!!!
It was all an act! Huhuhu.
Asang-asa na naman ako! Tapos yun pala kailangan nating magpanggap na sweet kasi nandyan yung Melanie pati yung mga kaibigan niya. Saklap!
Kinikilig pa man din ako nun kasi nga akala ko totoo na! Na may pag-asa akong baka may HD ka rin sa'kin. HD means Hidden Desire lol. (Kayla Ate Yvonne ko lang yan nalaman) tapos wala naman pala talaga kaiyak! T___T
Tanda ko pa kung ano yung nangyari nung gabing yun.
"Ang sweet niyo naman pinsan! Kinikilig ako!" Sabi ni Didi nung makarating sila sa pwesto nating dalawa kaya napabitaw tayo sa sweet moment daw natin. Psh.
At ayun nakita kong ang sama na naman ng mga titig nila Melanie sa'kin. Ewan ko ba kung bakit parang that night gusto nila akong awayin, ramdam ko naman eh. Titig pa lang nila nakakatakot na.
Buti na lang at hinila na sila ni Didi kaya yun hindi na nila tayo inintriga.
At ngayon nandito ako sa bahay namin, nagpapaganda kasi may date tayo mamaya.
Dejoke.
Sabi mo ituloy na natin yung research kasi magbabakasyon kayo ng family mo bago magpasko. Sabi mo doon kayo sa probinsya niyo magpapasko. Okay.
Inayos ko yung sala since doon tayo gagawa ng project, nagpaalam na rin ako kayla Mama at Papa na darating ka baka kasi mabigla sila na may lalakeng dumalaw sa bahay baka akalain nilang boyfriend kita.
"Isabelle nandito na ako sa labas ng bahay niyo."
Yan ang laman ng text mo matapos kong maayos yung sala. Nilagay ko na doon yung laptop ko at yung mga juice at pagkain. Kaya lumabas na ako at binuksan ko yung gate.
Ang pogi mo!
Ano pa nga bang bago? :"""">
Napatitig na lang tuloy ako sa'yo. Hays. Napapakanta tuloy ako ng kanta ng Parokya ni Edgar, At kahit mahal kita wala akong magagawa tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita.
Nang makapasok ka na sa bahay, nakita kong bumaba mula sa kwarto nila sina Mama at Papa, siguro para usisain ka.
"Good afternoon po Ma'am, Sir!" Bati mo.
"Ang pormal naman ng manliligaw mo nak!" Ngiting-ngiti na sabi ni Mama.
=____=
"Ma hindi ko po siya manliligaw, partner ko po siya sa research namin." Si Mama talaga hay nako. Tsk.