Confession #11

2.5K 104 1
                                    

Hi Crush!

Tapos na ang klase ko ngayon pero ewan ko ba parang ayoko pang umuwi. Hindi pa kasi kita nakikita. Pakiramdam ko hindi buo ang araw ko pag hindi kita nakikita.

Charot. Maharot. Hahaha!

Saan ka ba kasi pumupunta? Sabihan mo kaya ako minsan. Ano gusto mo break na tayo? XD

"Isabelle hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Sharmaine. Nandito kami sa lobby. Ang favorite ko ng tambayan kasi lagi kitang nakikita rito. :D

"Hindi pa. Ang lakas ng ulan eh."

"Wala ka bang payong?"

"Meron."

"Eh bakit ayaw mo pang umuwi? Medyo humina na yung ulan oh."

"Saka na maaga pa naman eh. Tsaka gusto ko pang makita yung crush ko."

"Haha. Sino ba yang crush mo?"

"Basta pag nakita ko siya ituturo ko sa'yo."

Lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin kita nakikita. Alam kong hindi mo pa uwian kasi may klase ka pa. Haha. Stalker mo nga kasi ako kaya alam ko yung schedule mo. See? haha!

Hanggang sa may napansin akong lalake na naglalakad sa harap ko papunta sa may kanan kong direksyon. Ewan ko ba sa sarili ko, marami namang dumaan kanina sa harap ko pero nung dumaan yung lalakeng yon parang kakaiba sa feeling hanggang sa napatingin ako at...

"Shet si Crush!"

"Saan?"

"Shh... Ayun papuntang CR."

"Grabe naligo ata yung crush mo sa ulan."

Akala ko sisigaw rin siya tulad ng iba kong classmates. Buti na lang at hindi ganon si Sharmaine. Siya kasi may pagkaseryoso sa buhay. Minsan lang tumatalab yung mga jokes ko sa kanya. Himala na lang kapag tumawa siya sa mga 'HAVEY' kong jokes! bwahaha!

Ikaw kaya crush kapag ba nagjoke ako tatawa ka rin ba? Uy tumawa ka ha. Pag nakasama mo ako maiinlove ka sakin. Pfft ge.

"Tsk. Kawawa naman. Wala ata siyang payong." Sabi ko habang papasok ka ng CR.

Basang-basa ka. Hindi naman sobra. Pero yung buhok mo kasi basang-basa. Baka magkasakit ka. Dapat kasi may payong ka. Kung close lang tayo papayungan kita o di kaya pahihiramin kita ng payong. Kaso hindi eh, open tayo! chos. XD

Pinagmasdan lang kita habang papasok ka ng CR. Totoo nga talaga ata yung slowmo na sinasabi nila. Kasi parang unti-unting bumagal yung paligid ko nung nakatingin ako sa'yo habang sinusuklay mo yung basa mong buhok.

Your stalker,
Isabelle

PS. Ang hot mo tignan pag wet look. Mwahaha. :">

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon