Confession #34

1.8K 81 15
                                    

Hi Crush!

Inistalk ko yung fb account nung Bianca mo. Kaya pala familiar yung mukha niya. Naaalala ko na. Siya yung babaeng kasama mo noon sa coffee shop. Aww. Ang ganda niya tapos gwapo ka. Bagay na bagay kayo. Soulmates. Meant to be. Destiny! Kayo na. Hmp!

Kaninang umaga kinukulit ako nila ate Yvonne, Sharmaine at Timmy kung kamusta na raw ang love story nating dalawa. Alam nilang magkapartner tayo sa research. Pfft. Love story? Baka story lang, walang love. Hays. Sinabi ko sa kanila na tigilan na nila ako sa pang-aasar nila kasi mukhang magiging taken ka na sa mga susunod na araw. Nakakahiya kasi 'pag nakikita ka namin o makakasalubong laging nag-iingay yung mga yun. Sigaw pa nang sigaw "Isabelle! Si Ace oh. Yan diba yung crush mo na palagi mong kinukwento sa 'min? Ayeeee! Kilig!"

=___=

Wala pa ring pinagbago. Ganun pa rin sila kabaliw. Hiyang-hiya na nga ako sa 'yo. Malamang sa malamang naririnig mo mga sigaw nila. Hays. Pero hinihiling ko pa rin na sana bingi ka o di kaya lumilipad utak mo para 'di mo sila napapansin. Lupaaaa. Yung mga kaibigan ko po sila na lang lamunin niyo. Wahaha. Joke.

Kagabi naman si Lea masayang-masaya na pumunta sa bahay, ewan ko ba dun kung bakit abot tenga yung ngiti. Nung nagkita nga kami ganun din yung sinabi niya "Kamusta kayo ni Ace? Umamin ka na ba? Kayo na?"

=___=

Kakaloka talaga yung mga taong nakapaligid sa 'kin. Huhu. Asa pa more 'no crush? Partner lang kita sa research hindi partner forever. Kung makatanong sila akala mo talaga may kung anong namamagitan sa 'tin wala naman. Huhu.

Kinuwento ko lahat kay Lea kung ano yung mga nabasa ko sa fb mo. Sinabi ko na wala akong pag-asa kasi may B ka na. Kamag-anak ni Jollibee. Psh. Oo na selos na selos na ako sa inyong dalawa. Hays. Stalk pa more. Tapos baradong-barado pa ako sa mga sinabi ni bespren kagabi huhu.

"Bakit kayo ba? Hindi naman kayo diba? Eh bakit ka nasasaktan?"

Aww. Oo nga naman hindi naman tayo pero bakit ang pagseselos ba para lang sa taong magkarelasyon? Hindi ba pwedeng para rin sa taong may nararamdaman?

Whogoat.

Sinabi ni Lea baka hindi na raw paghanga ang nararamdaman ko para sa 'yo, baka raw pag-ibig na 'to. Pero ang sabi ko sa kanya, "Ano na nga ulit yung meaning ng Love? Ito na ba yun?"

Leche hahaha. Crush lang naman kita bakit ba dumating sa ganito? Boset. Sana tulad na lang ako ng dating ako, yung mabilis magsawa sa crush. Dati kasi parang nagpapalit lang ako ng damit kapag nagkakaroon ng crush, kapag nag-sawa papalitan na. Eh bakit ngayon ang hirap mong palitan? Ang lakas ng kapit mo sa 'kin crush. Tuko ka ba? Bwahaha.

Habang nagkukwentuhan nga kami ni Lea kagabi, biglang naki-epal si Jerson. Pumasok bigla sa kwarto ko. Ang bruho hindi pa rin kasi umuuwi sa kanila. Nakakaloka. Kaya ayun nalaman tuloy niya ang mga kadramahan ko.

Sabi ni Jerson bakit pa raw ako nagpapakatanga sa 'yo? Ang babaw-babaw raw ng kaligayahan ko kasi kahit sa simpleng kilos mo lang kinikilig na ako. Kahit anong gawin mo natutuwa raw agad ako. Mukha raw akong tanga kasi napaka-stalker ko. Kahit saan ka raw magpunta nando'n ako. Nakakainis raw dahil parang tanga ako na sunod nang sunod sa 'yo.

Boom tigas! I mean boom hard. Hahaha. Ang saklap niya magsalita pero totoo kasi kaya masakit. Psh. Drama-drama ko na leche. Sana makahanap na ako ng bagong crush. Ayoko na sa 'yo. Suko na ako. Move-on na Isabelle!

Ganito pala 'pag nagkaroon ka ng crush 'no? Yung kahit wala ka namang karapatang magselos nakakaramdam ka pa rin ng selos. Yung kahit never naman naging kayo may pa-move on move-on ka pang nalalaman.

Boom panis.

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon