Confession #41

2.1K 123 27
                                    

Hi Crush!

Ang bait pala ni Bianca at ang sama ko pala. Sabi ko kasi sa sarili ko noon na mukhang mataray si Bianca dahil sa pictures niya na nakita ko sa facebook niya. Mukha kasi talaga siyang maarte at mataray na babae. Naging mapanghusga ako pero uwaaah!!! Crush sorry na. Mabait pala yung B mo! Super bait ni Bianca sa'kin! Akala ko talaga masama ugali niya. Nung pinakita ko rin kasi kayla ate Yvonne at kay Lea 'yung picture niya sinabi nila na mukhang demonyita raw 'yung Bianca. Sorry na crush kung naging mapanghusga kami sa B mo. Sorry. T__T

Paano ko nasabing super bait niya?

Eh kasi tinapon niya lahat ng basura sa bahay namin eh. Basurera pala siya Crush? Bakit hindi ako na-inform?

Hahaha joke lang. Ang sama ko talaga. Sorry ulit.

Kagabi diba bigla na lang natin siyang nakita sa loob ng coffee shop. Tinanong mo siya kung bakit siya nando'n. Sinabi lang niya napadaan lang daw siya since 'yun daw 'yung favorite niyang coffee shop.

Pinakilala mo ako kay Bianca sinabi mong matagal na kayong magkakilala since bata pa kayo. Parang childhood friend mo yata siya. Sus! Baka childhood sweetheart kamo. Chararat ka crush. Dinadaan-daan mo pa sa kaibigan eh. Eh diba nga M.U na kayo? Tsk. Hindi ko naman pwedeng sabihin na, "Diba M.U na kayo?" Kasi 'pag sinabi ko 'yun malalaman niyong ini-stalk ko 'yung fb mo which is not true!

Charot. Oo na stalker na ako. Oo na. Ako na.

Ako na maganda.

Bwahaha! Lol.

Nung nakita ako ni Bianca, tuwang-tuwa siya sa'kin. Nakyu-cute-an daw siya sa'kin. Hinug niya agad ako. Ewan ko ba do'n. May saltik yata 'yang B mo. Wahaha. Sabi niya pa, "Ikaw pala 'yung partner ni Ace sa research niya. Nice to meet you Isabelle. I'm Bianca Grace Lim."

Hay nako Crush kahit hindi na niya sabihin 'yung full name niya matagal ko na rin namang alam. Ini-stalk ko rin kaya siya dati. XD

Sinabi ko sa inyo na mauuna na akong umuwi kasi baka hanapin na ako sa bahay. Pero hindi pumayag si Bianca sabi niya pa nga sa'yo, "Ace ihatid na natin si Isabelle. Gabi na eh baka mapano siya sa daan."

Wala naman akong nagawa kasi pumayag ka na at kahit nakailang beses na akong tumanggi ayaw pa rin patinag ni Bianca. Makulit din pala lahi niya 'no? Hahaha.

Tinanong niya pa ako kung ano ang favorite kong flavor na cake kasi bibilhan niya raw ako ng isang box na cake at ipasalubong ko raw sa family ko. Shet crush! Nakakaloka 'tong B mo ha! Masyadong galante! Wahaha. Pero sabi ko wala naman akong favorite eh. Kaya sinabi niya, "Sige. O-order na lang ako ng chocolate cake na with almonds. 'Yun 'yung favorite namin ni Ace eh. Diba Ace?"

Aww. Pati ba naman favorite na cake meant to be kayo? Oh edi kayo na. Hmp.

Nung bumili na si Bianca ng cake, lumapit ka sa'kin at tila pabulong na sinabi mo na, "Pagpasensyahan mo na si Bianca ah. Ganyan talaga 'yan 'pag may bagong nakikilala lalo na 'pag nagustuhan ka niya bibili talaga 'yan ng kung anu-ano para lang malaman mo na natutuwa siyang makilala ka. Saka sorry kung bigla ka niyang niyakap. Mahilig lang talaga 'yang mangyakap. 'Pag magkasama kami niyan minsan niyayakap niya rin ako bigla. Nakakatuwa siya 'no? Hahaha!"

Oo nga halata namang tuwang-tuwa ka sa kanya. Iba 'yung saya ng mga mata mo eh. Hays. Ang sakit pala 'pag sinabihan ka ng taong gusto mo kung gaano niya kagusto 'yung taong mahal niya 'no? Parang direkta mo na rin akong sinaksak kagabi Crush. Huhu!

Kahit na nakakaselos kayong dalawa tiniis ko na lang kasi habang nakikita ko kayo, natutuwa ako sa inyo. Ewan ko ba sa sarili ko may part sa akin na 'pag nakikita ko kayong dalawa, natutuwa ako. Ramdam na ramdam ko kasing bagay na bagay kayong dalawa eh. Ang bait mo. Ang gwapo mo. Ang talino mo pa tapos si Bianca, super ganda tapos ang bait pa. Honestly, wala talaga akong nakikitang ka-plastikan sa kanya. 'Pag nakikita ko 'yung mukha niya ang gaan ng pakiramdam ko, para siyang anghel. Ang hinhin niya kumilos. Hindi man halata sa mataray niyang anyo pero siya 'yung tao na kapag nakilala mo na mapapamahal ka na lang sa kanya. Kaya siguro ganun mo siya ka-mahal 'no? Hindi na ako magtataka kung paano mo siya nagustuhan.

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon