Hi Crush!
Saturday class namin ngayon. Final exam na namin sa English. Lumabas muna kami ni Sharmaine para mag-CR at nung pabalik na kami sa room nakita kita na papaakyat ng hagdan papunta sa floor ng room namin. Sa third floor.
Kinilig nanaman ako kasi nakita kita at nagtama yung mga mata namin. Pero bakit sa tuwing nakikita kita lagi kang nakangiti? Pa'no ba naman kasi nakangiti ka kanina nung nakita kita pati nung nagkatitigan tayo. Masaya ka ba dahil nagkita na naman tayo? O malakas lang talaga ako mag-imagine? Sumagot ka! Haha.
Alam mo bang papasok na dapat kami sa classroom namin pero huminto ako sa pinto at tinuro kita sa may hagdan. Magkalapit lang yung hagdan pati ang room namin kaya naman ang lapit mo sa'min. Sabi ko kay Sharmaine, "Be, siya yung crush ko." Sinabi ko yun sa kanya habang nakaturo sa'yo at shet nakatingin ka sa'kin nung mga panahong yun. Sana hindi mo yun napansin at sana hindi mo narinig yung sinabi ko kay Sharmaine. Shet! Pinapahamak ko ang sarili ko.
Nagsimula na kaming mag-exam at ang saya-saya ko kasi nagrereplay sa utak ko yung nangyari kanina na nakita kita. Imbis na ma-distract ako, mas lalo pa akong na-engganyo na magsagot ng exam.
Hanggang sa dumating ako sa isang number na hindi ko alam kung ano yung sagot. Kaya napatingala ako sa kisame at sa pinto ng room namin. Pero shet!!! Bakit ka nandon? Bakit ka nakasilip sa classroom namin? Bakit ang ganda ng ngiti mo? At higit sa lahat bakit nakatingin ka sa'kin?!!!
Nung nakita kita, pasimple kang umiwas ng tingin at umalis sa pinto. Hinanap ulit kita. Umaasa ako na makikita ulit kita. Hanggang sa napasilip ako sa kabilang pinto, sa may likod. At nakita kitang nakasilip do'n. Omg!
Maya-maya ay may pumasok na babae sa room. May tinatanong siya sa Prof. namin, ang pagkakarinig ko tungkol yun sa research nila ng kapartner niya. Tapos nung sumilip ako sa pinto sa may harap, nakita kitang nando'n ka na naman. Nakatingin ka nanaman sa'kin. Oo kakapalan ko na yung mukha ko na ako yung tinitignan mo. Sa row kasi namin, tatlo lang kaming nakaupo dun. Yung iba kong classmate nasa kabilang side na ng room, doon sila umupo. Si Sharmaine, ako at yung isa naming classmate na lalake lang yung nakaupo sa left side ng room. At isa pa, silang dalawa seryoso sa pagsagot ng exam, ako lang naman 'tong nakatingin sa pinto. Kaya ina-assume ko na ako yung tinitignan mo. Huhubells! Kinikilig ako ng bongga.
Sino ba namang hindi kililigin kung yung crush mo, tinititigan ka habang nagsasagot ng exam? Sino ba namang hindi kikiligin kung malalaman mong yung crush mo tumititig din pala sa'yo kapag hindi ka nakatingin?
Sabihin mo nga sa'kin kung sino yung hindi kikiligin dun at papaliparin ko papuntang outer space! Haha.
Pagkalabas nung babae na nagtatanong kay Ma'am kanina, bigla mong kinausap yung babae sa labas ng room. Narinig ko pa nga si Ma'am na nagsabi, "By the way class, before I forget, submission of research paper is due next saturday."
Napatingin ako sa inyong dalawa at seryoso kayong nag-uusap. May tinitignan kayong paper na binigay ni Ma'am, siguro kayo yung partner sa research paper. Professor niyo rin siguro si Ma'am sa English subject pero siguro magkaiba tayo ng schedule. Sayang naman, sana naging magkaklase na lang tayo sa English at ikaw ang pipiliin kong partner sa research. At ang topic ng gagawin nating research? All about our love story. Charot. Wala naman tayong ganon eh. </3
Pagkatapos ng pag-uusap niyo, bigla nanamang pumasok yung babae sa room at may tinatanong na naman siya. Tapos nagulat ako sa ginawa mo dahil bigla mong binuksan yung pinto at sumilip ka sa classroom namin hanggang sa napatingin ka sa'kin. Nakangiti ka nanaman. Shet! Kinikilig na talaga ako. Hindi ko na magawang magsagot ng exam kasi mas nangingibabaw na yung pagkakilig ko ngayon. Pag ako bumagksak dito ha! Panagutan mo ako! Hahaha chos. Kala mo na-ano lang eh noh? Sarreh. XD
Lumabas na ulit yung babae nung natapos na siyang magtanong kay Ma'am at nasa pinto ka pa rin. Bukas yung pinto at hoy crush, yung aircon sayang. Lalabas yung aircon! May paa yan! XD korneh. Paki-sapak ako. Mwahaha.
Pagkalapit ng babae sa'yo, nagsalita ka. Shet! Rinig na rinig ko yung boses mo. Ang ganda pala ng boses mo. Parang ang lalim. At ang manly ng boses mo. Hindi ko na matandaan kung ano yung exact words mong sinabi basta narinig kitang nagsalita at dahil don hindi na ako nakapag concentrate ng mabuti.
Ang pogi mo na nga, pati rin boses mo pogi rin? Baka mamaya pati internal organs mo pogi rin ha? Pfft. Hahaha!
Magaling ka kayang kumanta? Ang lalim ng boses mo eh.
Napatingin ako sa papel ni Sharmaine, hindi para mangopya kundi para tignan kung saang part na siya ng exam. At shet siya nasa part four na pero ako part two pa rin. Omg. Anong oras na?! Hanggang part five pa naman 'to.
In-erase muna kita sa isipan ko at nagconcentrate na ako sa pagsagot sa exam.
Crush, next time kung tititigan mo 'ko wag yung oras na nagsasagot ako ng exam kasi mawawala ako sa concentration. Lilipad na utak ko sa mga imaginations na tumatakbo sa utak ko eh. Na ikaw yung Prince Charming ko tapos ako yung Prinsesa sa isang fairytale story o di kaya ikaw si Mickey mouse tapos ako si Minnie mouse o di kaya ikaw si Daniel Padilla tapos ako si Kathryn Bernardo. Bwahaha. O diba? Naging malala tuloy ako. XD Tsaka pasensya na mahilig ako sa mga fairytale story pero kung hindi ka mahilig do'n, sige okay na sa'kin yung mala-fifty shades of Grey kung yun ang gusto mo. Hahahaha. Charot.
Your stalker,
Isabelle