Confession #7

3K 126 7
                                    

Hi Crush!

Alam mo ba buong araw kitang hinahanap-hanap sa school ngayong araw. Mula sa first subject ko hanggang lunch break at hanggang ngayong uwian na. Hindi pa sana ako uuwi pero inaya na ako ng classmate ko. Ayoko pa sana kasi parang may kulang. Hindi pa kasi kita nakikita. At kung sinuswerte ka nga naman oh!

Omg! Nakita kita! Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung saan ako titingin kung sayo ba, sa daan, sa langit o ano. Kaya naman nagtaka yung classmate ko sa inasal ko dahil parang kinakabahan daw ako at sinabi ko sa kanya na nakita kita at naka-green ka. At alam mo ba nung malapit na tayong magkasalubong napalakas yung tanong sa'kin ng classmate ko sabi niya...

"Isabelle! Yung naka-green ba? Siya ba yung crush mo?!"

-___-

Crush! Bakit ganon yung mga kaibigan ko? Bingi ba talaga sila o sinasadya nila para marinig mo? Tsaka bakit ang lakas ng boses nila lagi? Nakalunok ba sila ng mic? Huhu!

Kaya sobrang nahiya ako nun. Napayuko na nga lang ako eh. Tayo lang kasi yung nandon sa daanan. Pero pagkaangat ko ng mukha ko nakita kong nakatingin ka sa'kin. Omg! Tapos nakangiti ka! Kitang-kita ko na naman yung maganda mong ngiti. Agad akong umiwas ng tingin nung nagkatinginan tayo. Pakiramdam ko sobra akong namumula sa kahihiyan pati na rin sa kilig.

Hindi ko sure kung nakangiti ka ba talaga non sa'kin o imagination ko lang yon. BWAHAHA! Hindi ko rin sure kung alam mo ng crush kita. Pero hindi ko muna iintindihin yun. Ang mahalaga nakita na ulit kita.

Ganito nga talaga siguro kapag may crush ka pakiramdam mo sa tuwing nakikita mo siya nabubuo na agad ang araw mo.

Heart heart. Puso puso.

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon