Confession #48

2K 142 40
                                    

Hi Crush!

Ilang oras na lang Christmas day na. December 24 na ngayon. Lahat sila masayang-masaya. Halos lahat sila excited para mamaya. Ako lang yata nagpapaka-emo rito. Tsk!

Siguro masayang-masaya ka na kasi kayo na ni Binaca noh? Nasa sinehan siguro kayo ngayon tapos nagsusubuan ng popcorn.

Urgh! Lecheng kabitteran 'to oh. Durog na puso ko Crush. Ganda kasi ng eksena niyo nung isang araw eh.

Naaalala ko tuloy bigla yung text mo sa'kin kaninang umaga.

"Isabelle, can we talk?"

Can we talk talk ka dyan? Che! Ano namang pag-uusapan natin? Ishashare mo ba yung kalandian niyo ni Bianca? Huehue. Wala ka talagang pakiramdam. Isa ka talagang superman! superMANHID!

Nakailang text at tawag ka na sa'kin magmula kanina pero wala talaga akong balak sagutin ang mga tawag mo. Ano namang sasabihin ko?

"Uy Ace congrats. Kayo na pala. Salamat ah. Pinaasa mo ko eh. Laki kong tanga diba?"

-____-

Para namang kakayanin kong sabihin yun. Kainis.

Kaya nga ako nandito sa secret place ko. Ito yung lugar na lagi kong pinupuntahan pag sobrang down na down na ako. Nasa loob lang 'to ng subdivision pero nasa pinakadulo 'to kaya walang masyadong tao rito. Ako nga lang eh.

Naalala ko nung 4th year high school ako, dito ako pumunta at umiyak nang umiyak no'n kasi nag-away ang mga magulang ko. Hindi ako makatulog nung araw na yun dahil sa mga narinig ko. Narinig ko sa Mama ko na gusto na niyang makipag-hiwalay kay Papa. Siyempre sino ba namang anak ang gugustuhing maghiwalay ang mga magulang niya diba? Yung magulang na mahal na mahal mo, yung magulang na nakasanayan mo nang kasama mula pagkasilang mo hanggang paglaki mo tapos bigla nilang sasabihin na maghihiwalay na sila? Tsk. Saklap.

Wala si Lea that time kaya wala akong mapagsabihan ng problema, kaya dito na lang ako pumunta no'n. Tahimik at maganda kasi rito. Alam mo naman ako gusto ko yung lugar na nakakarelax. May fountain sa gitna nito at may mga bench tapos ang daming bulaklak at mga puno. Ewan ko nga kung bakit palaging walang tao rito. Hindi ba nila alam na masarap tumambay dito?

Hindi ko namalayang tumutulo na pala yung mga luha ko. Pano kasi naaalala ko po yun. Tsk. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos at hindi Niya pinahintulutan na maging broken family ako. Pasalamat ako at hindi nila tinuloy ang hiwalayan. Akala kasi ng Mama ko may babae ang papa ko pero wala naman nagkamali lang si Mama ng hinala.

"Dito lang pala kita makikita."

O___O

Nagulat ako sa lalakeng bigla na lang sumulpot sa harap ko.

Pano mo naman ako nahanap Crush? Tagong-tago 'to ah!

Napayuko ulit ako matapos kong malaman na ikaw pala yan. Ayokong makita mo 'kong umiiyak. Tsk kung kailan naman mukha akong taong grasa saka ka nagpapakita.

Tumabi ka sa'kin at pinipigilan kong 'wag maiyak. Nakita kita kaya naaalala ko yung nangyari nung isang araw. Sakit kaya!

"Isabelle? Okay ka lang ba?"

Tanong mo sa banner mo na may nakalagay 'Will you be my girlfriend B?' Leche.

Tatanungin pa ako kung okay ba ako eh malamang kaya nga umiiyak ako kasi hindi ako okay eh. Huhuhu. Ace naman 'wag ka naman maging manhid please.

"Oh panyo." Binigay mo ang panyo mo pero hindi ko kinuha kaya nagulat ako nung bigla mong pinunasan ang mga luha ko. "Bakit ka nandito? Bakit ka umiiyak? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Alam mo bang nag-aalala na ako kung nasan ka?"

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon