Hi Crush!
Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang hindi na nga yata normal ang ganitong tibok ng puso. Halo-halo ang nararamdaman ko habang yakap-yakap mo ako at mahimbing kang natutulog. Masaya, kinakabahan at kinikilig. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam basta ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Siguro mahigit kalahating oras mo na akong niyayakap samantalang ako hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung dapat ko bang alisin yung mga kamay mo na nakayakap sa 'kin o kung hahayaan ko lang yun. Kunwari deadma, pero halos mawalan na ng hininga sa sobrang kilig.
Hininto ko na ang pag-iistalk ko sa fb mo pa'no ba naman yakap mo na yung dalawa kong kamay paano pa ako makakakilos nito?
Hanggang sa ayun nga nagising ka bigla. Nung narealize mo kung ano yung ginagawa mo nagulat ka at humingi ka ng tawad sa 'kin. Namumula ka pa nga eh. Wahaha. Ang cute mo mamula crush. Yieee. Kilig ka naman sa 'kin! Paraparaan ka rin eh 'no? Tsk. Hahahahah. Chos. Kapal.
Hindi pa natin tapos yung research kaya sabi mo ipagpatuloy na lang natin bukas since sabado naman bukas at pareho tayong walang pasok.
Hindi ko na namalayan ang oras. Patay! Lagot ako nito. Ang dami na rin palang texts at tawag nila Mama, Papa at ni Jerson. Naka-silent mode kasi ang phone ko kaya hindi ko na namalayan.
Nagpresenta kang ihatid ako dahil sabi mo gabi na baka mapano pa ako sa daan pero tumanggi ako kasi nahihiya na ako sa 'yo. Ang dami mo ng nagawa sa 'kin. Ikaw na halos gumawa ng research natin tapos ako kumain lang. May hiya rin naman ako kung hindi mo naitatanong. Wahaha. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Ang kulit mo crush eh may lahi ka talagang tuko chos joke lang ang gwapo mo kaya para maging tuko wahaha.
Sabi mo hindi mo ako papalabasin ng kwarto mo 'pag hindi ako pumayag na magpahatid sa 'yo.
Edi siyempre tumanggi ulit ako para hindi mo na ako palabasin sa kwarto mo.
BWAHAHAHAHA! Joke. Syempre pumayag na ako. Mamaya kung ano pa ang isipin mo eh. Inosente kaya ako! Wala kaya akong naiisip na green. Wahahaha. Lol.
Pagbaba natin nakita natin ang parents mo pati yung little sister mo na kumakain na ng dinner. Late na pero ngayon pa lang sila kakain. Sabi mo kasi laging late yung uwi nila dahil sa work.
Ang ganda ng Mommy mo. Tamang-tama lang yung katawan niya tapos mahaba ang buhok niya na kulay dark brown at medyo kulot. Ang Daddy mo naman saksakan ng kapogian. Kaya pala ang gwapo mo crush kasi gwapo rin yung Daddy mo. Pero mukhang ang sungit nila uwaaah!!! Nakakahiya tuloy. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tama bang makita nila tayo ng ganitong oras? Baka mamaya iba ang isipin nila. Uwaaah!
Gusto ko sanang magsalita sa parents mo ng ganito...
"Ma'am, Sir. Inosente po ako. Hindi ko po ginalaw ang anak niyo. Wala po akong ginawang karumal-dumal. Maniwala kayo. Kapayapaan po para sa buong mundo."
Wahahaha. Joke lang.
Gusto ko sanang sabihin na wala naman tayong ginawang green kasi iba yung tingin nila sa 'tin para bang pag tinignan ka nila nababasa na nila ang buong pagkatao mo. Pakiramdam ko nga pati mga internal organs ko nakita na rin nila. Uwaaah! Baka nga pati mga ninuno ko kilala na rin nila. Nakakaloka kasi yung mga tingin nila eh.
Pero habang nakatingin sila sa ating dalawa biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mukha nila na lalong nagpamula ng mukha ko. Sinabi kasi ng Daddy mo, "Son, is that your girlfriend? She's beautiful. Hi iha ako ang Daddy ni Ace. Nice to meet you."
Namula ako. Shit. Napagkamalan pa akong girlfriend mo tapos beautiful daw ako crush! Leche english yun 'wag ka! Hahaha. Ayeeee. Sabi sa 'yo crush eh. I-appreciate mo naman kasi minsan yung kagandahan ko puro ka kasi B! Hmp!