Confession #31

2K 100 26
                                    

Hi Crush!

Pakisampal nga ako. Nananaginip ba talaga ako? Paanong naging classmate kita? Bakit ka lumipat? Bakit sasabog na yung puso ko? Pati obaryo ko! Ugh. RIP OVARIES!!!

Grabe lang talaga sa pagkabog yung puso ko. Siguro kung nakakayaman ang mabilis na pagtibok ng puso, mayaman na mayaman na ako ngayon! Shitzu kasi eh kyaaah!!! Si Sir Diaz! Pasasalamatan ko talaga yan ng bongga promise! Siya na talaga ang favorite teacher ko forever and ever amen! Paanong hindi ako magpapasalamat eh pinayagan ka niyang lumipat ng schedule sa oras na 'to at alam mo ba sa lahat ng estudyante rito sa Addison, sayo ko lang yata narinig na gusto mong lumipat ng pang gabing sched where in fact ang ganda-ganda na ng schedule mo sa umaga. Tapos bukod pa do'n, may isa pa akong sobrang pinagpapasalamat kay Sir Diaz! Aba! Sino ba namang hindi matutuwa kung ikaw at ang crush mo ay magkapartner sa isang task at yun ay ang paggawa ng research!

Omo! Wala na akong paki kung mahirap gumawa ng research kung may mga defense defense pa yan ang mahalaga kahit ano pang laban yan kung ikaw lang din naman ang kasama ko pakiramdam ko panalo na rin ako. Hashtag hugot. Nyahaha!

Nandito ako ngayon sa bahay. Tatlong araw na mula nung mangyari ang nakakalokang araw na lumipat ka sa schedule namin. Tandang-tanda ko pa kung paano bumilis ng sobra ang pagtibok ng puso ko at tandang-tanda ko pa ang lahat ng nangyari nung gabing yun! Grabe! Ni-hindi man lang ako makalingon sa likod ko para akong nagkaroon ng stiff neck. Boset. Paano ba naman nasa may likod ka ng room naka-upo. Waaaah!!! Nasa gitnang banda pa naman ako sa may gilid ng room malapit sa may pinto. Omg!

Mas lalo pa akong kinabahan nung sinabi ni Sir na puntahan na raw ang ka-partner namin para sa research. At shit alam kong ikaw na ang partner ko kasi inannounce na ni Sir pero hindi ko alam kung paano ako pupunta sayo, kung paano ako lalapit sayo. Waaah!!!

Kinausap pa nga ako ng mga kaklase ko eh bakit daw hindi man lang kita lapitan, malapit ng matapos yung oras dapat daw lumapit na ako sayo pero anong gagawin ko nilalamon ako ng kaba. Huhu.

Hanggang sa kinausap ako ng kaklase kong babae, absent kasi yung partner niya at nakipag-usap na lang siya sa 'kin. Kung ano-ano na lang ang pinag-usapan namin habang sumusulyap-sulyap ako sayo. At omg!!!

Bakit nakita kitang nakatingin sa 'kin? Waaah!!! Nakatakip ng panyo yung bibig mo ewan ko kung nag-iimagine na naman ba ako pero parang nakangiti ka! Waaah! Lalapit na sana ako sayo para kausapin ka, it's now or never tsaka for the sake of our grade kailangan ko ng kapalan ang mukha ko para kausapin ka tungkol sa research natin kaso nga lang nag-declare na yung prof natin na magsi-uwi na tayo kasi ang lakas na raw ng ulan. T^T

At ayun nga pagkatapos i-announce ni Sir yun nagmadali na ang mga classmates natin na magligpit ng gamit nila kasama ka. Nagulat na nga lang ako pag lingon ko sa pwesto mo wala ka na. Aww. Akala ko pa naman yun na yung una nating magiging pag-uusap sa personal. Kainis. Huhu. Ang slow slow ko kasi eh. Hindi man lang ako gumawa ng moves. Nandoon na eh! Kasama na kita sa iisang room kaso naduduwag talaga akong makipag-usap sayo baka mautal ako bigla, o di kaya baka mamula bigla yung mga pisngi ko o di kaya naman baka bigla akong mahimatay sa harapan mo kaya nagdadalawang-isip talaga ako kung kakausapin ba kita o ano. Hays. Bahala na nga. Siguro ichachat na lang kita sa fb kung ano ng balak natin sa research natin. Saka parang hindi mo naman ako namumukhaan eh. Pero kung sabagay sa fb mo lang naman ako nakilala pati sa text. Hays.

Nung araw na yun nag-aalala ako kung papaano ako makakauwi. Unang-una, umuulan ng malakas at wala pa naman akong dalang payong. Pangalawa, anong oras na gabing-gabi na. Mukhang wala na akong masasakyan. Huhu.

Kaya naman nung gabing yun nag-antay na lang akong tumila ang ulan. Doon ako naghintay sa may guard house para mas safe. Pero ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin tumitila ang ulan. Susugod na sana ako sa ulan nang bigla akong tawagin ni Manong guard at may inabot siya sa 'kin na payong.

"Iha, heto gamitin mo muna 'tong payong para makauwi ka na. Gabing-gabi na eh baka mapano ka pa sa daan. Naiwan lang yang payong na yan dito pero gamitin mo muna. Kahit bukas mo na isauli."

Nagpasalamat ako sa kanya at aalis na sana ako kaso biglang may bumisina sa pwesto ko. May nakita akong taxi at may lumabas dun.

Si Jerson! Minsan pala may kwenta rin siya ano? Akala ko puro pang-aasungot na lang ang gagawin niya sa buhay ko.

"Baby ko! Bakit hindi mo man lang ako tinext na gabi pala ang uwi mo ngayon? Kung hindi ko pa tinanong kay Mama kung ano'ng oras ng uwi mo baka na-rape ka na sa daan. Tara na. Uuwi na tayo."

=___=

Okay na eh. Matutuwa na sana ako sa kanya kasi sinundo niya ako pero bakit may "Baby ko" pa? Tsk. Napatingin tuloy si Manong guard saming dalawa. Mamaya akalain niya pang live-in kaming dalawa nito ni Jerson tsk!

Bago pa man ako makasakay sa taxi ay may bigla na lang humarurot na kotse galing sa loob ng school. Color red yung kotse at mukhang mamahalin. Ano naman kayang trip no'n? Parang galit sa mundo kung makaharurot. Pero naisip ko baka isa lang yan sa mga professors na uuwi. Gabing-gabi na rin naman kasi at umuulan pa ng malakas. Baka nagmamadali lang yun makauwi, isa pa traffic pa naman ngayon lalo na't uwian na ng mga nagtatrabaho at umuulan pa ng malakas. Hindi ko na lang pinansin yun kahit natalsikan ako ng mga tubig sa damit ko. Sarap sanang sumigaw ng,

"HOY! WALANG FOREVER!"

Pfft! Hahaha. Alam kong walang connect yung sasabihin ko pero bakit ba eh sa nakakainis eh. Natalsikan yung damit ko! Grr!

At ngayon. Nandito ako sa kwarto ko. Buti nga wala rito si Jerson at napagpasyahan niyang pumunta sa mall. Inaaya niya ako pero ayoko nga. Nauumay na ako sa pagmumukha niya pati sa katamisan niya na hindi man lang ako kinikilig. Kinikilabutan pa nga ako sa tuwing tinatawag niya akong "Baby ko" the f! >___<

Habang nag-iisip ako ng kung anu-ano bigla na lang may nag-pop-up na notification mula sa fb ko.

Ace Hernandez sent you a message.

O____O

KYAAAAAAH!!!!!!!!!

Tumili talaga ako ng pagkalakas-lakas abot hanggang South Korea! Leche flan! Waaaah! Bakit ka naman bigla-biglang magchachat sa akin Crush? Gusto mo bang atakihin ako sa puso? Kyaaaah! Ano kayang sasabihin mo? Magpapakasal ka na ba sa akin? Sheeeeet! Ngayon pa lang magsasabi na agad ako ng "I do" wahaha!

Bago pa man ako kiligin ng bongga ay napaayos na agad ako ng upo at manginig-nginig ko pang binuksan ang chat mo sa akin.

Ace Hernandez: Isabelle, I need to tell you something important.

Eight words!!! Eight words lang yun pero putspaaaaa! Bakit yung tibok ng puso ko abot kalawakan na? At ano naman kaya ang importanteng sasabihin mo sa 'kin? Omg! 'Wag mo sabihing magtatapat ka na ng damdamin mo! Kyaaaaah!!!

Magchachat pa lang sana ako kaso bigla kang may sinend ulit.

Ace Hernandez:

Kyaaaaah!!! Bakit may puso? Waaaaah!!! Walanjo ka Crush! Maharot ka! Omg. Wala na akong obaryo. RIP TO MY FEELINGS AND OVARIES. GOOD BYE EARTH!

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon