Hi Crush!
Grabe ang lakas ng ulan ngayon. Kasing lakas ng buhos ng ulan ang tibok ng puso ko.
Dugdugdug...
Kinakabahan talaga ako! Ilang beses na akong palakad-lakad dito sa loob ng kwarto ko. Ang aga-aga kong nag-ayos at nagpaganda ngayon, eh samantalang alas nuebe pa lang. Tae naman! 10am pa dapat ako aalis eh! Excited much lang eh 'no?
Alam mo bang hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa nangyari kahapon. Bwahaha! Yung bigla mo na lang akong hinawakan sa kamay tapos naramdaman ko na lang na may dumaloy na kuryente sa katawan ko nung hinawakan mo ako. Kyaaah! Yun na yata yung sinasabi nilang "Sparks" bwahaha. Oy hindi kaya ako nakatulog ng maayos kagabi. Leche hahaha.
Sino ba namang makakatulog ng payapa kung yung crush mo inaya kang manuod ng movie tapos nilibre ka pa niya after niyong manuod tapos super lapit niyo pa sa isa't isa tapos feel na feel ko pang magjowa tayo kahapon o diba? Sino? Sabihin mo sa'kin kung sinong nakakatulog ng mahimbing at babangungutin ko!
Bwahahaha biro lang.
Habang naglalakad tayo kahapon, may mga batang nagtatakbuhan sa loob ng mall, jusme ang kukulit nilang mga bata, tatlo sila, isa lang yung babae at dalawa yung lalake. Hinahabol ng dalawang lalake yung batang babae at may dala-dala silang mga ice cream habang tumatakbo. At sa kasamaang palad natapunan ka ng ice cream. Tsk tsk. Pasaway yung mga batang yun hindi man lang nag-sorry sa ginawa nila sa'yo at nagsitakbuhan na ulit. At kahit kulay itim ang suot mo, halata pa rin sa damit yung ice cream na nalagay sa damit mo kaya naghanap tayo ng pinakamalapit na shop kung saan may mga tindang tshirts at mabuti na lang may nakita agad tayong shop.
Naghanap ka ng mga shirts doon at ang nagustuhan mo ay yung color black na tshirt at may nakalagay na word na TINY. Naka-doodle yung word na yun at ang cute. Sabi mo nagandahan ka sa shirt kahit simple lang ang design nito. Naaalala ko nga palang color black yung favorite color mo kaya hindi nakakapagtakang puro color black yung mga sinusuot mo.
Sinukat mo muna yun at lumabas ka sa fitting room, pinakita mo sa'kin kung okay lang. Gusto ko sanang sabihin sa'yo, "Ace kahit ano namang isuot mo bagay pa rin sa'yo. Kahit nga wala ka ng isuot eh."
Bwahahaha joke.
Tapos nung babayaran na natin yung tshirt na napili mo, sabi nung babae sa cashier couple shirt daw yung nakuha mo kaya kailangan daw kunin yung isang kapartner na tshirt.
"Sir bilhin niyo na po yung isa para sa girlfriend niyo. Bagay na bagay naman po kayong dalawa eh." Sabi nung babae at nagsihagikhikan din yung ibang saleslady na tila mas kinikilig pa sila ng bongga kesa sa'kin.
Edi siyempre pumapalkpak yung tenga ko nung narinig ko yun kay ateng cashier. Pinagkamalan pa akong girlfriend mo oh! Wahahahaha. Dagdag ASA points na naman ako. Nyahaha kung alam lang niya na isa lang akong dakilang STALKER mo. Pfft.
Napatingin ka sa'kin at tinanong mo ako, "Isabelle bibilhin ko yung isa para sa'yo. Okay lang ba?"
Tumango na lang ako nung tinanong mo sa'kin yan. Hihindi pa ba ako? Shaaaakkks Crush! Love is in the air! Nyahaha!
Pero nagtataka naman ako panong naging couple shirt yun? Eh "TINY" yung nakalagay? Pfft. Eh ano namang nakalagay sa isa? "BIG"? Pfft.
Kaso natulala na lang ako nang makita ko na ang tshirt na dala-dala ng isang saleslady, dala niya ang kulay black na shirt na katulad ng design sa'yo at may nakalagay na DES.
DES + TINY?
DESTINY?!!!
O///O
Anak ng tokwa. Ganda rin ng timing mo ngayon, Destiny! Wow! Amazing!