Confession #9

2.7K 100 7
                                    

Hi Crush!

Alam mo ba dugong-dugo na utak ko sa accounting. Huhu. Buti na lang lunch na. Pakiramdam ko naubos na lahat ng neurons sa utak ko dahil sa balance shit este sheet na yun! Urgh.

Pumunta na kami sa paborito naming kainan kasama ng mga classmates ko sa accounting subject at ang bait talaga ni tadhana sa'kin! Aba nakita kita! Bigla tuloy akong nagka-energy at feeling ko may mga bagong neurons na ulit ako. Hahaha!

Tinuro kita sa mga classmates ko na hindi pa nakakaalam kung sino ang crush ko at ikaw yon. Oo ganon kaya ako ka-proud sayo. Kulang na lang ipakilala kita pati sa mga professors ko, sa buong school at pati sa parents ko. Chos.

Ganito lang talaga ako gusto ko alam ng mga close kong classmates para kapag makikita kita at kinilig ako hindi sila magtataka kung bakit nahampas-hampas ko sila sa sobrang kilig! Bwahaha.

At alam mo ba ang isa sa mga classmates ko lagi ka palang nakakasalubong sa sakayan ng jeep. Kala ko pa nga non kaibigan mo siya eh. Tuwang-tuwa na sana ako dahil sa wakas malalaman ko na rin ang full name mo, sa wakas ma-iistalk ko na ang facebook mo at baka sakaling mapalapit na tayo sa isa't isa kaso hindi pala kayo close. Hmp! Hindi bale na. Malalaman ko rin ang buo mong pangalan. Wait ka lang crush masesearch din kita sa facebook, sa twitter, sa skype, sa viber, sa line, sa kakaotalk at sa Wattpad (kung uso man sayo yon) Haha! Maa-add mo na rin ako sa wakas! At matutuloy na natin ang love story natin! Bwahaha.

Joke. Asa pa ko!

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon