Confession #21

2.7K 116 29
                                    

Hi Crush!

End na ng first semester at ang ibig sabihin nito hindi na kita makikita for two weeks. Simula na kasi ng sembreak eh. Aww. Ang lungkot naman. Wala ng kilig vibes. :(

Well anyway, kasama ko nga pala ngayon si Timmy sa Mcdo, may date kami! Magselos ka please. Bwahaha! Joke. Hindi kami talo. Alam mo namang pinagpapantasyahan ka namin tuwing gabi! Hahaha. Biro lang. Wag kang green minded. Joke lang yun.

Alam mo ba stalker mo rin si Timmy at mas malala naman siya kesa sa akin noh. Alam niya kasi yung full name mo (oo pati middle name mo), cellphone number mo, birthday mo at pati address mo! Nakakaloka diba? Siya talaga ang tunay na STALKER. Nyahaha. Sabi ko naman sa'yo eh level 99.9 lang ako siya na kasi yung level 100 and super above. Pfft! Kilabutan ka na baka isang araw nasa bahay mo na siya. Hahaha. Pero syempre hindi niya yon magagawa. Wahaha. Nakuha niya nga pala yung mga informations tungkol sa'yo doon sa isa mong classmate mo. Hala sige pagalitan mo siya. XD

Hiniram ni Timmy yung cellphone ko kasi sabi niya makikitext siya at dahil may unli text naman ako at mabait ako (hehe) pinahiram ko siya. Kaso nung natapos na siyang magtext ang lawak-lawak na ng ngiti niya abot hanggang Cambodia! Nakakaloka! Kinakabahan ako sa mga ngiti niya, yun kasi yung ngiti niya sa tuwing pinagtitripan niya ako kaya kinuha ko yung phone ko. Pag tingin ko sa cellphone ko. May tinext siya at eto ang laman...

"Hi Ace!"

O____O

Sheeeeet!!! Tinext ka niya. Omg!!! Halos malaglag ako sa kinauupuan ko no'n. At kahit favorite ko yung mcdo fries pati chicken sandwich eh napatigil ako sa pagkain. Sobrang nalurky ako sa ginawa ni Timmy. Pinagpapapalo ko siya at sinisigawan.

Waaah!!! Bakit ka niya tinext? Uwaaah!!! Wala na akong paki kung pinagtitinginan na kami ng ibang customers at staffs dito basta kailangan ko lang magwala! Uwaaaah!!!

And after few seconds! As in mga 10 seconds lang ang nakalipas bigla kang nagreply! Omg to the moon and back talaga.

"Sino to?"

Yan yung reply mo. Pero teka lang ha bakit sobrang bilis mo magreply? Shems! Siguro matagal mo ng alam yung number ko tapos nung nagtext ako bigla kang nagulat kaya nagreply ka kagad, siguro matagal mo na 'tong pangarap ang itext kita noh? At siguro assumera nanaman ako hahaha este dakilang assuming pala. XD

Habang pinaghahampas ako ni Timmy dahil kinikilig daw siya dahil sa bilis mong mag-reply, ayun pinaghahampas ko rin siya. Ang ine-expect ko kasi hindi ka magrereply pero kita mo naman nagreply ka at ang malupit pa do'n sobrang bilis mo magreply, ikaw yata ang kamag-anak ni Flash eh. Bwahaha. Kinuha ni Timmy ang cellphone ko sa akin kasi raw baka kanina ka pa nag-aantay ng text at nagpakilala si Timmy bilang 'AKO'.

O___O

Omg!

"Isabelle to. Schoolmate mo. Lagi kitang nakikita sa school."

Shet!!! Yan lang naman yung nireply niya sa'yo! Uwaah! Halos nabugbog ko na si Timmy sa mga hampas ko sa kanya pero siya puro evil laugh lang. Huhu. Waaah!!! Hindi na ako papasok sa school. Uwaah! Ayoko na! Buti na lang sembreak na ngayon!

Tinanong ko si Timmy kung bakit ako yung pinakilala niya eh siya naman yung nagtetext sabi niya lang sa'kin, "Duh Isabelle! Kanino ba 'tong phone na gamit ko eh diba sa'yo 'to? Tsaka isa pa 'wag ka ng choosy diyan nagpapaka-kupido na nga ako para sa lovelife mo eh. Can't you see I'm doing a way para mapalapit kayo sa isa't isa."

Oh! Wow! What a nice friend. Super touch tuloy ako bigla sa sinabi niya. Super effort talaga nila ate Yvonne and Timmy pag dating sa'yo crush. Kaya mag-effort ka rin para sa'kin okay? Gusto mo ba mag-break na tayo? Wahaha. Chos. Kapalmuks.

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon