Confession #5

3.5K 127 2
                                    

Hi Crush!

May saturday class ako ngayon! At sa tingin ko ilang araw matapos kitang nakita noon narealize ko na crush na talaga kita. Kasi lagi kitang hinahanap-hanap at gusto ko lagi na matitigan ka.

Ganon naman talaga pag may crush ka sa isang tao diba? Gustong-gusto mo siya lagi na nakikita tapos napapangiti ka na lang bigla sa tuwing makikita mo siya.

Ang saya nga eh kasi may saturday class ka rin pala! Sobrang nakakatuwa dahil hindi na ako tatamarin na pasukan yung dalawa kong subject every saturday.

Imagine! Hindi na ako tatamarin magising ng maaga. Hindi na ako tatamarin gumawa ng assignment. Hindi na rin ako tatamarin mag-aral at lalong hindi na rin ako tatamarin maligo. O diba ang good influence mo kaya sa'kin. HAHA!

Kanina nakita kita sa may kainan sa tapat ng school. Nakita kitang nakatingin sa amin ng mga classmates ko. Hindi ko alam kung kanino ka nakatingin sa 'min basta masaya na ako kasi pakiramdam ko sa 'kin ka nakatingin. Assuming ako eh. Haha.

Pero bakit ka ngumingiti habang nakatingin sa 'kin? Este samin? Enebe ang pogi mo ngumiti!!!

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon