Confession #36

2K 135 38
                                    

Hi Crush!

Halos hindi ako makahinga kanina habang nagkaklase kami sa history. Kinakabahan ako kasi sabi mo susunduin mo 'ko. Omg! Parang lumulundag yung puso ko. Imaginin mo na lang na yung crush mo susunduin ka pa mismo sa room mo! Uwaaah! Ace naman eh! Enebe. Hahaha. Chos.

Hanggang sa natapos na yung professor namin sa mga reminders niya at nagsilabasan na yung iba kong classmates. Hindi ko pa nasasabi kayla ate Yvonne na susunduin mo 'ko kasi paniguradong magwawala sila. Kaso ayun nga lalabas pa lang sana ako sa room bigla ko ng nakita na papasok ulit sina ate Yvonne at nagsisitili sa loob ng room. Mabuti na lang at kaming apat na lang ang nandun, si Timmy, Sharmaine, ate Yvonne at ako. Grabe lang sila makatili parang magigiba na yata yung buong building. Sabi nila ano raw kaya ang nakain mo at nasa tapat ka ng pinto namin na tila may hinihintay. Gusto ko mang magkwento sa kanila kaso bigla-bigla kang pumasok. Tinanong mo pa nga kami kung okay lang ba kami kasi nagtitilian 'tong mga walanjo kong kaibigan. Huhu. Sana naman hindi sila masyadong pa-obvious diba? Huhuhu. Si Timmy halos himatayin na pa'no ba naman, eh crush na crush ka rin niyan eh. Bumubulong-bulong pa siya ng, "Omg! Kinausap ako ni Ace! Kinausap niya ako! Nakatingin pa sa akin! Omg! Hindi ako makahinga girls! Paki handa si Ace. Isi-CPR niya ako. Now na! Kyaaah!"

Oh diba? Hahaha. Kinausap mo raw siya. Siya lang daw talaga. Wag daw kaming pa-epal sa momentum niyo. Lol. Hahahaha. Pero uwaaah ako rin first time din nating mag-uusap ng personal. Pagkaklase kasi kita hindi kita magawang tignan nahihiya kasi ako sa 'yo. Pero ito na nga mukhang ito na yung unang beses na mag-uusap tayo ng personal! Omg! Alam mo ba yung kilig na abot labas ng school? Mas dumagdag pa lalo yung kilig na yun nung nagsalita ka ulit. Kyaaaah!!! Ang ganda ng boses mo crush! Ang sarap pakinggan ng paulit-ulit. Sarap gawing ringtone! Nyahaha!

"Isabelle, tara?" Sabi mo tapos ngumiti ka pa sa 'kin ng pamatay. Pakiramdam ko may mga dragon sa tyan ko. Leche ka crush! Uwaaaah!!!

Kinurot ako ng bonggang-bongga ng mga kaibigan ko. Nakakalokaaaaa! Ang sakit kaya. Grabe naman sila kiligin! Nangungurot pa! Nagtinginan sila ate Yvonne sa 'kin, yung tingin na parang ganito oh, "WHUT IZ DA MEANING OF THIZ? OMG!!!"

Tapos may pahabol pa silang sinabi sa 'kin. "Yung totoo Isabelle, ginayuma mo yang si Ace 'no?"

Mabuti na lang at binulong lang nila yun kundi nakakahiya 'pag narinig mo. Hindi naman kita ginayuma. Baka ikaw pa nga ang nag-gayuma sa 'kin. Tsk. Hahaha. Joke. Kapal.

Sinabi ko na lang sa kanila na next time na ako magkukwento kasi 3:25pm na. 3pm pa naman yung usapan natin. Nagpaalam ako sa kanila. Naiwan silang tatlong tulala habang nakatitig sila sa ating dalawa palabas ng room.

Hanggang sa pagbaba ng hagdan tahimik lang tayong dalawa. May mangilan-ngilan na nakatingin sa 'tin este sa 'yo lang pala. Kasama ko ba naman ang isa sa mga tinitilian sa school diba? Nakakailang nga eh. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Mabuti pa sa chat nakakapagsabi pa ako ng ilang words sa 'yo. Pero ganito pala talaga yung feeling 'pag may crush ka tapos kasama mo pa. Nakakakaba!

Crush! Ang bongga mo pala ha! May sarili ka pa lang kotse? Tarush! Ngayon ko lang nakita yan. Ang ganda ng kotse mo kulay pula. Hihi. Medyo familiar nga yung kotse mo eh. Ewan ko ba kung saan ko nakita. Baka naman sa TV. Bwahaha.

Pagdating natin sa bahay niyo, namangha ako. Hindi naman super OA yung laki, tama lang. Tama lang parang katulad ng palasyo. Bwahaha. Joke. Ang ganda pala ng bahay niyo crush. May mini-garden tapos may malaking gate sa labas. Ang cute din ng design ng bahay niyo. Weee. Parang ang sarap tumira sa bahay niyo! Itanan mo na kaya ako? Hahahahaha. Joke. Patayin pa ako nila Papa eh.

Pagpasok ko sa bahay niyo, may sumalubong sa atin na isang maliit na bata. Ang cute niya. Ang chubby chubby niya. Ang sarap pisil-pisilin ng pisngi niya. May kapatid ka pala? Bakit hindi ko nalaman yun? Pero kung sabagay yung mga status mo pala puro tungkol kay B, B, B, B at B. Lecheng B yan. Di na matigil-tigil sa B! Pwedeng C naman? O di kaya I? As in Isabelle? Hahahaha. Lol.

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon