Confession #19

2.5K 101 7
                                    

Hi Crush!

Naiinis ako sa'yo ngayon. Nagseselos ako! Hmp!

Sino naman 'yang mga kasama mong mga babae? At bakit ikaw lang yung nag-iisang lalake diyan? Pinagtataksilan mo na ba ako? Sabihin mo nga! Hirap na hirap na ako sa ganitong relasyon natin!

Wahaha. Charot. Assumerang froglet noh? Wala naman tayong relasyon. Nyahaha.

Pero nakakainis talaga eh. Kanina ko pa kayo pinagmamasdan. Tawa ka nang tawa sa mga pinagsasabi ng mga kasama mong babae. Nakakainis! At hindi lang ako ang naiinis ngayon. Pati sina ate Yvonne at Timmy rin. Kasama ko sila ngayon sa library. Nasa iisang table kami at kayo naman ay nasa iisang table rin sa kabilang side ng library.

Kitang-kita namin kung paano ka humalakhak. Pero kahit na nakakainis at nakakaselos, natutuwa pa rin ako sa'yo. Bakit kasi kahit yung pagtawa mo lang nakaka-attract pa rin?

For the second time, nakita na naman kitang pumasok ng library. Sakto namang kasama ko sila ate Yvonne at Timmy rito at nagulat kami nung nakita ka namin pero mas lalo kaming nagulat na may mga kasama kang babae. Apat silang babae. Mukhang close kayo sa isa't isa. Sino sila? Pakilayo baka mabalatan ko sila. Chos.

Heto pa rin ako ngayon at titig na titig sa'yo. Bigla kang napalingon dito sa pwesto namin kaya pinagkukurot ako nila Timmy. :(

Kinikilig sila. Inunahan nila akong kiligin. Grabe. Ang sakit ng mga kurot nila. Kinikilig daw sila kasi bigla kang tumingin dito. Hindi lang isang beses kundi maraming beses. Bakit kaya lingon ka nang lingon sa pwesto namin?

Nahahalata mo kayang tinitignan ka namin? Haha!

Halos isang oras yata kayong nagtatawanan don, pasalamat kayo at nasa second floor tayo ng library at walang nakabantay sa'tin. Dahil kung hindi kanina pa siguro kayo napalayas ng librarian sa kaingayan niyo. Hmp!

Narinig daw ni Timmy na kanina mo pa gustong umuwi kaso ayaw ng mga babaeng yun. Malakas ang pandinig niya 'wag ka ng magtaka kung pano niya nalaman. Bwahaha!

Joke. Chismoso lang talaga yun wahaha.

Hanggang sa wakas, pinayagan ka na nilang umalis. Nagbigayan kayo ng paalam sa isa't isa. Sa tingin ko gusto ka ng mga yun. Iba kasi yung mga titig sa'yo. Malagkit yung mga tingin sa'yo eh. Tapos iba rin yung mga ngiti sa'yo. Mga pacute. Naku! Kainis. Hindi mo ba nararamdaman yon? Hindi mo ba pansin na pasimple ka nilang nilalandi? Ano? Sapakin ko na ba? Joke.

Nung pababa ka na ng hagdan nakita kitang napatingin sa'min. Bakit kaya? Nahalata mo kaya kami na kanina ka pa namin pinagmamasdan?

Na-ikwento ko pala kay Timmy yung araw na nasa lobby tayo at tumingin ka sa'kin, yung araw na tumango ka at ngumiti sa'kin, sabi niya wag daw akong assuming. Yung professor mo raw kasi nasa likod ko non kaya ang akala ko ako yung nginitian mo. Hays.

Ayan kasi assume nang assume hindi naman pala ako. XD

Tapos alam mo ba sabi rin sa'kin ni Timmy, minsan daw pag nakakasalubong mo siya, nakikita ka rin niya na ngumingiti. Sabi niya wagas ka rin daw makatitig sa kanya.

Sabi naman ni ate Yvonne, baka ganun ka na raw talaga. Yung mahilig tumitig sa isang tao at ngumiti. Pero sabi rin niya baka ginagawa niya yun kasi alam niyang crush ka namin.

Ang saklap pala noh? Kapag nagkaka-crush ka pala, minsan hindi mo na rin maiiwasang maging assuming.

Ang hirap talaga sa mga tao ngayon, asa nang asa, kahit wala namang patutunguhan, kahit wala namang pinanghahawakang katibayan. Kaya tuloy nasasaktan sila 'pag dating sa huli.

Parang ako lang. Pfft! Haha! Kaya ikaw crush ha! Kung may gusto ka man ngayon, wag kang masyadong umasa baka masaktan ka.

Your stalker,
Isabelle

PS. Pero kung ako yung gusto mo, umasa ka lang kasi may pag-asa ka sa'kin. Wahaha. XD

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon