Hi Crush!
Nandito ako sa library ngayon at tumatambay. Napaaga kasi ang dismissal ng Professor namin sa Rizal. Wala pa namang lunch break kaya magbabasa muna ako ng libro rito. Madalas akong nakatambay sa library lalo na 'pag vacant ko. Ang tahimik kasi rito at walang magulo.
Kanina tinext ako ni ate Yvonne na lumabas ako ng library kasi sabi niya may ipapakilala raw siya sa'kin na tiyak ikatutuwa ko. Sino naman kaya yon?
Habang palabas ako ng library may nakita akong lalake na nag-fifill-up ng paper sa may desk ng librarian para manghiram ng book at ewan ko ba bigla na lang akong napalingon sa lalakeng yun. At pagkalingon ko, ikaw na pala yun.
*dug dug dug*
Agad-agad na bumilis ang tibok ng puso ko to the highest level! Halos matanggal na nga sa ribcage yung puso ko. Pa'no ba naman kasi hindi ko naman ine-expect na ikaw na pala yun, na nagla-library ka rin pala, hehe. Akalain mo yun? Uso pala sa'yo ang salitang 'library'? HAHAHA! At ang gwapo mo kahit sideview lang ang nakikita ko sa'yo, ang lakas pa rin ng dating mo. Iba pa rin yung impact mo sa'kin.
Ginayuma mo 'ko noh? Charot.
Sa sobrang hindi ako makapaniwala na ikaw yun. Yumuko pa ako para silipin yung mukha mo na nakayuko rin. Nakatayo ka kasi nun at nakayukong nagsusulat sa mesa. Hindi ko masyadong makita yung mukha mo kaya tumigil muna ako sa paglalakad para silipin ka. Halos magkalapit lang tayo. Mga three steps lang siguro ang layo natin sa isa't isa. Oo nabilang ko talaga yun. Haha. :P
Ewan ko kung nakatingin sa'kin yung mga tao sa library na tumitingin ako sa'yo at ewan ko rin kung napansin mo akong nakasilip sa'yo. Basta ang alam ko lang nanginginig yung tuhod ko nung makita kita.
May rayuma na ata ako.
Joke! XD
Ayaw ko pa sanang lumabas ng library pero kasi text nang text si ate Yvonne. Sabi niya lumabas na raw ako ng library kundi babalatan niya ako gamit ng nail cutter. Wahaha. Kaya yun lumabas na ako. Baliw talaga yun. Haha.
Nung nagkita kami sinabi ko sa kanyang nasa library ka at bigla siyang nagulat at natuwa. Sabi niya na ikaw yung ipapakilala niya sa'kin tapos nasa library ka lang pala. Kaya pala sabi ng classmate ni Ate Yvonne hindi ka raw sumipot sa meet-up niyo. Kaya yun hindi nila ako naipakilala sa'yo.
Akala ko nga close na kayo ni Ate Yvonne yun pala hindi naman. Gusto niya lang maki-extra sa pagkikita niyo ng ka-group mo sa project niyo sa major subject niyo at balak niya pa talaga ako idamay sa kalokohan niya? Huhu. Hindi naman pala kayo magkakilala tapos ipapakilala niya pa ako sa'yo. Mamaya sabihan mo pa ako ng...
"FC ka?"
Sana hindi ka ganyan kundi ako babalat sa'yo. Chos.
Pero natutuwa ako kayate Yvonne kasi napaka-supportive niya sa crushlife ko! Hahaha. Talagang balak niya pa akong ipakilala sa'yo kahit hindi ka naman namin close. XD
Hinila agad ako ni ate Yvonne papuntang library. Alam mo bang hindi pa kami kumakain ng lunch pero heto at inii-stalk ka namin. Ang supportive talaga ni Ate Yvonne, tinuturuan niya pa ako ng mga stalking skills. Buti pa ako wala kasi akong kaalam-alam sa mga ganyang bagay. Stalker? Inosente kaya ako. :P Bwahahaha!
Papa-akyat na sana kami ni ate Yvonne sa second floor ng library kung saan maraming bakanteng mesa at upuan pero bigla ka naming nakita sa first floor, sa mga bookshelves. May kasama kang lalake na ka-course mo rin at naghahanap kayo ng book.
Napatingin ka sa direksyon namin habang umaakyat kami ng hagdan ni ate Yvonne. Nagtama ang mga tingin natin pero agad akong umiwas kasi pakiramdam ko mahihimatay ako bigla.
Hahahahaha! Joke. OA much XD
Bumaba kami sa first floor para sundan ka. Habang naghahanap ka sa kabilang bookshelf, kami naman ni ate Yvonne nasa likod lang nun. Pinagmamasdan ka namin habang seryoso kang naghahanap ng book. Haha. Ang creepy no? Sarreh XD
Kahit seryoso ka crush, ang pogi mo pa rin. Siguro kahit naglalabas ka ng sama ng loob sa CR, pogi ka pa rin. BWAHAHAHA. Uy joke lang ah. Peace. ^__^V
Ganito rin kaya yung iba? Yung kahit wala ka namang hinahanap na book sa library, nandon ka pa rin para sundan yung crush mo.
Ang hirap magpigil ng tawa. Para kasi kaming timang na kahit saan ka magpunta nakasunod kami. Buti na lang talaga at hindi mo kami napapansin. Buti na lang at maraming librong nakaharang. Kundi deads kami pag nalaman mong nakasunod kami sa'yo.
Alam mo ba na nanlalamig ang mga kamay ko. Oo alam kong may aircon sa library pero hindi naman yun sobrang lakas na halos pati hibla ng buhok ko nanlalamig na. Tama lang yung lamig ng aircon. Pero ang pinagtataka ko na kahit ang lamig ng mga kamay ko, pinagpapawisan naman yung palad ko at pati kili-kili ko. Wahaha. Ang sagwa ko ba? Turn-off ka na? Sorry hahaha.
Ganito nga talaga ata pag malapit ka lang sa crush mo, nakakaramdam ka ng sobrang kaba at ng kilig.
Hanggang sa nakapili ka na ng libro at bumalik ka na sa mga ka-klase mong lalake rin. Mga ka-course mo pala sila. Malapit lang ang mesa niyo sa mga bookshelves kaya kahit nakaupo ka na, kitang-kita ka pa rin namin ni ate Yvonne mula sa pwesto namin.
Pumunta kami do'n sa medyo malapit sa pwesto mo. Kunwari naghahanap kami ng book pero ang totoo pasimple ka na naman naming tinitignan.
Crush, ang pogi mo talaga kahit seryosong-seryoso ka sa pagbabasa ng libro. Sana libro na lang din ako para tinitignan mo rin ako at sineseryoso mo 'ko.
Hashtag hugot! Nyahaha!
Muntik ko ng masagi yung mga libro nung bigla kang napatingin sa'min! Shet! Nakita mo akong nakatitig sayo. Oo sa'kin lang. Si ate Yvonne kasi busy sa kakatawa sa mga pinaggagagawa naming kalokohan. Agad kong iniwas ang tingin sa'yo. Halos hindi ako makagalaw nung nakita mo akong nakatitig sa'yo. Nanigas na ata ako sa kinatatayuan ko.
Nagtataka si ate Yvonne sa'kin kasi natulala na ako. Sabi niya pa nga, "Hoy Isabelle! Para ka ng bangkay diyan. Bakit ang lamig ng mga kamay mo at naninigas ka pa? Gusto mo ilibing na kita? BWAHAHAH---Oy! Ano ba bakit hindi mo ko pinapansin?"
Kaya nang dahil do'n napabalik na lang ako sa katinuaan ko samantalang si ate Yvonne tawa nang tawa sa kinuwento ko sa kanya na nahuli mo akong nakatitig sa'yo. Para raw kasi akong bangkay na natatae kanina. Pfft! Bangkay na nga natatae pa? Hahaha. Shet sorry crush, ang sagwa ko na naman noh? Hahaha.
Pumunta kami sa kabilang side ng library. Sa likod ng mesa niyo to be exact. May mga bookshelves na nakaharang do'n kaya do'n kami patagong nakikinig sa usapan niyo ng mga classmates mo. Sa tuwing may magsasalita sa inyo, hindi namin alam kung isa ka na ba do'n o kung ikaw na ba yung nagsasalita kasi hindi pa naman kami masyadong familiar sa boses mo.
Sinasabi lagi ni ate Yvonne sa tuwing may magsasalita sa inyo, "Ang ganda talaga ng boses ni Ace."
Pero maya-maya may magsasalita ulit at sasabihin na naman niya, "Huh? Nag-iba na naman ang boses niya? May talent ata siya sa pag-iiba ng mga boses eh pero oh well papel, maganda pa rin boses niya. Diba Isabelle?"
Kaya ayun natatawa na lang kaming dalawa ni ate Yvonne sa mga ginagawa naming kalokohan. Ang hirap talagang magpigil ng tawa lalo na ng kilig. Minsan nga nahahampas ko pa si ate Yvonne sa tuwing kinikilig ako at kamuntik ng malaglag yung mga books dahil sa kaharutan namin. Mwahaha. Buti na lang at kasing bilis ko si Flash, nasalo ko kagad yung muntikan ng malaglag na book. Whoo!
Dear Crush, naririnig mo kaya yung mga tawa namin? Yung mga bulungan namin? Kung oo, please lupa, swallow me now. Nyahaha!
Nung napagod na kaming mang-stalk sa'yo, sinabi ko kay ate Yvonne na kumain na kami, wala ata kayong balak lumabas ng library mukhang seryoso kayo sa paggawa ng kung ano man yon.
Kaya yun, lamon muna bago landi. Hahaha. Lumabas na kami ng library kahit labag sa aking kalooban ang iwan ka at lumisan.
Charot.
Your stalker,
Isabelle