Confession #3

5.2K 158 4
                                    

Hi Crush!

Nakita ulit kita after ng ilang araw. Pero uulitin ko hindi pa kita crush nung mga panahon na yon. Ganun talaga by process 'tong pagkagusto ko sayo! Haha.

Tinuro ka ng classmate ko. Yung classmate ko rin na nagsabing may kamukha ka raw. Actually crush ka rin niya. Pogi mo raw kasi kaya crush na crush ka ni Timothy.

Siya nga pala beki siya. Kaya Timmy yung itawag mo sa kanya. Huwag Timothy kasi makikita mong mas maskulado pa yon sayo pag nakipagsapakan! Magtatransform yun bigla as Superman este Superwoman pala! Nyahaha.

Alam mo ba nasa lobby ulit kami kasama ng iba ko pang classmates. Papunta ka sa CR non at si Timmy, ayun susundan ka sana niya sa loob ng CR kasi ang tagal mo raw lumabas baka raw nilamon ka na ng inidoro! Kaso nung papasok na siya sa CR bigla ka namang lumabas. Kaya yun napaatras siya. Sayang daw effort ng kagandahan niya. Kami naman tawa lang nang tawa.

Napag-alaman ko rin na BS in Computer Science yung course mo. Sinabi ni Timmy sa 'kin. Stalker mo rin yon. Mas malala siya sa'kin! Haha. Pero sayang! Mas mapapadali sana ang love story natin kung Accountancy student ka rin.

Mag-shift na kaya ako sa course mo? Tutal lahat na ng pwedeng dumugo sa katawan ko dumugo na ng dahil sa accounting na yan. Hahaha.

Pero joke lang ikaw na lang mag-shift ng accountancy para ma-try mo rin magkaregla este duguin. Ang sagwa ko pasensya hahaha.

Nakakatuwa lang isipin na ang lakas ko pang mang-asar kay Timmy dati na crush ka niya pero ako rin pala magiging crush din pala kita.

Nice one tadhana!

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon