Confession #20

2.9K 102 25
                                    

Hi Crush!

Alam mo ba kung nasaan ako ngayon? Malamang hindi mo alam. Pero, nasa puso mo ako ngayon. Pfft! Bwahaha! Joke lang.

Nandito ako ngayon sa mall, kasama ko ang bestfriend ko na si Lea. Ngayon na lang ulit kami nagkita at buti nga vacant ko ngayon at siya? Ayun hindi niya pinasukan yung klase niya ngayong araw kasi namimiss na raw niya ako. Naks! Nagiging sweet din pala 'tong bestfriend ko sa'kin kahit paminsan-minsan? Wahaha. Ikaw kaya crush, kailan ka magiging sweet sa'kin?

Chos. Asa naman daw ako.

Anyway, tulad nga ng nabanggit ko sa'yo kanina, nandito kami ni Lea sa loob ng mall. Mamamasyal kami at manunuod ng movie pero kakain muna kami sa isang restaurant na puro pizza lang ang tinda. Mahilig ako sa pizza kaya naman dito ako dinala ni bestfriend. Sweet talaga. Susulitin ko na 'tong pagiging sweet niya. Minsan lang 'to eh. Bwahaha!

Nagkamustahan lang kami do'n tungkol sa school, sa mga bagong friends, sa mga kung anu-ano pa, pati sa mga crush. At ayun si Lea? Hmp! Hindi uso do'n yung salitang 'crush' eh. Kaya ayun, ako na lang yung nagkwento tungkol sa'yo.

Oo, eh sino pa nga ba ang crush ko? Eh ikaw lang naman ang Fafa Ace ng buhay ko wahaha.

Wala na akong bukambibig kundi ikaw. Nakanuod na kami ng movie, bumili ng book sa bookstore, naglaro ng mga arcade games at kung anu-ano pa pero ikaw pa rin yung laging lumalabas sa bibig ko. Buti nga hindi naiinis si Lea sa'kin eh bagkus tuwang-tuwa pa siya habang kinukwento kita sa kanya.

Nitong mga nakaraang araw nga pasimple kitang sinusundan sa school, ewan ko lang kung nakikita mo ako pero pasimple kitang kinukuhaan ng stolen pictures. Wahaha. May time nga no'n, napadaan ka sa room namin, saktong nasa pinakadulo ako ng room at nando'n pa ako nakapwesto sa may pinto, eh nakatalikod ka no'n sa may pinto kaya agad kitang kinuhaan ng picture. Kahit likod mo lang yun atleast may kauna-unahang picture mo na ako. Stolen nga lang at likod mo lang ang nakikita pero okay lang gwapo ka pa rin naman kahit nakatalikod ka lang. Wahaha.

At nung isang araw naman, habang nakatambay ako sa may labas ng library, nakita kita parang may inaantay ka. Patingin-tingin ka sa paligid mo. Ewan ko kung sino hinahanap mo pero dahil hindi mo naman ako nakikita dahil nakatago ako sa labas ng library, kinuhaan ulit kita ng stolen pictures. Ang cute mo nga do'n eh. This time naman, sideview na yung kinuhaan ko sa'yo.

Kailan kaya darating na front view naman? At ang pinaka-imposibleng mangyari, kailan kaya darating yung pagkakataon na makasama naman kita sa iisang picture lang, yung tayong dalawa lang. Hehe. Malabo yun kaya hindi ko na muna iisipin.

Masaya na sana ako nung araw na yun kaso biglang may dumating at tumabi sa'yo. Kainis! Isa siyang babae. At siya yung isa sa apat na babae na kasama mo noon sa library. Yung todo ngiti ka at todo tawa ka nung araw na 'yon? Yung araw na selos na selos ako? Yun yun. Siya lang pala yung hinahanap mo. Ang sakit! Mukhang may something something na kayong dalawa.

Pero gayunpaman, hindi ko na lang didibdibin yun dahil wala naman akong dibdib. Haha. Joke. Hindi ko na lang dadamhin yun, crush lang naman kita eh. Stalker mo lang ako at hindi ko nga alam kung nag-eexist ba ako sa'yo. Masaya pa rin ako kasi may mga pictures mo na ako. Kahit sideview lang at nakatalikod okay na ako.

At dahil sa sobrang tuwa ko, inupload ko pa yung mga stolen pictures mo sa Instagram ko pati sa Facebook ko. Aba ang mga kaibigan ko naman todo asar sa'kin kesyo pumapag-ibig na raw ako ngayong college. Pfft. Kung alam lang nila na isa lang akong dakilang stalker mo. Ang one sided na love story kong ito. Pfft. Ano ba yan ang corny na tuloy ng dating. Tama na nga sa drama. Haha.

Pinakita ko rin kay Lea yung mga stolen pictures mo. Nung una nabigla siya. Ewan ko ba kung bakit gano'n na lang yung naging reaksyon niya. Nung tinanong ko naman siya ayun wala naman daw, napapraning lang daw ako. Pfft. Baliw talaga yo'n. Tinatanong ko nga siya kanina kung bakit ba hindi na lang siya sa school natin mag-aral, may course din naman satin na katulad ng kanya. Sabi niya gusto raw niyang maranasan ang LDR sa aming dalawa. Pfft. Corny talaga. XD

Hiniram niya pa nga 'tong cellphone ko at nakita niya yung mga tinatago kong confessions sa'yo. Nakalagay lang kasi 'to sa notepad ko. Wala namang password 'to kaya madali lang niyang nabuksan. Kahit nga itong cellphone ko, wala ring password pag bubuksan, kaya minsan kinakabahan ako sa tuwing may hihiram ng cellphone ko baka mamaya mabasa nila ang mala-MMK kong sawing pag-ibig para sa'yo. Pfft. Hahaha.

Alam mo ba hiyang-hiya ako kay Lea habang binabasa niya 'tong mga confessions ko sa'yo, paano ba naman kasi kada binabasa niya yung mga entry ko tawa siya nang tawa. Mangiyak-ngiyak na siya kakatawa. Ano ba naman 'tong babaeng 'to? Hindi naman nakakatawa yung laman ng mga confessions ko sa'yo ah? Baliw talaga siya. -__-

Nagtataka rin ako sa kanya nung pagkatapos niyang basahin lahat ng laman sa mga confessions ko. Ang tagal niya akong tinitigan. Tuwang-tuwa siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya yung pagkagalak niya sabay sabing, "Waah! Dalaga na talaga ang bestfriend ko. Parehas kayo ng kakilala ko. May ganyan din siya. Mga confessions sa taong gusto niya. Pfft hahaha. Corny niyong dalawa. Anyway, bestfriend kapag naging kayo ng Ace na yan 'wag mo kong kakalimutan ha? Kapag may date kayo kailangan isama mo ako para masundan ko kayo kung may ginagawa na kayong kababalaghan. Mamaya bigla na lang akong magkaroon ng pamangkin---"

Hindi ko na itutuloy yung sinabi niya kasi nakakaloka. Grabe hindi mo pa nga ako kilala tapos napunta na agad sa part na 'yon? Magkakaroon na agad ng pamangkin? At kailan pa kami naging magkapatid? Chos. Pero kung sabagay simula nung highschool kami, parang magkapatid na kami niyan. Minsan nga sa bahay namin siya natutulog at kung minsan doon naman ako sa bahay nila nakikitulog. O diba? Magkapatid kami pero magkaiba ang mga magulang namin. Haha. :D

Pero nakakaloka talaga siya! Kung makapagsalita naman siya parang akala mo bukas na bukas magkakaroon agad ako ng jowa. Nakakaloka! Kahit sino pa yang mag-aya sa'kin bilang girlfriend nila hindi ko tatanggapin. Ikaw lang ang gusto ko. Loyal ako sa'yo forever. Cheesy ko. Hehe.

Pero ang pogi talaga ni Chanyeol ng Exo. Wahaha. Teka sinabi ko bang loyal ako? Kalimutan mo na yun. Joke lang yun.

Charot. Oo loyal na ako. Bukod kay Chanyeol, ikaw yung lalakeng crush na crush ko. Wahaha.

Heart heart. Puso puso.

Your stalker,
Isabelle

PS. Sana makilala mo na ako crush para makagawa na tayo ng... Ng... Mga memories together. Pfft. Wag kang mag-isip ng ano pa man. Tiwala sa isa't isa'y kailangan at kahit ano pa ang iyong nakaraan. Mamahalin kita maging, sino ka man--- ay kanta na pala yon. Wahaha.

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon