Hi Crush!
Minsan ang sarap mong pektusan sa lungs. Alam mo ba yun? Syempre hindi mo alam. Bwahahaha. Bakit kasi ganyan ka sa'kin? Ang landi mo rin eh 'no? Hahaha o assuming lang talaga ako? Ha ha ha. Tsk.
Ganyan ka ba talaga sa mga babae? Paasa? Ang sweet mo kasi eh. Ang gentleman mo. Ang bait mo. Hindi ko alam kung sa'kin mo lang ginagawa yun o pati sa iba. Paano ko naman malalaman kung may pag-asa ako sa'yo o sadyang paasa ka lang?
Saka bakit ba ako ganito? Sabi ko dati titigilan na kita. Pero sabi ng puso ko, "Go lang Isabelle. Tanga ka eh."
Bwahahaha. Joke. Sabi talaga ng puso ko "Go lang Isabelle, malay mo naman may 0.1% na pagtingin si Ace sa'yo. Umasa ka lang. May forever."
Nababaliw na yata ako.
Sa'yo.
Charot.
Nandito ako ngayon sa gym inaantay kong matapos yung laro niyo. Bakit kasi natripan mo pang makipagpustahan sa basketball eh. Sabi mo antayin kita rito kasi gagawa tayo ng bata este ng research. Ikaw talaga ang green ng utak mo. Maglinis ka ng utak please. Wahahaha.
Nakaupo lang ako rito mag-isa. Ayokong makisama doon sa kumpulan ng mga babae. Mga fangirls niyo yata yun. Ang gwapo rin naman kasi ng mga kalaro mo eh. Crush ko na rin sila. Hahaha chos. Loyal ako sa'yo 'no. Ikaw lang naman ang hindi loyal sa'kin. Taksil ka! Lol.
Yung iba may mga banner pa na dala. Psh parang mga ewan. Akala mo naman talaga papansinin sila ng mga crush nila. Sus! Wag na silang umasa. Hahaha. Lol. Look who's talking. Eh ako rin naman parang ewan sa'yo. Pero alam mo pansin ko sa mga kalalakihan na gwapo, yung iba sa inyo ngayon kung hindi bading, mga PAA naman. PAAsa!
Nakatitig lang ako sa'yo habang naglalaro ka. Ang gwapo mo talaga crush. Bakit kahit ang bilis mo tumakbo, nagi-slowmo yung tingin ko sa'yo? Iba na talaga 'to. Malala na 'to. Kailangan ko ng magpatingin sa doktor. XD
Nagulat ako nung nagkaroon kayo ng break kasi imbis na pumunta ka sa mga kaibigan mo eh bigla kang pumunta sa kinauupuan ko. O__O
Ayan na papaasahin mo na naman ako. Ayan na magiging sweet ka na naman. Ayan na tanga na naman ako. Chos! Hahaha.
"Isabelle, konti na lang matatapos na 'tong game. Sorry kung pinaghintay pa kita."
Ano pa nga bang sasabihin ko. Siyempre isa akong dakilang shunga. Kaya sinabi ko. "Okay lang Babe. Shoot pa more."
Chos. Siyempre hindi ko yan sinabi 'no. Baka nasapak mo pa ako bwahaha. Sinabi ko lang, "Okay lang."
Nakita kong tagaktak na yung pawis mo, dinaig pa yung waterfalls. Haha! Kaya binigay ko yung panyo ko sa'yo. Ang baho mo na kasi saka kadiri, tulo-tulo pawis mo. Yuck! Hahaha joke. Dumadamoves lang ako. Harot. XD
Nagtitinginan sa'tin yung ibang mga babae, siguro may mga crush yun sa'yo. Bleh! Mainggit sila 'no. Akin lang ang asawa ko! Juk! Hahaha.
Pagkatapos mong magpunas ng pawis hinawakan mo yung ulo ko at ginulo mo pa yung buhok ko. Sinabi mo, "Salamat Isabelle. Gaganahan na akong maglaro. See you later." Pagkatapos mong sabihin yun kumindat ka pa sa'kin.
Mamatay na yata ako sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pero sabi ng utak ko, "Whoo! Aasa ka na naman? Wala yan mukha ka lang batang yagit sa lansangan kaya ka hinawakan sa ulo. Saka yung kindat? Wala yun may dumapo lang na dumi sa mata niya. Wag umasa nakamamatay."
Huhuhuhu. Isusumbong na talaga kita kay Kuya. (Yung sa PBB bwahaha)
10 million points po para kay Ace Hernandez. Ang landi-landi niya po. Hinaharot niya po ako. Nagpapaharot naman ako.
Bwahaha joke.
Your stalker,
Isabelle