Confession #42

2K 107 14
                                    

Hi Crush!

Ang bilis pala ng panahon. December na ngayon at ilang araw na lang christmas vacation na at ilang araw na lang magpapasko na pala ang harot ko kasi. Ikaw na lang palagi nasa isip ko. Bwahaha.

Crush! Thank you so much talaga. Noong naipasa na natin yung research natin last week grabe sobrang natuwa si Sir Diaz! Tayo lang daw ang nakakuha ng perfect score. Wow! Kung alam lang ni Sir na halos ikaw na ang gumawa sa research na 'yun. Chapter 1-3 pa lang yun pero nagandahan na si Sir. Kaya sabi ni sir, ipagpatuloy pa raw natin ang magandang teamwork natin. Inannounce rin ni Sir na sa pasukan na lang next year yung pasahan ng pinaka-final research. Requirement daw natin yun para sa midterm dahil 'pag nagandahan daw si Sir sa research na ipapass natin, magiging exempted na raw ang sinumang partners na maganda at perfect ang pagkakagawa sa research. Kaya naman tinext mo ako kanina kung kailan ako available sa christmas vacation para magawa na natin yun. Sabi ko sa'yo kahit kailan available ako kasi hindi naman kami aalis eh. Dito lang kami magse-celebrate ng christmas pati ng new year.

Kagabi pala nasa bahay ako ng bestfriend kong si Lea. Masyado kasi akong nalungkot sa nangyari nung last week. Yung na-meet ko yung B mo. Huhu. Sabi ko pa naman hindi ako magpapaapekto sa ka-sweetan niyo pero kasi nakakainis yung mga pictures na tinag ka ni Bianca. Ang sweet niyo kasi eh tapos yung mga caption pa parang gusto niyong ipamukha sa'kin na papatunayan niyong may poreber! Takte.

Pero sobra akong masaya at nagpapasalamat na may bestfriend akong katulad ni Lea, nakakatuwa lang na kahit hindi ako magsabi kay Lea, alam niya agad kung may problema ako o wala. Kahapon kasi pumunta yun bigla sa bahay namin. Nagtaka nga ako sa kanya kung bakit siya dumalaw sabi niya lang, "Hindi ka nag-rereply sa mga texts ko eh. Malay ko ba kung buhay ka pa."

Ang sweet niya 'no? Minsan ang sarap ding kutusan ni Lea eh. Hindi man lang marunong maging sweet sa'kin huhu. Pero gayunpaman, alam ko namang nag-aalala siya sa'kin pakunwari lang yun. Haha. Kaya ayun nag-movie marathon lang kaming dalawa.

Siya nga pala kaninag umaga lang umuwi sa kanila si Jerson. Hays salamat naman at wala ng asungot sa buhay ko. Kainis kasi yun pag nasa bahay parang tarsier kung makakapit sa'kin. Pinaglihi yata siya ng Mama niya do'n. Bwahaha. Joke.

At dahil saturday naman ngayon at bagot na bagot na ako sa bahay, nandito ako sa mall. Mag-isa lang ako. Oo forever alone nga ako diba? Hays. Tapos mag-isa pa ako mamaya sa bahay kasi naman sila Mama at Papa may inasikaso sa probinsya tungkol yata sa lupa na binebenta nila. Noong isang araw pa sila umalis kaya nga ilang araw ko ring nakasama si Jerson sa bahay ng kaming dalawa lang. =___=

Kairita naman dito sa mall puro couple! Tsk. Bakit ba kasi halos lahat ng tao rito puro magjowa? Ako lang talaga yung naiiba rito eh. Nakaka-OP naman! Tsk. Tapos ang sweet sweet pa nilang lahat. Tengne kulang na lang pagbuhul-buhulin ko sila.

Nangangamoy amplaya na yata ako. Kainis. Bwahaha.

Kaya para maibsan ang kabitteran ko pumunta ako sa mcdo at lumafang na lang. Kakain na lang ako ng marami. Umorder ako ng isang BFF fries (kahit ako lang mag-isa bwahaha) isang burger at isang two-piece chicken with two extra rice saka isang malaking coke float at may extra pang maliit na coke. Bwahaha ang takaw ko 'no? Hindi pa kasi ako nakakapag-breakfast at lunch kanina kasi hindi ako marunong magluto. Tsk. I'm so useless. Paano na lang pag mag-asawa na tayo? Sino magluluto ng pagkain para sa'yo? Napaka-wala kong silbing asawa.

Bwahahaha. Takte iba na 'to. Pati pagiging asawa mo pinagpapantasyahan ko na. Hays.

Sarap na sarap ako sa kinakain ko hanggang sa mapatingin ako sa labas ng mcdo at may gwapong lalake na nakatitig sa'kin.

O__O

Omg! Crush! Pasensya na at magtataksil muna ako sa'yo ha! Ang gwapo kasi talaga niya. Kyaaaah!

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon