Confession #25

1.8K 79 0
                                    

Hi Crush!

Kakagising ko pa lang. Nandito ako sa library. Nakatulog pala ako rito sa may mga bookshelves. Buti na lang at hindi ako sinita ng mga librarians na nandito. At buti na lang bihira lang silang mag-ikot dito. Medyo nalaglag ko yung ilang mga books. Pasalamat talaga ako at nasa pinakatagong lugar ako nakatulog kundi malalagot ako nito.

Pero ang ipinagtataka ko lang bakit parang yung panaginip ko kanina, bakit parang totoo?

Alam mo kasi parang may humalik sa labi ko. Ewan ko ba. Kung ano-ano kasi yung mga pinanuod kong romantic movie kagabi. Ayan tuloy napapanaginipan ko na. Pero kasi parang totoo talaga eh. Parang naramdaman kong may lumapat na labi sa labi ko. Shet. Kinikilabutan tuloy ako bigla. Baka mamaya may multo rito na nanghahalik ng mga taong natutulog. Uwaah!

Wag ka sanang magalit sa'kin crush pero hindi ako nagtataksil sa'yo. Maniwala ka. Kung meron mang tao na gusto kong maging second kiss ko gusto ko ikaw yun. Oo second kiss kasi yung first kiss ko nakuha na ni Lea nung highschool kami. Magkatabi kasi kami no'n, dapat magbebeso-beso lang kami no'n pero nauwi sa lips. Ayun nagtawanan lang kami. Pero maniwala ka crush, parang may humalik talaga sa'kin kanina eh. Waaah! Totoo nga ba yon? O panaginip lang?

Teka sinabi ko bang hindi ako nahuli ng mga librarian? Hehe. Nagbibiro lang ako.

Uwaah!!! Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga ko kaso nakita ako ng isa sa masusungit na librarian. Uwaaah!!! Patay ako nito. Paniguradong mapaparusahan ako ng bongga nito.

Heeeeeelp!!!

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon