Confession #15

2.4K 108 0
                                    

Hi Crush!

OMG! Nahanap ko na yung facebook account mo! Kyaaaaaah!!!

Alam mo bang nahirapan ako sa paghanap ng fb mo. Ang daming lumalabas na Ace Hernandez. Buti na lang talaga at matiyaga kong inisa-isa yung mga profiles na yun at nakita ko yung iyo. Hays! whew. Nakakapagod ah. 

At dahil diyan dapat may reward ako. Nahanap ko yung fb mo kahit gano man kahirap yun. Penge kiss?

Hahaha. Joke.

Dahil sa dakila mo akong stalker, ini-stalk ko muna yung fb mo. Nakakatuwa ang dami mong likers. Kaso mas mahirap ata na mapansin mo pa ako kasi yung mga likers mo mga chikadudels! Mga hot, sexy and pretty ladies. Samantalang ako eto...

DIYOSA!

Hahaha! Joke lang. Simple lang ako pero rock! Oo mabato ako eh! Marami akong abs! Hahahaha. Joke lang ulit.

Tinignan ko yung mga profile pictures mo. Ang cute mo talaga! Mas cute ka pa sa aso namin! Dejoke.

Inaadd na kita baka kasi matagal mo na akong hinahanap sa facebook eh. Joke. Kapal. Hoy i-accept mo ah! Pag hindi mo inaccept yung friend request ko sayo, mag-be-break na talaga tayo! Taga mo sa braces mo! Hahahaha. Charot.

At dahil alam ko na ang full name mo tinignan ko sa twitter kung meron ka ring twitter.

At shems! Meron nga! Omg!

Mag-iistalk na rin sana ako ng twitter mo kaso naka-private yung twitter account mo hmp!

Bakit kaya? Baka naman doon ka nagcoconfess ng feelings saken ha?

Charot. Oo na makapal na ako. Hanggang dito ko lang naman nasasabi 'to eh. Siguro pag sa personal na. Nganga lang ako. Ay joke ang pangit naman kung naka-nganga ako. Siguro pag nagkita tayo sa personal, mananahimik lang ako. Maninigas sa kinatatayuan. Manlalambot ang tuhod. Manghihina.

Ganun naman talaga 'pag nagkaroon ka ng crush diba? 'Pag nakausap mo na siya parang tumitigil yung mundo mo. Parang naglalaho yung mga nakapaligid sayo. Parang siya lang yung nakikita mo. At kapag nakausap mo na siya saka mo mararanasan ang pagkautal, kaba, at kilig. Ganun naman talaga diba?

I-fofollow na sana kita kaso naisip ko baka mapagkamalan mo akong stalker mo kasi pati sa twitter mo, alam ko.

Ay! Oo nga pala stalker mo pala ako. Hehe.

Pero uy hindi naman sobrang lala. Mga level 99.9 pa lang ako.

Joke.

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon