Confession #47

1.9K 104 26
                                    

Hi Crush!

Nabasa mo na kaya yung mga confessions ko sa'yo? Nakita mo na kaya yung mga stolen pictures mo? Uwaaaah!!! Kasi naman eh! Bakit kasi hiniram-hiram mo pa yung flashdrive ko. Huehue. Wala na talaga akong mukhang maihaharap nito. Lagot na talaga! Magpapalit na ako ng anyo. Magpapa-transgender na ako para 'di mo na ako makilala. Lol. Huhuhu.

Pumunta na lang ako rito sa plaza kasi lutang na lutang na ako sa bahay. Hindi nga ako nakatulog kagabi eh. Inisip ko magdamag yung flashdrive ko at kung paano kita haharapin sa mga susunod na araw.

Napansin kong maraming tao sa plaza at bakit ang ganda ng mga disenyo na nakapalibot doon? Bakit puro color red na balloons at white yung nakikita ko? Tapos puro heart shape pa yung karamihan sa mga balloons. May event ba? Bakit hindi ako nainform?

Napatingin ako sa mga tao. Yung iba abala sa pag-aayos ng design sa mini-stage. Yung iba naman mukhang nakiki-usyoso lang.

Habang papalapit ako sa lugar na yun may isang lalake akong nakita na may hawak na gitara. Teka baka naman may event nga. Ang dami na kasing mga tao eh. Napatingin ulit ako sa lalakeng may hawak na gitara. Nagsisimula na siyang mag-strum. Pero teka...

Ikaw pala yan Crush? O__O

Bakit naggigitara ka? Marunong ka pala mag gitara? Waah! Super crush na crush na talaga kita. Masyado kang naka-concentrate sa ginagawa mong paggigitara. May ibang babae na nakatingin sa'yo pero yung iba nakatingin...

Sa akin?

Ha? Bakit? Anong meron? Sa'kin nga ba o sa likod ko?

Pag tingin ko sa likod ko...

"Oh. My. Gosh." Napasabi na lang ako bigla. "Teka bakit ka nandito?"

"Bawal ba?" Nakangiti niyang sabi pero halatang inaasar niya lang ako. May hawak siyang bouquet. Red roses ang mga yun at kulay white ang lalagyan. Ang ganda pero hindi ko siya pinansin. Naglakad na lang ulit ako.

"Teka Isabelle..." Hinawakan niya yung kaliwa kong braso. Agad ko itong nilayo sa kanya. Inis pa rin ako sa kanya. Tsk! Bakit ba siya nandito? Pa'no niya ako nasundan?

"Sorry na. Sorry for what I did last night. I am really sorry. Hindi ko sadya." Paano kasi nakakairita siya! Muntik na niya akong halikan sa lips nun. Nakakainis. Pinagtitripan niya kasi ako kagabi eh. Sino ba namang matutuwa diba?

Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa...

"Hoy! Jerson! Tumayo ka nga dyan! Nakakahiya! Bakit ka ba nakaluhod?" Pinipilit ko siyang hilahin para makatayo siya kaso ayaw niya eh. Ang lakas niya. Hindi ko mahila.

"Hindi ako tatayo rito hanggat hindi mo 'ko pinapatawad. Please Isabelle. Please patawarin mo na ako. Sorry na." Sabi niya habang nakaluhod pa rin.

Nakakahiya. Pakiramdam ko lahat sila nakatingin sa'min. Waaah!!!

"Jerson tumayo ka na. Nakakahiya."

"Hindi. Ayoko."

"Oo na sige na pinapatawad na kita." Medyo umiingay na kasi sa likod ko. Jusme nakakahiya talaga. Nandun ka pa naman. Pero alam ko namang wala kang paki sa'kin eh.

"Napipilitan ka lang eh." Lintek 'tong si Jerson nag-iinarte pa eh. Huehue.

"Hindi. Sige na tayo ka na. Akin na 'tong flowers. Ang ganda." Sabi ko at nginitian ko na lang siya.

Tumayo siya at maayos niyang binigay yung bulaklak sa'kin. "For you. Sorry Isabelle." Sabi niya then he suddenly hugged me.

Waaah! Nakakahiya na talaga 'to!!! Narinig kong naghiyawan ang mga tao sa likod ko. Nakakahiya talaga. Siguro nakatingin kayo samin.

Bumitaw na ako sa yakap ni Jerson. Nakakahiya na kasi eh.

"Ang sweet." Narinig kong sabi ni Jerson.

"Sweet? Sweet naman talaga ako ah."

"Hindi ikaw."

"Ha?"

"Sabi ko hindi ikaw. Sila." sabi niya at may tinuro siya sa likod ko.

O___O

T-teka... B-bakit? Pano? Ha? Ano 'to?

"Ang sweet nung lalake, kanina niya pa kinakantahan yung babae gamit yung gitara niya. Naghihiyawan yung mga tao kasi biglang hinalikan ng lalake yung babae sa---Isabelle! Huy! Teka! Saan ka pupunta?" Hindi ko na pinansin yung tawag sa'kin ni Jerson. Napatakbo na lang ako bigla. Hindi ko kinaya. Hindi ko kinaya ang mga nakita ko kanina.

Ang sakit. Ang sakit talaga. Bakit? Bakit doon pa? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan nandoon ako? Bakit Ace?

Sabi mo sa status mo kagabi sa fb "Tomorrow is the right time."

So para pala yun dun sa babaeng yun? Para kay B mo? Kay Bianca? Yun pala yung tinutukoy mo? Akala ko kung ano lang yun. Akala ko simpleng bagay lang yun. Akala ko wala lang yun. Akala ko hindi masyadong importante. Akala ko related sa school yung status mo pero hindi pala. Para pala yun sa babaeng mahal mo. Kaya ba ang ganda ng designs dun kasi magtatapat ka na? Tapos may gitara ka pa. Kinantahan mo pa si Bianca. Ang sweet nga. Tama nga si Jerson. Sweet nga talaga kayo lalo na't naghalikan kayo kanina sa harap ng maraming tao.

"Isabelle sorry! Sina Ace pala yun at yung Bianca! Hindi ko alam na sila yun." Sigaw niya habang hinahabol niya ako.

Grabe. Durog na durog na yung puso ko. Mga ilang beses pa ba? Ilang beses ko pang dapat maranasan? Bakit? Bakit ang sakit sakit? Bakit walang humpay yung mga luha ko?

Ang sakit lang kasi na makita mo yung crush mo na halatang nagbigay ng effort sa pagsurprise sa taong mahal niya tapos may banner pa na hawak yung mga kaibigan niya na, "Will you be my girlfriend..."

At ang hawak niya ay...

"B?"

<///3

Your stalker,
Isabelle

****************************************

A/N: Ano ba kasi meaning ng B na yan? Bianca nga ba? O may iba pa? Ang makahula ng tamang sagot may date kay Eys eys beybe~ chos. May dedication plus yung isang prize, surprise na hohoho. Ano? Game? XD

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon