Confession #33

1.8K 80 11
                                    

Hi Crush!

Huhuhuhuhuhu! Alam mo ba kung bakit naiiyak ako ngayon? Psh. Malamang hindi mo alam at malamang wala kang paki para alamin. Nandito lang naman ako sa rooftop at naglilinis ng mga kalat. Kung bakit?

Huhuhu. Napagalitan ako ng librarian. Nagdadrama kasi ako kahapon sa status mo tapos hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa secret place ko sa library at ayun nga naiwan ko 'tong cellphone ko. Pagkagising ko kahapon, uuwi na sana ako pero nang pagkapa ko sa bulsa ko hindi ko nakapa yung phone ko agad akong bumalik sa library at pinuntahan ko yung secret place ko at habang naghahanap ako do'n nakita ko bigla yung masungit na librarian na nagparusa sa akin noon. Nagulat ako sa sinabi niya sa 'kin, "Miss Cariño, is this what you're looking for?"

Pag tingin ko sa hawak niya nakita ko ang phone ko. At ayun nalaman niyang kaya ko yun naiwan do'n kasi nakatulog na naman ako do'n. Hindi na sana ako aamin pa pero wala naman akong magawa nabuko na ako eh. Kaya heto ako ngayon mag-isa. Naglilinis sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Huhu. Ang saklap naman. Hindi pa nga ako tapos sa pagkabroken hearted ko kahapon nasundan na naman ng panibago dahil sa parusang 'to. Again. Hays. Ano na lang sasabihin ko sa mga magulang ko na naka-dalawa na akong punishment? Waaah! I'm so dead.

Nang matapos ako sa paglilinis bumalik na ako sa janitor's room at isinauli ko na ang mga kagamitan. Nagpaalam na rin ako sa detention room na uuwi na ako at tapos ko na ang parusa ko.

Habang nasa bus ako at malalim na nag-iisip, napabukas ako sa fb ko at unang-una kong ginawa ay ang tignan ang profile mo. Hehehe. Stalker much.

Ace Hernandez: M.U. na kami!

M.U? As in Malanding ugnayan? Mag-isang umiibig? Mukhang Unggoy? O M.U? As in Mutual Understanding? 💔💔💔

Kahapon may date kayo. Ngayon M.U na kayo? Huhuhu. Baka bukas kayo na tapos sa susunod na bukas kasal niyo na tapos next day may anak na kayo tapos tapos tapos...

Hay. Ang sakit! Ang sakit na nga ng katawan ko kakalinis kanina tapos masakit pa ang puso ko. Stalk pa more kaya nasasaktan eh. Tsk.

Ang swerte mo kasi ikaw ang gusto ko. Kaso ang malas ko hindi mo naman ako gusto. Ha. Ha.

Your stalker,
Isabelle

PS. Nakita ko pala yung picture niyong dalawa nung Bianca. Edi kayo na! Kayo na sweet! Kayo na may forever!!!

PPS. HINDI AKO GALIT! MASAYA NGA AKO EH! SOBRANG SAYA! PAPA-PARTY AKO MAMAYA! PUNTA KA HA! TAPOS ISAMA MO SIYA PARA LALO AKONG MAGING MASAYA!!!

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon