Hi Crush!
Ang boring! Wala pa kasi yung prof namin sa Rizal kaya heto kami at nagkukwentuhan lang ni Sharmaine. Classmate ko kasi siya rito. Nasa pinaka-dulo kami ng room naka-upo at may katabi kaming lalake na ka-course mo rin.
Alam mo ba si Sharmaine? Ayun nilaglag niya ako sa ka-course mo. Sinabi niyang crush kita. Tinanong niya dun sa lalake kung kilala ka niya at sabi niya oo pero hindi kayo magkaibigan, kabarkada ka lang ng friend niya at alam mo ba ang ipinagtataka ko sabi niya wala ka raw girlfriend, eh sino yung lagi kong nakikita na kasama mo? Yung ang sweet sweet niyo palagi. Yung kulang na lang itali ko kayong dalawa para hindi na kayo maghiwalay pa. Hmp! >__<
Sabi niya mabait ka raw, kaya 'wag daw akong mahihiyang lumapit sa'yo. At eto pa ang pinaka-nakakapagtaka sa lahat ng sinabi niya, alam mo ba na inuutusan niya akong pumunta sa classroom mo? Sabi niya hingin ko raw yung number mo? Hala! Nakakaloka.
Pinipilit niya talaga ako na pumunta sa classroom niyo, nakakahiya naman 'yon. Pero alam mo ba hindi niya talaga ako tinitigilan sinasabi niya lagi na...
"Sige na Isabelle, mabait yun si Ace. Pumunta ka na sa second floor, doon yung room nila ngayon. Dali na."
Paulit-ulit siyang ganyan, buti na nga lang at dumating na yung professor namin. Kundi baka ngayon nandon na ako sa room mo sa kakapilit niya.
Pero bakit kaya niya ako pinapapunta do'n? Tapos pinipilit niya pa ako. Ang weird. -__-
Your stalker,
Isabelle