Confession #13

2.2K 109 5
                                    

Hi Crush!

Kasama ko ngayon si Timmy, tinatanong ko yung name mo sa kanya kasi baka alam na niya.

"Secret. Bakit ko naman sasabihin sa'yo. Paghirapan mo ring alamin ang full name niya. Mwahaha!"

"Tsk. Sabihin mo na kasi!"

"Basta Ace tapos yung surname niya nag-uumpisa sa letter R."

"Yun lang? Wala ng ibang clue?"

"Five-letter word yung surname niya."

"Sabihin mo na lang kasi."

"Bahala ka diyan. Aalis na ako. Bye!"

Hmp! Kaasar! Hindi man lang shinare yung blessing. (Pfft. Blessing talaga? Haha!)

Dali-dali na akong umuwi at excited akong nag-open ng facebook account ko para isearch kita sa fb.

Ace Ramos

Yan ang una kong hula sa full name mo. Hinanap kita sa facebook. Maraming lumabas na nagngangalang Ace Ramos. Inisa-isa ko yung profile na nakita ko.

Shet! Bakit wala?! Wala akong makita na mukha mo o kahit anong nagpapatibay na account mo yung mga nakikita ko kanina.

Huhu! Nakakafrustrate naman 'to.

Nagtry pa ako ng ibang surname na nagsisimula sa letter R.

Ace Roxas

Sana naman ito na yung full name mo. Marami ulit ang lumabas pero...

"Shet ito! Ka-school namin!!!" Binuksan ko ang profile pero...

"Bakit hindi si Ace? Ibang Ace to eh! At saka matanda na! Baka naman professor to."

Huhuhu. Nag-isip pa ulit ako ng ibang surname na letter R at limang letra lang.

Pero wala eh. Lahat na hinanap ko. Lahat na ng apeliyedo ginawa ko na kahit hindi five letters. Pero wala talaga. Ang hirap mong hanapin.

Napaisip tuloy ako kung uso ba sa'yo yung facebook o kung jejemon ba yung name mo at bakit ang hirap mong hanapin. Kung ganito ka ba maglagay ng name sa facebook, "Bhoszxc Ace Map4gm4hal ik4w lang s4pat nuah!"

Pfft. Hahaha.

Ano pa kayang surname ang nagsisimula sa letter R at lima ang letra?

Crush! Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa'kin? O di kaya i-add mo na lang ako sa fb. Hindi yung ganito, nahihirapan ako sa relasyon natin. Nakakapagod na 'to! Pahirap ka! Maghiwalay na tayo!

Chareng! Hahahahahaha!

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon