Confession #23

2.3K 108 8
                                    

A/N: Dedicated kay @ItsMeMaaaaui nagpm pa kasi sya para lang sabihin ang kanyang saloobin. Chos!

Hi girl! Eto na ang hiling mo, two updates! Mwahaha.

Dedicated rin 'to sa mga nagbabasa, nagcocomment ng bongga at nangtatadtad mag-vote every chapter! Kabog! Kayo na talaga! Labyu! :*

****************************************

Confession #23

Hi Crush!

Ilang beses kong sinubukang i-chat ka pero hindi ko magawa kasi naman nahihiya ako. Kababae kong tao ako 'tong mauunang makipag-chat.

Sabi kasi ni Sharmaine magkaroon naman daw ako ng kahihiyan sa katawan. Dapat daw ang lalake ang unang gagawa ng move hindi yung babae kasi baka magmukhang desperada raw. Tama naman siya eh. Baka nga magmukha akong desperada. Waaah! Nahiya tuloy ako bigla. Baka kasi ayaw mo sa mga ganung babae. Yung mga babaeng gagawin ang lahat makuha lang ang taong gusto nila. Yung mga babaeng laging nanlalandi sa taong gusto nila. Hindi ko naman sila nilalahat kaya chill!

Sabi ni Sharmaine hindi raw magandang tignan pag ganun ang isang babae dapat kahit na gustong-gusto mo ang isang tao wag na wag mo raw ipapahalata na gusto mo siya kasi baka ligawan ka lang niya dahil nalaman niyang gusto mo siya.

May point din naman si Sharmaine, paano kasi totoo rin naman ang sinabi niya. May kakilala kasi ako, babae siya at may tao siyang gustong-gusto. Halatang-halata ang pagkagusto niya rito kasi nilalandi niya ito, tapos isang araw bigla na lang siyang niligawan ng lalakeng gusto niya at nalaman ko sa mga kaibigan ng lalake na kaya pala siya niligawan kasi sure win na ito. Alam kasi ng lalake na hindi na siya matatanggihan nung babae kaya niligawan na niya ito at ayun naging sila rin naman eventually. At kamusta sila ngayon? Ayun wala pang isang buwan break na sila kasi nalaman ng babae na may ibang girlfriend yung lalake. At isa pa nalaman niya ring niligawan lang siya nung lalake kasi napag alaman ng lalake na hindi siya mababasted nito.

Kaya heto tinititigan ko na lang yung facebook profile mo. Pero diba nararapat lang naman na gumawa ang isang lalake ng first move kasi gusto niya yung taong yun? Eh ang tanong gusto mo rin ba ako crush? Hindi naman diba? At kung sakaling gagawa ka rin ng first move dahil nalaman mong matagal na kitang gusto, hindi bale na lang. Hindi rin kita sasagutin kung sakali dahil ayaw kong matulad sa kakilala ko.

Akala ko noon kapag maging friends na tayo sa facebook o sa twitter, mapapadali na ang love story natin. Yun pala hindi. Parang ganun pa rin naman. Parang hindi pa rin ako nag-eexist sa buhay mo. Parang wala namang nagbago. Kaya nga eto at wala akong pakundangan sa paglike ng mga posts mo sa facebook at sa pag-favorite ng mga tweets mo dahil alam ko namang wala lang ako sa'yo. At isa pa marami ka namang likers kaya naman hindi mo na siguro ako mapapansin at saka wala namang masama sa paglike o pag favorite ng mga tweets mo diba? Hindi naman panglalandi ang tawag dun diba?

Hanggang sa nagulat ako sa notification na lumabas sa cellphone ko at sa sobrang gulat ko napatalon ako sa pagkakahiga ko. Kamuntik ko ng malaglag ang cellphone ko.

Ace Hernandez sent you a message.

O___O

Uwaaah! Manginig-nginig kong binuksan ang chat mo sa fb ko. Halos manigas ang buo kong katawan at pawis na pawis ang mga daliri ko at pati ang kili-kili ko. Waaah! Nakakahiya naman 'tong pinagsasabi ko!

Ace Hernandez: Good morning :)

Uwaaaah!!! Katapusan na ba ng mundo? Payat na ba si Majinboo? Lalake na ba si Barney? Nagsasalita na ba si Mr. Bean? Pinakita na ba ng PBB kung sino si Kuya? Eh sa Deal or No deal, kilala na ba kung sino si Banker? Uwaaah!!! Anong meron ngayon? Naligo lang naman ako ngayong linggo ah! Dapat na ba akong maligo araw-araw para ichat mo ako lagi?

Kaya naman kahit nanginginig pa ang buo kong katawan ay sinikap kong replyan ka. Whoo! Bakit ganon? Bukas naman ang aircon dito sa kwarto ko pero bakit pawis na pawis ako?

"Good morning din. :)"

Pfft! Bwahahaha. Parang ang hinhin ng dating noh? Pero kung pwede lang sana ganito ang ireply ko...

"Hi Babe! Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Tara date tayo? Kinikilig ako sa'yo. Pa-kiss nga!"

Pfft. Baka pag nireply ko yan sa'yo layuan mo na ako. Nyahaha. At oo nga pala baka pag yan ang nireply ko sa'yo, masermonan ako ni Sharmaine ng bongga! Patay ako dun!

Hindi ako mapakali. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng kabog ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit may kung anong nagliliparan sa tyan ko. Eh pag may iba naman akong ka-chat hindi naman ako ganito pagpawisan. Pag kachat ko naman sila Ate Yvonne o yung iba kong mga kaibigan, hindi naman ako ganito na sobrang kinakabahan at nanginginig habang nagtatype. Hindi naman ako ganito na tumitili habang may unan na nakatakip sa bunganga ko. Eh kasi naman mamaya marinig nila Mama yung tili ko. Mamaya magtanong na naman sila kung bakit ako tili nang tili rito at ano na namang ang idadahilan ko? Vocalization? Pfft! Haha. Pero kasi kinikilig talaga ako. Nag-good morning ka sa'kin! Kyaaah!!! Isa 'to sa mga hinihiling ko dati na sana balang araw batiin mo ako ng "Good morning" sa umaga o di kaya kahit ano basta una kang magchachat sa akin. Kaya naman heto ako ngayon baka hindi na ako makatulog nito mamayang gabi!

Ace Hernandez sent you a message.

Uwaaah!!! Ayan nanaman yung kabog ng puso ko! Nagchat ka nanaman sa'kin kyaaah!!! Maaga yata akong mamamatay nito eh!

Ace Hernandez: Anong meron? Bakit like ka ng like sa mga posts ko?

Anong meron? Kasal na natin ngayon kaya magbihis ka na este malamang hindi mo ba maramdamang gusto kita?

Yan sana ang gusto kong sabihin kaso wag na, ganito na lang...

"Wala naman. :)"

Whooo! Sinungaling ka Isabelle!!! Kaya mo nila-like kasi crush na crush mo si Ace! At kahit tuldok pa yan ila-like mo pa rin!

At saka isa pa, hello paanong hindi ko ila-like lahat ng posts mo eh ikaw lang naman laman ng newsfeed ko. Hiyang-hiya yung newsfeed ko sa'yo crush ha! Hilig mo pala mag-post ng status? Wahaha.

Pagkatapos kitang replyan sa chat mo ay nakita ko ang isang salitang dumudurog sa puso ng maraming mamamayan ng mundong ibabaw, ang salitang...

"Seen"

Aww. So ganito pala kasakit ma-seenzone? Nasi-seenzone din naman ako ng ibang tao pero ikaw kasi crush hindi ka ibang tao sa'kin eh. So ganito pala yun kasakit? Iba yung epekto oh parang may nabasag na mga kung ano sa puso ko. Awtsupapabels!

Dear crush, magreply ka naman kahit sabihin mo lang...

"Okay. I love you Isabelle."

Pfft. At syempre aasa pa ba ako? Hay. Hashtag dakilang assuming. Pero pusanggala ng seenzone na yan! Sino nagpauso niyan?! Ilabas niyo!!!

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon