Hi Crush!
Ilang araw na kitang hindi nakikita sa school. Friday na ngayon at hindi ka pumasok kahapon sa subject na magkaklase tayo. Bakit kaya hindi ka pa rin pumapasok hanggang ngayon? Ano na kayang nangyari sa'yo? Simula kasi nung linggo na dapat sasama ako sa event na pupuntahan mo hindi ka na nagparamdam.
Humingi ako ng sorry sa'yo kasi hindi ako makaka-attend ng event. Hindi ko naman pwedeng palampasin ang birthday ni Papa kasi once in a year lang yun saka gusto kasi ni Papa palagi na magkakasama kaming tatlo sa birthday niya kaya sorry talaga crush kung hindi ako nakasama. Siguro naman may nahanap kang partner para sa event na yun diba?
Alam mo ba? Sobrang ganda talaga do'n sa favorite na resto ni Papa, eat all you can kasi do'n. Bwahaha. Tapos yung mga foods pa do'n marami at pang international pa. Kasi may japanese foods, may pang korea, china, at kung anu-ano pang bansa. Weee! Kada kukuha nga ako ng food do'n feeling ko nakarating na rin ako sa ibang bansa. Bwahaha. Pano kasi yung mga nagseserve naka-costume din ng damit na bansa na nirerepresent ng food na hawak nila tapos nagsasalita rin sila ng language sa kung saang galing food yung sine-serve nila. Amazing!
Nakakatuwa pa kasi pabalik-balik ako do'n sa mga ice cream, ako na yata naka-ubos ng mga ice cream do'n lalo na ng strawberry ice cream bwahaha. Sarap kasi eh! Pati yung mga cakes, nilantakan ko rin. Lol. Napagalitan na nga ako nila Mama, kasi hindi lang kami yung may sine-celebrate sa sosyaling restaurant na yun, marami pang iba, may mga business meeting din do'n, tapos may kinasal din at may nagbirthday din yata kaso narinig ko hindi yata dumating yung celebrant. Hindi naman ako chismosa crush ha! Sadyang narinig ko lang do'n sa mga chismosang waitress. Nyahahaha.
Super laki ng resto na 'yun kaya 'wag ka na magtaka kung paano kami nagkasya lahat do'n kasi may second floor pa do'n. Basta ang sosyalin talaga saka super sarap ng foods nila. Kaya nga favorite na favorite yun ni Papa eh. Hehehe.
Nandito ako sa room namin, may ina-announce kasi yung prof namin, sabi niya kasi may gaganapin na christmas party para sa lahat as in sa lahat ng students at sa lahat ng professors and staffs ng school, para bago man lang mag-christmas vacation makapag-enjoy man lang daw ang lahat ng students sa Addison at magkasama-sama.
Hindi na ako masyadong nakinig magtatanong na lang ako kayla ate Yvonne mamaya saka next week pa naman yun eh.
Iniistalk ko yung fb mo ngayon. Uy wag kang masyadong feeling dyan ha! Haha. Dejoke. Nag-aalala lang kasi ako sa'yo eh, bakit kaya hindi ka pumapasok? Saka ngayon na lang ulit ako nakapag-fb pano kasi medyo marami akong ginawa these past few days kaya bihira na lang akong mag-online.
Habang tinitignan ko ang profile mo napa-sapo na lang ako sa noo ko at napasabi na lang ako sa utak ko ng, "Shet Isabelle! Ang bobo mo!"
Huhuhu. Tinignan kong mabuti yung mga nagpopost sa wall mo nung sunday at shit!!! Puro "Happy birthday Ace!" yung mga nababasa ko!
So ibig sabihin magkasabay kayo ng birthday ni Papa nung sunday?
Sheeet!!! Bakit nakalimutan ko yung birthday mo? Uwaaah! Ang tanga! Hindi man lang kita nabati! Urgh!
Ini-scroll ko lang yung timeline mo at may mga nakapukaw ng atensyon ko.
"Happy Birthday brad! Sayang! Sabi mo ipapakilala mo kami sa B mo tapos hindi naman pala pumunta tsk! Excited pa naman kami sa pinupusuan mo. Bwahaha! Anyway pagaling ka! Mahal ang bigas. Joke."
Pagaling ka? May sakit ka pala?
Tapos ito pa...
Bianca Grace Lim: Hi Ace!!! Happy happy 19th birthday! Sorry talaga kung hindi ako naka-attend ng birthday party mo wala ka tuloy ka-partner. Anyway magpagaling ka ha! Bakit kasi nagpaulan ka sa araw ng birthday mo? Tsk. Sabi ni Tita Anne late ka na raw dumating sa party? Care to share your kwento? Get well soon please? I miss you na. Don't worry dadalaw ako sa house niyo soon. Mwaa! ❤
Huhu. Nakakaselos talaga kayo ni Bianca. Parang sa birthday message niya sa'yo, parang napaka-close niyo talaga at parang may... may namumuo sa inyo... ano... libag! Hehehe joke. May something talaga kayo eh. Oo nga pala M.U na kayo. Huhu. Aray ko bh3!
Kaya pala sabi ng tropa mo sayang at hindi nila nakilala yung B mo. At kaya hindi nila nakilala yung B mo, kasi nga hindi naka-attend si Bianca na dapat siya talaga ang tunay mong partner. Huhuhu. Si Bianca na naman. B nanaman. Tsk!
Pero teka nagpaulan ka? Bakit ka nagpaulan?
At parang isang iglap lang biglang may nag-comment sa post ni Bianca. At walang iba kundi si...
Ace Hernandez: May hinintay kasi akong tao nung araw na yun. Akala ko dadating siya eh. Anyways salamat. I miss you too. Punta ka na rito please? :D
Dear Crush, sino yung hinintay mo nung araw na yun? Ganun na ba siya kahalaga para magpaulan ka? Magpagaling ka na. Miss na rin kita huhu.
PS. Sorry ulit kung hindi ako nakapunta sa event na birthday party mo pala, sorry talaga. Pero sa tingin ko naman may nahanap kang partner diba? Ikaw pa! Pogi-pogi mo eh. Hehe. Saka hindi man lang kita nabati nakalimutan ko eh. Huhuhuhu. Belated Happy birthday Crush! Heart heart! Puso puso!
Your stalker,
Isabelle****************************************
A/N: Oo alam ko na sasabihin niyo, BITIN! Bwahaha. At dahil alam kong bitin, IPINAGBABAWAL KO NA ANG MAG-COMMENT NG BITIN! O DI KAYA, AUTHOR, UPDATE NA PLEASE! Okay? Hehehehe. Comment lang kayo, malay niyo isama ko kayo sa kwento. Hohohohoho! Chos. BYE!