Confession #22

2.4K 91 20
                                    

Hi Crush!

Kyaaaaaah!!! Hindi pa rin ako makapaniwala na friends na tayo sa facebook at finollow mo ako sa twitter! Kyaaah!!! Super kinikilig pa rin ako hanggang ngayon kahit na ilang araw na ang nakalipas. Pakiramdam ko naglalapit na ang tadhana natin, pakiramdam ko rin naglalapit na ang mga puso natin sa isa't isa at pakiramdam ko malapit na tayong magkaroon ng love story. Pfft. Asaness talaga ako eh noh! XD

Alam mo ba ilang araw rin akong hindi makatulog sa kakaisip kasi finally ariel happened to me magaan sa bulsa 'cause it's just 7.50!

Chos! Hahaha. Correct me if I'm wrong pero hindi ko alam kung tama ang lyrics na nalagay ko. Lagi kasi yan pinapalabas sa TV eh kaya nakaka-lss tuloy. LSS ka rin ba dyan? Kung oo edi MTB talaga tayo! Meant to be!

Pero eto na nga seryoso na. Masayang-masaya ako kasi finally natupad din yung mga pangarap ko noon na sana balang araw maging friends tayo sa fb, sa twitter at sana balang araw makachat o makatext kita. At ayun nga nung Tuesday grabe lang. Tinupad ni Lord lahat ng hiling ka in just one day! Waaah! Kaloka. Kaya naman minsan pag naaalala ko yun napapatili ako rito sa bahay. Nagtataka nga sila kung bakit sumisigaw ako, nakakita raw ba ako ng multo o may kaaway raw ba ako o ano pero tulad nga ng naikwento ni ate Yvonne sa akin nung tanungin din sya ng parents nya kung bakit sy tumitili (nanunuod kasi siya ng Exo next door), sinabi ko na lang kayla Mama na nagvovocalization ako. Pfft! Hahaha! Ang waley ng dahilan noh?

Sa sobrang saya ko nga kinuwento ko pa yun kayla ate Yvonne, Sharmaine at sa bestfriend kong si Lea. Si Timmy pa lang kasi ang nakakaalam ng tungkol sa atin. (Wow Isabelle ang lakas! At ang kapal! Maka-tungkol sa atin eh noh? Nyahaha) Pati rin sila kinikilig at natuwa sa balitang yun. At alam mo ba? Balak pa nilang mag-post ng status at i-tag ako na may nakalagay na...

"Isabelle diba crush na crush mo si Ace Hernandez? Yung schoolmate mo sa Addison University na Computer Science student? Yung lagi mong sinusundan kahit saan magpunta? Yung kilig na kilig ka kahit sa paghinga niya lang? Diba? Diba?"

-______-

Ewan ko ba kung bakit nagkakasundo silang tatlo sa mga kalokohan. Samantalang hindi naman kilala nila ate Yvonne si Lea. Siguro ganun talaga kapag may mga baliw kang kaibigan malakas ang connection ng kalokohan.

Pero crush wag mo sanag mamasamain ang sinabi nila tungkol sa'yo. Alam mo ba...

Hehe alam mo ba...

Ano kasi uhm...

Ganito kasi yun...

Kasi ano...

Pfft. Okay eto na nga aayusin ko na wahaha.

Alam mo ba sabi nila para ka raw bading. Waaah! Wag ka sanang magagalit ah. Eh kasi naman yung text mo sa'kin may "te". Kaloka! Kabog na kabog! May something daw silang naaamoy sa'yo. Pfft. Crush oh! Inaaaway ka nila. Tapos naaamoy ka nila? WOW! Big word in small fonts. Kailan ka pa nila naaamoy? At kailan pa sila naging aso? Chos. Pero gayunpaman hayaan mo na silang tatlo palibhasa bitter sila. Bwahaha. Dejoke. Alam mo namang tatanggapin kita kahit ano ka pa man. Aher aher. Kiligin ka please.

Heto nga at nandito ako sa bahay namin. Sobrang boring ng sembreak ko. Nandito lang kasi ako sa bahay eh buti pa yung iba nagbabakasyon sa iba't ibang lugar. Sa Baguio, Tagaytay, Palawan, Batanes, Hongkong, at marami pang iba. Ako? Eto nganga sa bahay. Ikaw kaya crush nasaan ka kaya? Diba nasa puso lang kita?

Kaya para hindi ako maboring nagfe-facebook na lang ako and at the same time gumagawa ng scrapbook. At alam mo ba kung tungkol saan 'tong scrapbook na 'to?

Malamang hindi mo alam. Bwahaha.

Tungkol 'to sa taong gustong-gusto ko at ang pangalan niya ay Park Chanyeol este Ace Hernandez. Bwahaha. Mamaya kasi magtampo ka pa kung si Chanyeol oppar yung ilagay ko sa scrapbook. At oo walang iba kundi ikaw. Iba na talaga ang tama ko sa'yo. To the highest level abot hanggang galaxy!

Kahapon nagpa-print ako ng mga stolen pictures mo na ako mismo ang kumuha. Ilalagay ko ang mga iyon sa scrapbook ko bilang remembrance sa pagkagusto ko sa'yo. Wala lang, trip lang. Nyahaha. At isa pa para hindi ko makalimutan yung mga kalokohan ko kung sakaling tumanda na ako. Yung mga panahon na sinusundan kita kahit saan ka magpunta. Yung kahit sa sideview mo natutuwa ako kasi ang gwapo mo at kahit nakatalikod ka alam na alam ko pa rin na ikaw yun. Yung mga panahon na pasimple kitang pinipicturan. Wahaha. Napaka-stalker ng dating.

Nilipat ko rin pala kagabi sa flashdrive ko yung mga confessions ko na galing dito sa cellphone ko. Balak ko rin kasi ipa-print yun at ilalagay ko rito sa scrapbook ko. Simula sa araw na 'to lahat na ng bagay na may kaugnayan sa'ting dalawa ilalagay ko na rito. Wahaha! Sana lang wag 'tong makita nila Mama o di kaya nila ate Yvonne at ni Lea kasi paniguradong aasarin nila ako at worst baka mamaya ipakita pa nila sa'yo 'to. Kaya itatago ko na lang 'to sa mahiwaga kong baul sa kwarto ko hehehe. Joke. Secret ko na yun kung saan ko itatago! :P

Ano kayang ginagawa mo ngayon? Bored na bored ka na rin ba sa sembreak natin? Dahil ba hindi mo na ako nakikita? Chos. Ang kapal ko noh? Pakisampal ako... Ng pagmamahal mo. Pfft bwahaha.

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon