Hi Crush!
May ikukwento nga pala ako sa 'yo. Naalala ko no'n kasama kita sa iisang table sa lobby! Pero nung time na yon hindi pa kita crush. Magkaharap lang tayo no'n! Kaso masakit yung ulo ko kaya natulog lang ako sa table. Kasama ko yung isa sa mga kaibigan ko, si Sharmaine at may kasama kang babae. Ang sweet niyo pa nga eh. Nakakainggit kayo kahit hindi pa kita crush no'n. Kasi ang cute niyong tignan. Ang harot niyong dalawa, ang ingay-ingay niyo pa! Kita niyong natutulog yung tao sa harap niyo eh! Ang sarap niyong paliparin!
Joke hahaha. Syempre siya lang papaliparin ko papuntang outer space. Hindi kita isasama para maiwan ka sakin. Lol.
Nung araw na yon gustong-gusto ko ng pumunta ng library para makatulog ako ng maayos kaso ayaw ni Sharmaine kaya nagtiyaga akong pakisamahan ang kalikutan at kaingayan slash KALANDIAN niyong dalawa ng kasama mo. Hindi ko alam kung girlfriend mo siya wala naman akong paki eh.
Natatandaan ko pa nga no'n nakatingin ka sa 'kin pagkagising ko. Pero nung araw na yon wala lang sa 'kin yon. Maliit na bagay. Tsaka baka napatingin ka lang talaga. Kita mo ngayon inaasam-asam kong tignan mo ulit ako kaso malabo yun.
Sana makasama ulit kita sa iisang table pero please wag mo na isama yung babae. Nakakaselos eh. Tsaka baka tuluyan ko na siyang paliparin! Hehe.
Your stalker,
Isabelle