Hindi mapigilan ni Isabelle ang mga luha na dumadaloy mula sa mga mata niya. Naiiyak kasi siya sa mga nakikita niya. Ang daming pumapasok sa isip niya. Hindi niya kasi aakalain na ito yung dadatnan niya pag uwi niya ng Pilipinas.
Nakatingin lang siya sa harapan, kayla Bianca kasama ng parents nito na nakikipag-shakehands at yakapan kayla Ace pati sa isang lalake. Siguro siya yung best man ni Ace. Hindi naman siya pamilyar dito dahil ngayon lang niya ito nakita.
Hanggang sa inalalayan na ni Ace si Bianca papunta sa altar. Shit. Naluha na naman siya. So ikakasal na nga talaga siya?
Hindi niya na kaya pa ang mga nangyayari kaya dali-dali siyang tumakbo palabas. Sumakay kagad siya ng taxi na nakita niya at sinabi niya ang address na pupuntahan niya.
Walang humpay ang pag-agos ng mga luha ni Isabelle. Nababahala na tuloy yung taxi driver sa nangyayari sa kanya.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin siya sa pupuntahan niya. Nagbayad siya sa taxi driver pero bago siya tuluyang makababa ay binigyan siya ng payo nito. "Iha, kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon, palagi mong iisipin na lahat ng nangyayari sa 'tin ay may rason."
Nagpasalamat siya rito at tuluyan na siyang lumabas ng taxi. Napaisip tuloy siya bigla, eto na naman kasi yung unang lugar na pumasok sa isip niya kapag malungkot siya, yung may fountain sa loob ng subdivision na tinitirhan nila.
Umupo siya sa isa sa mga bench doon at pagkatapos kinuha niya yung pulang notebook na nakalagay sa bag niya.
Ang heartnote ni Ace na binigay sa kanya 3 years ago. Binuksan niya ito ulit. Gusto lang niyang basahin ulit yung mga nakasulat do'n. Hindi naman kasi niya inaasahang ito yung madadatnan niya pag uwi niya ng pilipinas.
FLASHBACK
3 years ago...
December 24
Umuwing luhaan si Isabelle sa bahay nila. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kailangan pang ibigay ni Ace sa kanya yung pulang notebook na yun. Bakit kailangan niya pang basahin yun.
Nagtaka ang mga magulang niya nung makita siyang paakyat ng hagdan kasi mugto ang mga mata ng anak nila. Hindi nila mapigilang wag mag-alala sa kaniya.
Tinawag siya ng mga magulang niya pero parang wala siyang narinig. Nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat patungo sa kwarto niya.
Sumalampak agad siya sa kama niya tapos binato niya bigla yung heartnote ni Ace. At doon siya umiyak nang umiyak.
Maya-maya ay kumakatok na ang mga magulang niya sa pinto. Tinatanong siya kung ano ang nangyari bakit siya nagkakaganyan. Sana naman daw sabihin nila ito sa kanila.
Pero hindi sumagot si Isabelle at puro hikbi na lang ang narinig nila. Maisip pa lang niya kasi yung nangyari kanina lungkot na lungkot na siya saka ilang oras na lang pasko na. Ang ganda naman ng salubong niya para sa pasko mamaya.
Naramdaman na lang niyang may dalawang tao ang tumabi sa kanya sa magkabilang side ng higaan.
"Anak. Sagutin mo naman kami ng Mama mo. Nag-aalala na kami sa'yo."
"Bella anak please magsalita ka na."
Pero hindi pa rin sila pinansin ng anak. Napaisip tuloy sila kung anong meron bakit ba nagkakaganon ang anak nila.
Hanggang ang Mama ni Isabelle ay may nakita na pulang notebook na nakalapag sa sahig malapit sa pinto. Kinuha niya ito.
Napatingin ang asawa nito sa kaniya. Pinakita ng Mama ni Isabelle sa asawa nito yung pulang notebook na nakita nila. At pareho silang napangiti.
