Hi Crush!
Accounting namin ngayon at sobrang boring. Nakakaantok. Wala pa yung prof namin. Sana katext na lang kita para buhay na buhay ako. Kikiligin pa siguro ako.
"Hoy ba't malungkot ka diyan?"
"Hindi ko nahanap si Ace sa facebook." Sabi ko kay Timmy.
"Huh? Bakit hindi? Friend ko na nga siya sa facebook eh."
O____O
"Ano?!"
"Haha. Joke lang. Hindi pa. Ni-hindi ko nga alam apelyedo nun eh."
O____O
"ANO?!!!!"
"Isabelle kanina ka pa sigaw ng sigaw."
"Oo nga. Ano ba nangyayari sa'yo?"
Tanong ng mga kaklase ko na abala sa pagbabasa ng libro sa accounting.
"Wala. Sorry."
"Hahaha. Niloloko lang kita kahapon girl. Hindi ko naman alam na maniniwala ka nga sa'kin."
"Shete ka! Naghirap kaya akong hanapin yung fb niya tapos niloloko mo lang pala ako. How dare you?" pag-aacting ko pero biro lang.
"Luh! Hindi sa'yo bagay magdrama. Haha."
Inirapan ko lang siya. Kainis! Ang hirap hirap hanapin ng fb mo crush tapos joke lang yung sinabi niya kahapon? Halos mamuti na mata ko kakahanap ng fb mo tapos joke lang? Tsk.
Kung sabagay, ganito naman talaga kapag may crush ka diba? Gagawin mo lahat ma-add lang siya sa facebook.
Bumalik na si Timmy sa upuan niya at napabaling na lang yung tingin ko sa late na pumasok. Si Ate Yvonne. Siya yung nakakasalubong mo lagi sa labas ng school na akala ko noon kaibigan ka niya. Sayang. Kala ko pag-asa na. Paasa lang pala. Haha.
"Ate Yvonne bakit late ka?"
"Hindi ako late. Maaga lang kayo." at ayun humalakhak siya.
Fact about ate Yvonne, baliw siya. Hahaha! Tumabi siya sa'kin at ngumiti ng napakalapad.
"Nababaliw ka nanaman ate Yvonne."
"Tsk tsk. Mapanghusga ka talaga Belle belle. Ako baliw? Huh! Ang layo ah." at ayun tumawa na naman siya. Hindi pa ba yon baliw? Bigla-bigla siyang tumatawa eh.
"Naku ate. Isabelle hindi bilbil!"
"Whatever. May good news nga pala ako sa'yo."
"Ano?"
"Kami na ni Ace!"
O____O
"ANO?!"
"Shhh..." saway ulit ng mga classmates ko.
"Hehe. Peace?" Sabi ko na lang sa mga classmates ko na todo aral sa accounting. Masisipag yang mga yan eh. Wag ka ako rin masipag din naman eh.
Masipag maging tamad! Hahaha!
"Bakit gulat na gulat ka? Hindi mo pa pala alam. Tsk tsk. Hina naman ng mga chismosa ngayon hindi ka napadaanan ng balita."
"Huhuhuhu. Ate Yvonne bakit mo siya sinagot?! Teka nanligaw ba siya sa'yo? Crush ko yun eh. Matanda ka na. Di kayo bagay! Mas bagay kami." biro ko sakanya.
Totoo naman. 21 na si ate Yvonne. Ako 17 pa lang. At ikaw crush sa tingin ko kasing edad lang kita. Kaya bagay tayo. Haha.
"Hahahaha. Uy eto naman makasabi ng matanda sakin. Haller ang bata ko pa kaya."
"Ate pano kayo nagkakilala?"
"Once upon a time---"
"Ate Yvonne naman kasi eh." nagbibiro nanaman kasi siya. Hmp. Baliw talaga 'to. XD
"Alam ko na full name ni Ace."
"Kyaaah! Ano?"
"Ace Batumbakal." at ayun humagalpak nanaman siya kakatawa.
-___-
"Uy joke lang."
"Ate naman kasi eh. Huhu. Ano nga po?"
"Ace Hardware. Sure na sure 101% may butal pa na 1% kasi nga super sure yan. Bwahaha!"
-____-
Tumawa na naman siya ng sobrang lakas. Yung tawa na abot hanggang kabilang building. Nakakaloka! Ace Hardware daw crush oh! Nilalapastangan yung name mo! Dali abangan mo na sa gate! Mwahaha!
"Joke lang. Seryoso na. Ace Hernandez."
Ito na kaya yung name mo crush? Sesearch kita mamaya sa fb sana ito na.
Your stalker,
Isabelle