"Ah... sa room 386 po, ma'am."
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad akong tumakbo sa hallway, halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko habang hinahanap ko ang room number. Isa... dalawa... hanggang sa—
Room 386.
Binuksan ko agad ang pinto.
At para akong binuhusan ng malamig na tubig sa eksenang nadatnan ko.
Si Nathan, nakahiga sa kama, walang malay.
At si Illy, nakaupo sa gilid, mahigpit na hawak ang kamay niya na parang kapag binitawan niya, mawawala si Nathan sa mundo.
Huminga muna ako nang malalim bago lumapit.
"Illy."
Napatingin siya sa'kin, halatang gulong-gulo at pagod.
"Bantayan mo muna si Nathan," mahinang sabi niya, pero ramdam ko ang pwersang pilit niyang kinakalma ang sarili.
Aalis na sana siya nang agad ko siyang hinawakan sa braso.
"And where do you think you're going?" taas-kilay kong tanong, hindi ko tinatago ang inis at pag-aalala.
"Avia, let me go," sagot niya, seryoso—pero may takot sa boses.
"No. Hindi kita bibitawan. Ano? Tatakas ka na naman ba—"
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang bigla niyang sampal. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa braso niya.
"You should respect your senior," malamig niyang sabi.
Napahawak ako sa pisngi ko, ramdam ko ang hapdi. Napatingin ako sa kanya nang masama.
"Nirerespeto ko lang ang mga taong karapat-dapat respetuhin," mariin kong tugon. Muli akong tumingin kay Nathan, bago bumalik ng tingin kay Illy. "Tell me. Ano'ng nangyari?"
Humugot siya ng malalim na buntonghininga. Parang kinakalaban niya ang sarili niyang konsensya.
"I can't tell you, Avia."
"Why? What's the reason you can't tell me? May kinalaman ba 'to sa problema n'yo ni Clai?"
Bigla lumaki ang mata niya.
Tama ako.
"Hindi kasama si Clai dito!"
"Then bakit hindi mo kayang sabihin sa'kin kung anong nangyari?"
"Sasabihin ko naman... kaso useless lang 'yung natuklasan ko."
Nakatungo siya, nakuyom ang kaliwang kamay at nilapat iyon sa dibdib niya na parang may kinukubli.
"B-bibisitahin ko lang sana si Nathan para humingi ng tawad. Kumakatok ako pero walang sumasagot... kaya pumasok na ako. Nakita ko na lang siyang nakahandusay sa sahig... walang malay."
"May nakita ka bang ibang tao? Kahit sino?" seryoso kong tanong.
Umiling siya, pero bago siya umalis, napansin kong nanginginig ang kamay niya. Kahit malamig ang aircon, pawis na pawis siya.
"W-wala akong nakita," mabilis niyang sabi, at agad siyang lumabas—halatang gustong tumakas bago siya tuluyang matunaw sa kaba.
Hindi ko na siya hinabol.
Para siyang bomba na kapag ginalaw ko pa, sasabog.
Napatingin ako kay Nathan.
"Bakit parang may hindi pa sinasabi sa'kin si Illy...?" bulong ko sa sarili ko.
⸻
Habang nagdidiscuss si ma'am, nakatingin lang ako sa bintana. Ilang araw na, pero hindi pa rin nagigising si Nathan. Sabi ng doctor—nahulog daw siya sa hagdan. Nabagok ang ulo.
Pero walang gasgas. Walang fracture. Walang internal damage.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
