“Sinabi ko na sa'yo na wala akong babae. ilang beses ko bang ulitin sabihin sa'yo para maniwala ka!” sigaw ni papa sa itaas.
“Eh ano iyung lipstick na nakita ko sa kotse mo! At ang bite mark sa leeg mo! Ha!” sigaw rin ni mama.
Hayst! Ang ingay naman nilang dalawa! Kung ganiyan lang mangyayari sa akin pag mag aasawa ako sa hinahanarap mas mabuting magtandang dalaga nalang ako.
Napatigil naman ako sa kaka-cellphone ko, ng bigla nalang bumaba si mama dala ang dalawang maleta dahilan upang mapatayo ako sa gulat.
Hindi na magandang biro 'to. Agad naman ako hinila ni mama.
“Ma, saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Aalis na tayo dito,” sabi niya sa akin.
“Ma, wait lang! Paano si papa?” tanong ko.
“Magkikita rin kayo ng papa mo after 1 year,” sabi niya.
Pumasok naman kami sa kotse at pinaharurot na niya ito.
“What? 1 year ang tagal nun ah?” hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot, kaya napasandal nalang ako sa bintana. Ano bang klasing buhay 'to? Sa isang iglap naghiwalay na iyung parents ko.
Hindi ako makapaniwala.
Ako nga pala si Princess Aviana Salazar Ramos. 14 year old. Maganda, sexy, matangkad, maputi, bluebell eyes, at black blue hair.
Pure filipina ako. Sadyang ganito lang talaga ang lahi namin. Ang mata ko namana ko lang ito sa papa ko at ang black blue hair ko is pinacolor ko lang.
And Btw nandito kami sa japan. Papunta kami ngayon sa...... Wait itanong ko lang kay mama.
“Ma?”
“Ano?!” naiirita niyang sagot sa akin.
Ay galit gustong mapanakit?
“Umm, saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Sa pilipinas,” seryoso niyang sabi sa akin.
“What?! Akala ko sa hotel lang! Bakit sa pilipinas pa?” tanong ko sa kanya.
“Pwede ba?! Wag madaming tanong!” sigaw niya.
Tinikom ko nalang ang bibig ko.
•••
“Omg! Aviana! Ang laki mo na!” Agad naman ako niyakap ni Illy.
“Ikaw rin ang laki muna,” walang gana kong sabi.
Agad naman siya kumalas sa akin at napakunot ang noo.
“O, anong nangyari sa'yo? Bakit parang wala kang kinain ng ilang araw?” tanong niya sa'kin.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na divorce na 'yung mama at papa ko, at sa isang iglap nandito na kami sa pilipinas. E' hindi man lang ako nakapagbili ng gamit sa japan ni isa, pang-remembrance lang,” reklamo ko sa kanya habang naka cross-arm.
“Saklap nun ah.” Lumapit naman sa'min ang isang hindi pamilyar na lalaki.
“Sino 'to? Boyfriend mo?” tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Storie d'amore(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...