"Clai! What are you doing?!" sigaw ni Illy, puno ng gulat at galit.
Lumapit siya agad sa amin, hinawi si Clai palayo para makaharap ako.
Naka-igting ang panga niya. Hindi ko pa siya nakitang ganito ka-seryoso.
"Cess, umuwi ka na."
"But—" hindi ko pa natatapos, sinapawan niya na agad.
"I said umuwi ka na!"
Napapikit ako. Hindi ko man maintindihan ang nangyayari, sinunod ko pa rin.
"No, ate! Stay!" sigaw bigla ni Clai. Napalingon ako sa kanya.
"Wag mo siyang pakinggan, Avia. Umalis ka na," balik ni Illy.
"You promised me, ate..." malungkot na sabi ni Clai, at doon ako natigilan.
Halos gumaan ang dibdib ko at sabay bigat—hindi ko alam anong uunahin.
"I—"
Pero napatili na lang ang puso ko nang bigla akong hinila ni Nathan palabas ng pinto.
Wala siyang pasabi, wala ring pahinga. Pagkalabas namin, bigla niya ring binitawan ang kamay ko.
"Umuwi ka na. Hinahanap ka na ng mama mo," seryoso niyang sambit.
"H-huh? Nandito na si mama?" Napa-kurap ako. Patay. Lagot ako.
"Oo."
Diretsong sagot.
"Hala! Nathan! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
Muntik na akong mapa-hysterical sa taranta.
"Eh busy ka kasi sa BUNSONG KAPATID mo kuno."
Diniinan niya pa talaga. Kuno.
Napakunot naman ang noo ko habang nakatitig sa kanya.
"Don't tell me... nagseselos ka?" tanong kong mahinahon pero may halong pang-aasar.
Dahan-dahan siyang napatingin sa akin.
Eyes wide.
Disbelief.
Tapos napalayo ng isang hakbang.
"Yiee, nagseselos nga siya. Hali ka, come to mommy—"
Umatras siya agad. Para bang may nakitang demonyo.
"Minsan, napapatanong ako kung paano kita naging kaibigan," bilin niya bago umalis.
"Aray naman, Tan! Ang sakit ha!" Sinundan ko siya.
Huminto siya, huminga, at tumingin sa akin.
"I think kailangan mo nang umuwi. Kung ayaw mong mas malagot sa mama mo."
"Oh shoot—tama ka." Napasampal ako sa noo ko.
"Sige. Bye, Tan!" Takbo agad ako.
•••
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
At ayun na nga.
Si mama.
Nakapamewang.
Nakatayo.
Nakangiting hindi smile.
Yung 'lagot ka sa'kin' smile.
"At saan ka na naman galing, aber? Ang sabi ni Mare, wala ka raw sa bahay nung wala ako," mataas kilay niyang tanong.
"Eh kasi maaa... doon muna ako tumira kina Illy. Ang boring kasi dito. Ako lang mag-isa." Nagpout ako—baka sakaling gumana.
Mas lalo pang tumaas ang kilay niya.
Literal na halos lumipad na papuntang Jupiter.
"At kailan ka pa naboboringan kapag mag-isa? Nung nasa Japan tayo, halos hindi ka lumalabas ng kwarto! Gusto mo nga ng peace and quiet," sagot niya.
"Eh ma, lumalabas naman ako ah... kapag kasama ang friends ko, o papasok sa school, o kakain, o gagawa ng morning routine, o kung gusto kong lumabas—"
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
