Chapter 15

2.9K 83 10
                                        

"My gosh! Tulong!" halos napasigaw ako habang malakas kong kinakatok ang pinto. Pakiramdam ko ilang oras na kaming nakakulong dito ni Clai, at parang unti-unti nang sumisikip ang dibdib ko sa kaba.

Pero... teka lang.

Kami lang dalawa dito.

So kung na-lock ang pinto... sino ang nag-lock?

Dahan-dahan akong tumingin kay Clai. Nakatingin siya sa'kin na parang inosente, parang wala siyang alam. Pero may something sa mga mata niya na hindi ko mapigilang mapansin.

"Bakit, ate?" tanong niya, kunot-noo.

Umiling ako, pilit kinakalma sarili ko. Hindi ko pa uunahin 'yon. Kung siya nga ang nag-lock ng pinto, malamang nandito rin ang susi. At kailangan ko itong mahanap without him noticing.

Humiga ako sa kama para magkunwari. Hindi niya dapat mahalata na naghahanap ako.

"Ate, inaantok ka na ba?" tanong ni Clai, curious pa rin.

"Oo," sagot ko, pilit na kalmado.

"Okay ate, matulog ka na. Gigisingin na lang kita pag dumating si Mama." Napatango ako.

"Uhm... Clai?" tawag ko, kunyari hesitant.

Agad naman siyang napatingin. "Yes, ate?"

"Pakihanap nga ang susi. Baka nasa cabinet lang. Tignan mo, please?"

Tumango siya at lumapit doon. Habang abala siya, dahan-dahan kong kinapa ang gilid ng kama—at napangiti ako nang maramdaman kong may matigas na bagay doon.

Susi.

"Ah, nakita ko na!" mabilis kong sabi habang tumayo.

Napalingon si Clai, at para siyang natulala sa gulat. Parang hindi niya in-expect na makikita ko.

Agad kong binuksan ang pinto at malalim akong huminga, parang bagong laya.

"Clai, baka hinahanap ka na ng ate mo. Six na ng gabi, umuwi ka na," sabi ko nang diretso.

Tumango siya, medyo matamlay, bago umalis. Nanatili naman akong nakatayo sa pinto, hindi sigurado kung dapat ba akong kabahan o maawa.

Paano niya nahanap ang susi? At bakit niya itinago?

•••

"Woah, hindi ako makapaniwala na nagawa niya 'yon," sabi ni Timmy habang naglalakad kami.

"At na-amaze ka pa talaga?" sagot ko, mataray nang kaunti.

Tumawa siya. "Hahaha, hindi naman. At least nakalabas ka."

"Tsk. Buti na lang matalino ako." Napangiwi siya. "Kung hindi dahil sa talino ko, hindi rin kayo magkakarelasyon ni Ria ngayon."

"Uminom ka na lang ng Macchiato mo, nilalamig na," sagot niya, umiwas sa topic.

Nasa café kami as usual—at gaya ng dati, siya ang nagyaya.

"Fine," sagot ko habang iniinom ang kape.

Pero habang busy ako, ramdam ko yung tingin ni Nathan sa akin. Kanina pa. Parang may hinahanap sa mukha ko.

May dumi ba ako?

Napatingin ako sa kanya. "Ang ganda ko no?" biro ko.

Nagulat pa siya. "Huh?"

"Wala. Chill."

Pero bigla ko siyang tiningnan ulit. Creepy. Minsan naaalala ko si Clai sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

•••

Habang naglalakad kami pauwi, nadaanan namin ang Manila Medical Center. Napahinto kami nang biglang lumabas si Illy—at halos mapaatras ako.

May mga pasa siya. Malalaki. Namumula. And she looked... scared.

"Linlin?" tawag niya, kita ang pagkagulat nang makita kami ni Nathan.

Akmang tatalikod na siya nang mabilis siyang hinabol ni Nathan.

"Illy, anong nangyari sa'yo?!" halos nanginginig ang boses niya.

"Wala 'to, naaksidente lang," sagot niya, pilit ngumingiti.

"Accident?! Illy, para kang binugbog!" sigaw ni Nathan, halatang galit pero mas halata ang takot.

Naramdaman ko ang tensyon sa buong paligid kaya hinawakan ko ang braso ni Nathan, para pigilan siya.

"Tim, kumalma ka," sabi ko. Tumingin naman ako kay Illy. "Sabihin mo sa amin kung sino may gawa niyan."

Pakiramdam ko ako pa tuloy ang nagmumukhang ate niya.

"Wala nga! Ang kulit niyo!" sigaw niya. Kita ko rin ang gulat niya sa sarili matapos iyon.

She opened her mouth to apologize but—

"Mahal mo ba talaga ako?" tanong bigla ni Nathan.

Napatigil ako. Oh no.

Nagulat si Illy, halatang hindi handa. "Nathan... ano bang klaseng tanong 'yan? S-syempre mahal kita."

"Kung ganun," sabi ni Nathan, bagsak ang boses pero puno ng sakit, "bakit ang dami mong secret na tinatago? Hindi mo ba kami kayang pagkatiwalaan? Ako? Si Princess?"

Napayuko ako nang marinig ko pangalan ko. Ang bigat.

"Sasabihin ko naman sa inyo, pero hindi pa ngayon ang tamang panahon," pakiusap niya.

"Kailan ang tamang panahon, Illy? Kailan?!" sigaw ni Nathan. Pinagtitinginan na kami pero wala siyang pake.

Hinawakan ko ulit braso niya. "Tim, tama na—"

"Sorry, Nathan... h-hindi ko muna kayang sabihin," sabi ni Illy, halos paos na.

Humigop ng hangin si Nathan, parang pinipilit hindi umiyak.

"Illyria... mag-break na tayo."

Parang lumubog ang puso ko. Pati si Illy, napaupo sa sahig, umiiyak habang tinatakpan ang mukha.

"Please... don't do this to me..." hingal niya.

"Naaayos pa 'yan," sabi ko kay Nathan, pero hindi na siya nakinig.

"Hindi mo ba ako kayang intindihin? Lagi mo inuuna kapatid mo. Ako? Wala?" bulalas niya, bago tuluyang naglakad palayo.

Hindi ko na nagawang pigilan. Tumakbo ako papunta sa kanya.

Nakita ko siyang nakaupo sa bench sa harap ng dagat, staring blankly at the waves. Parang sinasabay niya ang sakit niya sa hampas ng alon.

Lumapit ako, huminga nang malalim. "Pwede bang tumabi sa'yo?"

Tumango siya, dahan-dahan.

Umupo ako. Sandaling katahimikan.

"Are you sure?" " mahina kong tanong. "Na magbe-break kayo?"

Napatingin siya sa akin—at doon ko nakita ang sakit na pilit niyang tinatago.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon