Chapter 47

1.9K 64 5
                                        

Napatingin naman ako sa kanya ng walang gana. Nonsense! Paano ko naman mamimiss ang isang taong kinidnap ako?! At halos ma-rape pa ako. Hindi ba pwedeng trauma lang ang dahilan ko?

"Bakit ko naman siya mamimiss?" tanong ko, nakataas ang isa kong kilay habang nakatitig sa kanya.

"What if... ako nga si Clai? Anong gagawin mo?" tanong niya, dahilan para mapahinto ako.

"Wag ka nga magbiro ng ganyan. Hindi nakakatuwa," sabi ko, kabado.

Bigla namang tumigil siya sa biro at tumingin ng seryoso. Dahilan para mapalunok ako ng laway.

"I'm serious, hindi ako nagbibiro."

Agad kong nabitawan ang kutsara at tinidor ko. "Now, ate... what would you do?"

Padabog akong tumayo. "Ayaw ko na kumain. Nakakawala ng gana, at doon na lang ako matutulog sa kaibigan ko."

Lumapit ako sa pinto at sinubukang buksan, pero ayaw bumukas. Sinubukan ko ulit—same result. Napatingin ako kay Wilder at nakita ko siyang may nakataas na kamay, hawak ang susi.

"I don't remember anything na pumayag ako na aalis ka," nakangiting sabi niya.

Damn you! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sumama na lang ako kina Papa at Ma'am Rosita. Napapikit nalang ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"What the heck do you want from me?" seryoso kong tanong sa kanya.

Kalmado man ang boses ko, halata pa rin ang galit. Lumapit siya at hinaplos ang buhok ko—dahil doon, inis akong umiwas.

"Kahit galit ka... cute ka pa rin," nakangiti niyang sabi.

"Akin na iyung susi." Akmang kukunin ko, pero mabilis niyang tinaas ang kamay para pigilan ako.

"Hahaha, kunin mo muna sa akin," sabi niya, halata sa boses na nag-eenjoy siya sa laro.

"Gosh!" ito lang ang nasabi ko sa sobrang inis.

"Ate, magpatangkad ka muna bago mo maabot 'to," sabi niya, ginagalaw ang kamay na may susi. Ang ingay nito, nakakainis.

"So... anong gusto mong palabasin?!" inis kong tanong.

"Na maliit ka, kinulang sa height."

Halata sa mga pisngi ko na namumula ako sa galit.

"Wiiiilllldeeeerrr!" Napatingin ako sa kanya ng seryoso, dahilan para mapaatras siya. "Lagot ka sa akin! Bwesit ka!"

Agad ko siyang hinabol. Masaya namang tumakbo siya. Nang mahabol ko siya, tinulak ko at napahiga siya sa kama, pilit kong kinukuha ang susi.

"Give me that key, Wilder!" inis kong utos.

"No," masaya niyang sagot.

Napahinto ako nang marealize kong nakapatong pala ako sa kanya. Dahan-dahan akong napatingin. Nakatingin lang siya sa akin, nakangiti. Namumula rin ang pisngi at tenga niya.

"Alam mo bang nandito tayo sa kwarto ko?" tanong niya, halata sa boses ang pang-aakit.

"I-i'm sorry... I'm not aware." Tatayo na sana ako, pero niyakap niya ako at napahiga sa katawan niya.

"Wilder! What are you doing?! Let go of me!"

"5 minutes."

Seriously?! Hindi ako komportable sa posisyon namin. Tapos, 5 minutes pa? Gusto ba niyang putulin ko 'yung dalawang braso niya? Charot.

"Wilder, I said let me go... Makinig ka sa ate mo," inis kong sabi.

Nagpuppy eyes siya sa akin, kaya agad ko siyang sinapak ng unan sa mukha.

"Duh! Hindi bagay sa'yo!" Tumawa siya.

"Aysus, hindi pa umamin na cute ako," sabi niya.

"Huh? Sinong may sabing cute ka?! Bulag siguro 'yun," sabi ko sa kanya.

"Aray naman."

"Tsk, bitawan mo ako, kundi malalagot ka talaga sa akin. Bwesit ka," inis kong sabi.

Mas lalo akong naiinis nang pisilin niya ang pisngi ko gamit ang kanan niyang kamay, habang hawak pa rin niya ang bewang ko gamit ang kaliwang kamay para pigilan akong makatakas.

"Awww~ galit si baby ko~" asar niya sa akin.

Agad kong hinila ang tenga niya.

"Sinong baby ha?!" tanong ko, inis.

"Aray! Avia!"

Binitawan niya ako at hinawakan ko ang tenga niya na ngayon ay pulang-pula.

"Tsk, iyan ang bagay sa'yo!"

Agad akong umalis.

Hanggang sa dumating sina Ma'am Rosita at Papa.

"Kamusta kayo? Ayos lang ba kayo dito?" tanong ni Papa.

"Opo, ayos lang po kami dito," nakangiting sagot ni Wilder.

Wow. Sobrang ayos! Kahapon, muntik pa siyang mahalikan kung hindi ako nagising. Mabuti nalang at nahalata ko na may nilagay siyang sleeping pills sa inumin ko.

Habang naliligo ako, bigla niyang binuksan ang pinto—mabilis akong natakpan gamit ang bath towel.

"Ha! Sobrang ayos pa! Grabe!" sabi ko, habang pumapalakpak sa sarili.

"I see, nagkakasundo na kayo ng anak ko," nakangiti sabi ni Ma'am Rosita.

Napangiwi ako. Seriously close! Biglang lumapit si Wilder sa likod ko at niyakap.

"Yes, Mama, nagkakasundo na nga kami," sagot niya. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.

"Pag hindi ka dumistansya, puputulin ko 'yang kamay mo," seryoso kong sabi.

"Woah! Relax," sagot niya, at umatras.

"Pa... aalis muna ako," sabi ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa Toshikoshi Love," sagot ko.

"Huh? Diba ang restaurant na 'yan ay para lang sa mga couple?" tanong ni Ma'am Rosita, napangiti sa akin. "Oh, I see... may ka-date ka ngayon."

Wala akong panahon mag-explain. Wala naman akong ka-date. Anniversary lang ng kaibigan ko at ng jowa niya kaya inimbita niya kami kumain. Saka sabi-sabi lang, kahit single pwede naman kumain diyan.

"Huh? Boyfriend, diba sabi mo wala kang boyfriend?" tanong ni Wilder.

Hehehe. Sasabihin ko na lang sa kanya na may boyfriend ako, para gumive up na siya sa akin. Bakit hindi ko agad naisip 'to?!

"I was just lying... The truth is... may boyfriend na ako."

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon