Chapter 8

3.4K 110 7
                                        

"Sinabi niya 'yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Tan.

Napatango ako, wala man lang gana.

"Hindi ko maintindihan, Tan... wala naman akong natatandaang ginawa kong masama sa kanila," malungkot kong sabi habang pinipisil ang dulo ng blouse ko.

"Hayaan mo, kakausapin ko si Illy."
Umiling agad ako.

"Wag na... baka mas lalo pa siyang magalit sa'kin," mahina kong sabi.

"I think hindi siya galit sa'yo."
Napatingin ako sa kanya then napairap.

Kinakampihan pa ata niya kasi girlfriend niya 'yon.

"Nung last ko siyang nakita kahapon, mukha siyang nag-aalala," dagdag pa niya.

Napakunot noo ako. "Bakit naman siya mag-aalala?"

"Ewan ko."
Napahampas ako sa noo. Ito talaga si Nathan, minsan bingi sa own info.

Hinaplos niya ang likod ko. "Okay lang 'yan, Avia. Wag ka ma-stress. Nandito naman ako."

Tsk. For now. Mamaya-maya, diretso na siya kay Illy.

"Wag mong hawakan 'yung ate ko!"

Pareho kaming napalingon.
Si Clai... ano'ng ginagawa niya dito?

Dumeretso siya sa amin at bahagyang dumistansiya si Nathan.

"Ate, good morning," nakangiti niyang bati.

"Clai, layuan mo muna ako."
Kumunot ang noo niya, halatang nasaktan.

Sumingaw ang malamig na hangin sa hallway habang tahimik lang kami.

"A-ate... nagbibiro ka lang diba? Prank lang 'to?" halos pabulong pero nanginginig.

Unti-unting tumulo ang luha niya. Napakagat ako ng labi—ayoko sana siyang saktan pero...

Akmang tatayo na ako nang bigla niyang sinakal ng higpit ang balikat ko.
Napapikit ako sa sakit.

"Oi—Clai, nasasaktan na si Aviana!" sabi ni Nathan.

"Aviana... d-dahil ba 'to sa nagawa ko kahapon?"
Bigla siyang lumuhod sa sahig.

Nagulat ako. "Clai, tumayo ka nga—"

"Sorry... natakot lang ako. Baka mawala ka sa akin, baka kunin ka nila sa akin... sorry, ate!"

Pero hindi siya tumayo. Kahit anong hila ko, ayaw niya.

"Hindi ako tatayo hangga't hindi mo ako pinapatawad," madiin niyang sabi, nakaluhod, nakayuko, umiiyak nang todo.

Sinubukan kong lumayo pero hinawakan niya ang kamay ko nang mas madiin.

"Clai..." huminga ako nang malalim. "Kung hindi ako iiwas sa'yo... baka magalit lang 'yung ate mo."

"Si ate Illy?"
Napatango ako.

"Nag-text si Illy kay Avia na layuan ka muna, hindi pa namin alam kung bakit," sabad ni Nathan.

Biglang sumama ang tingin ni Clai sa kanya.

"Para ano? Para kunin mo rin siya sa'kin? Kagaya ng pagkuha mo kay ate Illy!" sigaw nito.

"Clai," tawag ko, pero bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

"Ate... mababaliw ako pag nawala ka. Hindi ko kaya... hindi ko kaya mabuhay pag wala ka."

"Clai! Let her go!"

Napalingon kami.
Si Illy—nakadilat ang mata, halatang shock, at may halong takot.

Agad lumuwag ang yakap ni Clai. Bumitiw ako at tumayo para dumistansiya.

Pero nakatingin pa rin siya sa akin, parang nagmamakaawa.

"I-I'm sorry, Clai..." akma na akong lalayo nang bigla—

"Clai, wag!" sigaw ni Illy.

Napalingon ako.

Nanlaki mata ko.

Si Clai... may hawak na kutsilyo.
Nakatutok sa leeg niya.

"Sige! Iwan mo ako, ate—magpapakamatay ako!" sigaw niya.

"Clai! Wag!"
Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

Habang palapit ako, nakita kong may manipis na dugo na sa gilid ng leeg niya.
Mas lalo akong nataranta.

"Please, Clai, wag naman!"
Kinuha ko ang kutsilyo at hinagis sa gilid. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hindi na kita iiwan. Promise. Hindi na mauulit 'to... just don't do that again," nanginginig kong sabi.

Pero dahan-dahan siyang bumigay sa braso ko—
nahimatay.

"Clai! Clai! Gumising ka! Clai!" halos mabasag boses ko sa takot.

•••

"He has vasovagal syncope," paliwanag ng doctor. "Stress, emotional trauma, or even the sight of blood can trigger it. Hindi naman delikado, pero dapat iwasan niya munang ma-stress."

"Salamat, Doc."
Tumango siya bago umalis.

"Kasalanan ko 'to..." bulong ni Illy habang nakayuko sa waiting chair.

"Bakit mo ba kasi pinapalayo si Princess kay Clai?" tanong ni Nathan, halatang nagpipigil ng inis.

Tumigil si Illy.
Halatang may tinatago.

"Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo, Nathan," mahinang sagot niya.

"Pero boyfriend mo ako. Pati ba naman ako hindi mo kayang pagkatiwalaan?"

Tumayo si Illy. "Hindi ganun, Nathan. May pinangakuan ako... sina Mama at Papa."

"Pero paano namin tutulungan kayo ni Clai kung wala kaming alam?" galit nang sabi ni Nathan.

"Nathan—"

"Tama na!" putol ko sa kanila. "Wag na kayong mag-away dito."

Huminga ako nang malalim. Diretso ko siyang tinitigan.

"Sa tingin mo Illy... tama ba 'tong ginagawa mo?" tanong ko, seryoso.

Nakita ko ang bigat sa mukha niya. Halatang hirap na hirap.

"Ginagawa ko lang ang tama, Avia..."
Lumunok siya.
"...pero kung wala na talaga akong choice, kayo na magdesisyon kung lalayo kayo sa amin o hindi."

At umalis siya.

Iniwan kaming pareho ni Nathan na mas lalo lang naguguluhan.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon