“So?”
“So?” Napairap naman ako sa inasta ni Nathan, ang slow niya.
“Kamusta 'yong date niyo ni Illy? Or date ba 'yon?” Mukhang hindi date 'yon. Ilang oras na kaya ang nakalipas bago nakauwi si Illy.
“Oo ayos naman,” sabi niya.
“Oh ayan masaya ka na. Nakakaloka kayong dalawa,” sabi ko sa kanya.
“Ate!” Napalingon naman ako sa direksyon ng boses na 'yon.
Agad naman ako niyakap ni Clai. Napatingin naman siya ng masama kay Nathan.
“Umm Clai, hindi ko alam na sumama ka pala kay Illy. Akala ko ba may assignment kang gagawin?” tanong ko sa kanya.
“Oo pero nung nalaman kong kasama ka pala dito. Hindi ko na muna gagawin ang assignment ko. Gusto ko kasi makasama ang ate ko. May bukas pa naman,” paliwanag niya.
Awwww~ napaka-cute niya talaga. Agad ko naman siya niyakap.
“Yiee ang sweet mo,” sabi ko.
“Ehem~ kung hindi ko lang kayo kilala. Siguro napagkamalan ko na kayong magjowa,” sabi ni Nathan.
Napakalas naman ako sa pagkakayakap kay Clai.
“Seriously Nathan, bata 'yan no,” sabi ko sa kanya habang naka-cross arm.
“Age doesn't matter,” ani ni Nathan.
Napatingin naman ako sa kanya ng masama.
“Whoah, chill!”
“Oo nga ate, age doesn't matter,” sabi sa akin ni Clai.
“Hahaha Clai, wag ka makinig sa kuya Nathan mo,” sabi ko sa kanya.
“Pero totoo naman talaga 'yan ate,” sabi niya sa akin.
“Well sa kanila. Oo, pero sa akin...hindi! Age does matter,” sabi ko sa kanya.
Bigla naman siya nalungkot.
“Grabe ka naman sa love, Avia.” Napatingin naman ako kay Nathan.
“Kung ganyan lang ang ugali mo. Siguradong hindi ka magkakajowa,” sabi sa akin ni Nathan.
“Tsk, mabilis kaya ako makahanap ng jowa, kung gusto ko lang.” sabi ko sa kanya at nagwink.
Umiwas naman ito ng tingin at nag acting na nasusuka. Napangiwi nalang ako sa inasta niya.
Agad naman ako niyakap ni Clai. Dahilan upang mapunta ang atensyon ko sa kanya.
“Ate, wag na wag kang maghahanap ng jowa please,” sabi sa akin ni Clai.
“Huh? Hahaha, joke lang naman 'yun, at saka wala pa akong plano magkaroon ng jowa so don't worry.” Takot ba siya na baka iwan ko siya pareho ng ate niya?
“Talaga ba?” tanong niya.
Napatango naman ako. Ngumiti naman siya at sinubsub niya ang ulo niya sa dibdib ko.
“Clai! May pagkain dito! Hali ka!” Tawag sa kanya ni Illy.
Napakalas naman sa pagkakayakap sa akin si Clai.
“Punta muna ako kay ate Illy,” pagpapaalam niya sa akin.
Tumango naman ako bago siya umalis. Lumapit naman sa akin si Nathan.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romantik(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
