Chapter 34

2K 68 2
                                        

"Mag girlfriend at boyfriend lang naman kayo, hindi naman kayo mag-asawa. So mali pa rin na tabi kayo matulog, hindi tama 'to!"

Punô ng inis ang boses ni Tim habang nakaturo sa amin. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya bago siya bumaling sa akin.

"Cess, hiwalayan mo na iyang mokong na 'yan. Bad influence lang siya sa'yo."

"What did you say?!"

Biglang tumayo si Ken, halatang napipikon na. Agad kong hinawakan ang braso niya bago pa siya tuluyang lumapit kay Tim.

"Stop it! You two!" irita kong sabi, halos nanginginig na rin ang boses ko sa pagod at inis.

"Mas mabuting kumain na muna tayo," singit ni Illy, pilit na pinapakalma ang sitwasyon. "Nagugutom na kasi ako."

Tahimik kaming lahat saglit, parang walang gustong umamin na pare-pareho na kaming pagod—hindi lang sa gutom, kundi sa lahat ng nangyayari.

•••

"What?! Pumunta si Clai sa bahay mo, tapos hindi ka man lang tumawag sa amin?!"

Hindi ko napigilang mapataas ang boses ko sa gulat habang nakatingin kay Illy.

She sighed before answering. "I deleted your numbers from my phone. Pinalitan ko rin 'yung SIM ko. He can't track you. Kilala ko si Clai... he's smart. Too smart. I can't let him find even a single clue kung nasaan kayo."

Nanlamig ang batok ko sa sinabi niya.

"Siya ba ang gumawa niyan?" tanong ni Nathan, biglang seryoso.

Napatingin kaming lahat sa leeg ni Illy. May band-aid doon—malinis ang pagkakadikit, pero halatang tinatakpan ang sugat. Ngayon ko lang talaga napansin.

Tahimik siyang tumango.

"Wala tayong choice," mabigat na sabi ni Ken. "We have to bring him to a mental facility. Before he hurts someone else."

"But—" sisimulan ko pa sana, pero mabilis akong pinutol ni Illy.

"It's okay, Avia," mahina pero buo ang boses niya. "I should've done it from the start. I'm sorry... this is all my fault."

Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya, ramdam ko kung gaano ito nanginginig.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo," mahinahon kong sabi. "Walang may kasalanan dito. Naiintindihan kita... kung bakit hindi mo kayang ipa-commit si Clai. Because you love him, right? After all, you're his older sister."

Bahagya siyang ngumiti, may lungkot sa mga mata, saka tumango.

"Hahanapin namin si Clai," sabi ni Ken. "Pero dito lang kayo ni Illy. Don't move."

"Mag-iingat kayo," sabi ko agad, hindi maalis ang kaba sa dibdib ko.

Tumango sila bago tuluyang lumabas.

•••

Lumipas ang ilang oras, pero wala pa ring bumabalik kina Ken at Nathan. Habang tumatagal, lalo akong hindi mapakali. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

"Illy... ilang oras na 'to. Hindi pa rin sila bumabalik," sabi ko, halatang nag-aalala.

Tumayo siya at tumingin sa akin nang seryoso, parang may desisyong nabuo sa isip niya.

"Don't worry. I'll look for them," sabi niya. "Stay here."

"No," mabilis kong sagot. "I'll help you."

"Hindi pwede. It's dangerous." Hindi na siya nakipagtalo—agad siyang lumabas.

Napabuntong-hininga ako nang malalim at napatingin sa pinto.
Sorry, Illy... pero hindi ko kayang basta na lang maghintay. Kung may mangyari kina Ken at Nathan, alam kong kasalanan ko rin. Dahil sa akin nagsimula ang lahat ng 'to.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon