"C-Clai..." mahina at utal kong bigkas ng pangalan niya, ramdam ko pa ang panginginig ng labi ko habang nakatitig sa kanya.
Agad na tumulo ang luha sa mga mata niya—malalaki, mabibigat, at tila ba matagal na niyang pinipigil. Napaatras ako ng bahagya sa gulat. Hindi ko na maalala kung kailan ko huling nakita si Clai na umiyak nang ganito, parang batang nawalan ng tahanan.
"How many times do you have to betray me?!" boses niya'y basag, pero puno ng galit at desperasyon. "Ate! You said na hindi ka pa magbo-boyfriend! Dahil bata ka pa! Niloloko mo na naman ako?!"
Bago pa ako makagalaw, sinampal ni Ken ang kamay ni Clai—hindi sa mukha, kundi sapat lang para mabitawan niya ang braso kong halos namumuti na sa higpit ng kapit niya.
"Hindi mo pagmamay-ari si Aviana! So back off!" mariin na sabi ni Ken, ramdam ko ang tensyon sa boses niya. "May karapatan siyang magdesisyon sa sarili niya!"
Agad na hinila ni Ken ang kamay ko, parang gusto niyang ilayo ako sa tensyon at gulo. Pero hindi pa man kami nakakadalawang hakbang, bigla uli akong niyakap ni Clai. Mabilis. Mahigpit. Parang takot siyang mawala ako kapag binitawan niya.
"Ate... I need you! Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka!" sigaw niya, halos mangisay ang boses sa pag-iyak.
"Then say it," malamig na bulong ni Ken, parang naghahanap ng punto. "Aminin mo. Ikaw ba ang tumulak kay Nathan?!"
Napatigil ako. Slowly, dahan-dahan akong napatingin kay Clai. Nararamdaman ko ang pag-hingi niya ng lakas sa higpit ng yakap niya sa akin. Pero kasabay noon, may maliit na kabog ng duda na unti-unting tumatagos sa dibdib ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" sagot niya, halatang nagpipigil ng inis. "Hindi ako ang tumulak kay kuya. At bakit ko naman gagawin 'yun?"
Ken reached into my pocket and took out something—yung litrato. "This is yours, right?"
Nagulat si Clai. At doon, dahan-dahan niyang binitiwan ang yakap niya. Umurong siya ng isang hakbang, parang nanlamig.
"Paano mo—"
Pero bago pa niya matapos, may boses na pumasok.
"Kay Nathan 'yan."
Sabay-sabay kaming napalingon kay Linlin, nakatayo sa may pinto, tahimik pero diretso ang tingin.
"Iba ang handwriting ng lalaking iyon, at—"
"Ako ang sumulat niyan." Agad sabat niya, halos hindi nagpapakita ng emosyon. "Gusto niya kasi na maganda ang pagkakasulat sa likod ng papel."
Napatingin ako muli kay Clai—pero kahit anong pilit ko, hindi ko mahanap kung ano ang totoo sa mga mata niya. Kung wala sa kanila... kung wala sa kani-kanila ang tumulak kay Nathan... edi sino?
"Ate, don't tell me pinagdududahan mo ako?" pabulong pero puno ng sakit niyang tanong.
"No, Clai— I... I'm sorry," mahina kong sagot, halos hindi ko makayanan tingnan siya nang diretso. Parang ako ang tumulak sa kanya sa bangin.
"Dahil sa lalaking 'yan? Kaya nawala ang tiwala mo sa akin?!" sigaw niya, galit pero may halong pakiusap.
Agad siyang niyakap ni Illy, pilit siyang pinipigilan. "Ako na ang bahala dito! Umalis na kayo!" Nahihirapan na si Illy dahil nagpupumiglas si Clai, pilit na umaabot sa akin.
"Ate! Don't leave me! Ate!"
Pero wala na kaming magawa ni Ken nang tuluyan na kaming naitulak palabas ng bahay. At sa mismong pagsara ng pinto sa likod ko, saka sumabog ang bigat sa dibdib ko—parang may tinanggal na parte ng pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
