Chapter 38

1.9K 73 0
                                        

Agad kong hinawakan nang mahigpit ang dalawang pulso niya, pilit siyang pinipigilan habang diretso akong nakatingin sa kanyang mga mata. Ramdam ko ang init ng balat niya, ang bahagyang panginginig ng kanyang kamay—pero ang titig niya, kalmado. Masyadong kalmado.

"Hahahaha!"

Napakunot ang noo ko sa biglaan niyang pagtawa. Parang may bumagsak sa sikmura ko. Anong nakakatawa?

"Akala mo talaga na papatayin ko ang sarili ko?" patuloy niya, halos manginig pa sa kakatawa. "Hahahaha! If ganyan lang pala ang magiging reaction mo... I just feel like teasing you more."

Parang may sumabog sa dibdib ko. Sa galit—at takot—agad ko siyang sinampal.

Napatingin siya sa akin, halatang nagulat. Doon na bumigay ang pinipigilan kong emosyon. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko, sunod-sunod, walang preno. Hindi ko na namalayan na niyakap ko na siya nang mahigpit, parang ako pa ang natatakot na mawala siya.

"Geez... don't do that again," halos pabulong kong sabi, nanginginig ang boses. "Hindi nakakatawa."

"Okay, okay. I won't," sagot niya, mas mahina na ang tono. Hinaplos-haplos niya ang likod ko, parang pinapatahan ako. "So stop crying. It hurts when I see you cry."

Kumalas ako sa pagkakayakap. Maingat niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang hintuturo niya. Hindi pa ako nakakareact nang bigla niyang dalhin ang daliri niya sa bibig niya—at dinilaan iyon.

"It's delicious," sabi niya, may ngiting nakakakilabot.

"Clai! Ano ba!" Agad akong lumapit sa kanya. "Iluwa mo 'yan!"

Pinisil ko ang pisngi niya nang mariin. Doon ko lang napansin kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Isang galaw lang, at magdidikit na ang mga noo namin. Nakatingin lang siya sa akin, tahimik, parang pinag-aaralan ang bawat detalye ng mukha ko.

Bigla akong dumistansiya, parang natauhan. Kinuha ko ang kutsilyo at inilagay iyon sa upuang malayo kay Clai—malayo sa abot ng kamay niya. Pagkatapos, humiga ako sa kama niya. Nakatingin lang siya sa akin, hindi kumikilos.

"What?" tanong ko.

"What do you think you're doing?" tanong niya, may halong pagtataka at aliw.

"Matutulog," diretsa kong sagot.

Napahinto ako nang maramdaman kong hinaplos niya ang pisngi ko.

"Ate... don't tell me," nakangiti niyang sabi. "Gusto mong tabi tayo matulog?"

Alam kong inaakit niya ako. Ramdam ko 'yon. Pero sorry—hindi uubra.

Sinampal ko ang kamay niya.

"Oo. Bakit? May problema ka?" mataray kong tanong.

Halatang nagulat siya. Namula ang pisngi niya, at doon ako napangiti. It's my turn.

Agad siyang tumalikod habang nakahiga sa kama. Lumapit ako at niyakap siya mula sa likod.

"Baby," malambing kong sabi. "From now on... tabi na tayo matulog."

Tahimik siya.

"Hey, kid."

Wala pa rin.

Bumangon ako at pinaharap siya sa akin—at doon ko nakita ang tumutulong dugo mula sa ilong niya.

"Wha—Clai!"

•••

Itinapon ko ang cotton na may dugo niya sa basurahan. Mabigat ang dibdib ko.

"Is your condition getting worse?" tanong ko. "Gusto mo bang ipatingin na natin 'yan sa doctor?"

"No."

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon