Chapter 20

2.5K 85 7
                                        

Nasilayan ko si Ken sa tapat mismo ng restaurant, nakasandal sa itim na kotse na para bang galing sa isang commercial. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Sorry, I'm late," sabi ko, medyo hinihingal pa.

Tumingin siya sa'kin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako. Pangit ba suot ko? O masyadong simple?

"Pasok na tayo," sabi niya.

Tahimik lang akong tumango.
Pagpasok namin, doon ko lang na-realize kung saan niya ako dinala—Per Se Restaurant, ang pinakasikat at pinakamahal na restaurant sa buong Pilipinas. As in, invitation-only at halos hindi naaapakan ng normal na mortal.

At ang presyo? Huwag na lang. Narinig ko nga na ang pinakamura nilang dish umaabot ng 100,000 pesos. Kahit mayaman kami, mauubos talaga ang pera namin sa loob ng isang taon kung dito kami palagi kakain. Nakakaloka!

Hinabol ko si Ken habang papasok.

"Are you sure na dito tayo kakain?" tanong ko sa kanya, nangangamba na baka ma-prank lang ako.

Tumango lang siya.

"Eh mukhang mahal dito..." bulong ko.

"Don't worry," sagot niya. "Ang pamilya ko ang nagmamay-ari ng restaurant na 'to."

Natigilan ako. Excuse me? Ano raw?

"What?!" halos pasigaw kong sagot—at napalingon tuloy ang mga tao. "Hehehe... sorry po."
Nagbalik sila sa pagkain nila at saka pa lang ako nakahinga nang maluwag.

May sumalubong sa amin na lalaki, nasa early 30s siguro.

"Hello sir—sir Inciso?!" gulat niyang sabi.

"Dito ako kakain ngayon," sagot ni Ken, parang ordinaryo lang para sa kanya.

Tumingin sa akin 'yung lalaki. Agad akong umiwas ng tingin.

"Girlfriend," casual na sabi ni Ken.

Napalingon ako sa kanya. Girlfriend? Pero bago pa ako makapagtanong, yumuko na 'yung lalaki.

"Oh—sorry po ma'am. Dito po kayo," sabi niya habang ina-assist kami papunta sa Table Number 4.

Pagkaupo namin, inabot ng waiter ang menu. Sobrang ganda, pero halos ayaw kong buklatin dahil sa takot ko sa mga presyo. Pero ayun na nga—pagkakita ko, muntik ko nang ma-drop ang menu. What the—?!

"Nakapili ka na ba?" tanong ni Ken.

"Hindi ba sobrang mahal nito?" pabulong kong sabi.

"Libre ko 'yan."

"What? Seriously? Hindi ba nakakahiya?"

"You're my girlfriend," sagot niya, parang napakasimple lang. "Wala kang dapat ikahiya."

Napalunok ako at pinilit mag-relax.

"Isang... uhm... hip bistro," sabi ko.

"Mamili ka pa."

Nanlaki ang mata ko. "Wag na... I'm on a diet," sabi ko, halos mahina pa sa hangin.

Lumapit ang waiter. "Sir, introduce ko po kayo sa girlfriend niyo?"

Tumango si Ken.

Huminto ang waiter sandali bago magsalita, tila reciting from memory.

"Timothy Kenzo Valdenor Inciso, 15. Isa sa top two na pinakamayaman sa buong bansa. Ang parents niya ay may higit dalawang daang kumpanya sa iba't ibang bansa. Billion-billions ang kinikita monthly. At siya po ang susunod na tagapagmana ng Inciso Company."

Parang nilagyan ng earphones ang utak ko at pina-blast sa max volume ang sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita.

"Pero bakit wala kaming alam dito?" tanong ko.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon