Chapter 11

3.1K 110 12
                                        

Nandito na naman ako sa may bintana.
Nakanganga. Tulala.
Ilang araw na rin akong hindi nakakagala—at feeling ko, unti-unti na akong nabubulok dito sa bahay nina Clai at Illy.

Honestly?
Parang naka-lockdown ako.

Wala si Clai ngayon kasi tinawag siya ni Illy, kaya napagpasiyahan kong tumambay muna sa kwarto niya. Mas malawak at mas malamig kaysa sa kwarto ni Illy, at mas tahimik din... except for my brain na nagwi-wild sa boredom.

Bigla na lang nag-vibrate ang bagong phone ko.
Napakabilis ko pang dinampot — iyon lang ata ang kausap ko nitong mga araw na 'to.

A message from Nathan.

Tumingin ka sa ibaba ng bintana.

Hindi ko na siya nireplyan.
Diretso akong tumingin sa ibaba.

"Nathan? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Tara, mall tayo. Libre ko."
He said it like it was nothing.

Napatingin ako sa kanya nang walang gana.
Naalala ko pa—noong una niya akong inaya mag-mall, akala ko bonding.
Yun pala, kailangan lang niya ng comfort dahil may away sila ni Illy.

"Ano na naman problema niyo ni Illy?" I asked, deadpan.

Tumawa siya nang marahan, umiling.
"No. Hindi na kay Illy ang dahilan."

I narrowed my eyes.
"Are you sure? Seryoso na ba 'yan?"

Napatango siya.
May kung anong lumundag sa dibdib ko—excitement? curiosity? Hindi ko alam.
Pero bigla rin akong sumimangot. Walang bago.

"Oh? Ba't ka nakasimangot?" tanong niya.

"Sorry, Nathan. Hindi ako makakapunta.
Baka kasi magwala si Clai." I shrugged.

Nagulat siya sa sagot ko, halata.
Napayuko siya sandali, pero maya-maya'y tumingin ulit at ngumiti ng pilyo.

"Tumakas ka na lang."

"What?"

"Hindi niya siguro mapapansin. At saka, may free ka namang gawin ang gusto mo, Bunny. Para ka nang kinulong diyan eh."

...Okay, may point siya.

Napangiti ako.
Tumango.
And without warning—I jumped out the window.

"Shet—AVIA?!"
Halos ma-dislocate ang arms niya kakasalo sa akin.

"Gaga! Paano kung hindi kita nasalo?!" pasigaw niyang sabi.

"Duh. Alam ko namang sasaluin mo ako," sagot ko, kunot-noo pero nakangiti.

•••

WOAAH.
Namiss ko 'tong mall.

I grabbed a headband na may dalawang heart antennas—sinubukan ko pa kay Nathan.

"Oi, Nathan, bagay sa'yo," sabi ko habang pinipigil ang tawa.

He chuckled, then kumuha rin ng headband.
Rabbit ears.

Sinuksok niya sa ulo ko.
"Mas bagay sa'yo 'to."

Tumawa kami pareho.

Napatingin ako bigla sa isang maid outfit na naka-display. Cute.
Medyo... interesting.

Lumapit agad ako.

"Gusto mo ba 'yan?" tanong niya.

"Oo," sagot ko, nakangiti.

"Hindi mo sinabi sa'kin na maid ka pala."

"Duh, hindi ako maid. At hindi ako magsusuot niyan."

He smirked.
"Eh sino?"

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon