"Hay! Nakakapagod!" Napabagsak ako sa malambot na sofa, hinihingal habang nakatitig sa kisame. Sino ba naman ang hindi mapapagod? Ang laki kaya ng bahay ni Nathan—parang hotel sa sobrang linis. Black and white ang sahig, tapos white ang theme ng pader at kisame. May chandelier pa na parang nasa ballroom. Apat na aircon. At may mga maid pa.
Pero siyempre, pina-day off niya lahat... para ako ang maglinis.
"Nakakapagod," bulong ko ulit.
"Pagod ka na?"
Parang may biglang tumalon na multo sa tenga ko. Agad akong napaupo nang diretso nang marinig ko ang demonyong boses na 'yun.
Ano bang kasalanan ko sa nakaraang buhay at ako ang napiling parusahan ng taong 'to?
"Magluto ka," seryoso niyang sabi.
"What?!" Namilog ang mata ko.
"Do I have to repeat what I said?" ulit niya, mas seryoso pa ngayon.
Tignan mo 'to. Makalabas lang ako ng bahay na 'to, magtatago ka talaga sa akin, Nathan. Mark my words.
"Sige po, magluluto na po ako," singhal ko—pero medyo may halong takot. Aalis na sana ako nang marinig ko siyang magsalita ulit.
"Nakalimutan mo yatang tawagin na—"
Agad akong lumingon, pilit pang ngumiti.
"Magluluto na ako, MASTER." Dinagdagan ko ng diin, parang gusto ko siyang sakalin gamit ang ngiting 'yon.
•••
Nasa lamesa na ang pagkain, at nanlaki pa mata ko nang bigla niya akong hilahin para tumabi sa kanya.
"Kain na tayo," masigla niyang sabi.
"Nakakahiya naman. Kumain ka na lang po. Ayos lang ako," nahihiya kong sabi.
Pinisil niya bigla ang ilong ko.
"Hey!" napaatras ako.
"Hahaha. Silly. Nagbibiro lang naman ako kanina. Sineryoso mo naman."
Tsk. Fine. Kinain ko na lang ang niluto ko. Pero pagkatapos naming kumain, nagulat ako nang inunahan niya akong kuhanin ang mga plato.
"Ako na ang maghuhugas," sabi niya.
Hindi na ako kumontra. Pagod na pagod na rin ako—parang naglaban ako ng tatlong araw.
•••
Nagising ako bigla, blangko ang utak. Umupo ako, pasulyap-sulyap sa paligid.
"Hindi ko 'to kwarto ah?" bulong ko.
"Hindi mo talaga 'to kwarto. Kasi kwarto ko 'to."
Napatingin ako kay Nathan na nakaupo sa gilid, hawak ang paper bag. Dinala niya pala ako rito—hindi ko man lang naramdaman na nakatulog ako.
"Inaantok ka pa. Suotin mo 'yan," abot niya sa akin.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Alam ko namang hindi ka komportable sa maid outfit," sagot niya bago lumabas ng kwarto.
Wait. Binili niya ba 'to... para sa akin?
Yieee? Sanaol?
Binuksan ko ang paper bag. Pink na T-shirt. White na pajama. Ang lambot pa ng tela. Nagbihis na ako then bumaba.
Nandoon siya, nakatitig sa cellphone. Si Illy yata ang ka-chat. Nag-timpla ako ng kape.
"Hinahanap ka ni Clai."
"Jusko!" Halos nabitawan ko ang tasa. Bigla kasi siyang sumulpot sa likod ko.
"Oh tapos?" taas-kilay kong tanong.
"Pupuntahan mo ba si Clai?"
"Bakit? Gusto mo bang pumunta ako?" sagot kong may sarcasm.
"Tsk."
Ano bang problema ng taong 'to?
"Pupunta ka ba?" ulit niya.
Napaisip ako sandali. "Hindi eh... pero Nathan, may napapansin ka ba kay Clai?"
"Na ano?"
"Ang weird niya. Feeling ko naa-addict siya sa 'kin."
Napatingin ako sa kanya. Naka-focus siya sa mukha ko, seryoso.
"Hoy, hindi ako feelingera, ah."
"Wala naman akong sinabing feelingera ka. Pero... may point ka. Naaamoy ko rin 'yon minsan. Parang sobra yung attachment niya sa'yo."
"Pero bakit naman?" tanong ko.
"Ewan ko. Bakit ako tinatanong mo?"
Napairap ako. "Baka nga hindi siya naa-addict sa'kin. Baka... pinaparusahan niya ako."
Nagkibit-buhok siya. "Ha? Bakit ka niya parurusahan?"
"Eh diba... ako 'yung rason kung bakit nagkatuluyan kayo ni Illy. Feeling ko ako ang kapalit. Ako yung pinaparusahan niya."
Napaisip siya—kunot-noo pa.
"Oo nga no. Bakit ngayon ko lang naisip 'yon?" seryoso niyang sabi.
"Bobo ka kasi," biro ko.
Binato niya ako ng masamang tingin kaya tumawa ako. Pero natigil ako bigla.
Naalala ko kasi—may sakit si Clai. Hindi nga namin alam ni Illy kung ano 'yon.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Nathan.
"Wala." Kahit meron. Hindi ko puwedeng sabihin.
Napabuntong-hininga na lang ako.
•••
Ilang araw ang lumipas at nakauwi na ako—pinayagan na ako ni Mama.
Nagce-cellphone ako sa kama nang may kumatok.
"Sino 'yan?"
Walang sumagot.
Huminga ako nang malalim at binuksan ang pinto.
"Ate!" Agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Clai.
"C... Clai?" gulat kong sabi. "What are you doing here?"
"Bakit ate? Ayaw mo ba 'kong makasama?" bigla niyang tanong. May lungkot sa boses.
"Huh? Hindi naman. Ano kasi..." umiwas ako ng tingin.
Bakit ganun? Parang may malamig na gumapang sa batok ko.
Bakit ako kinakabahan?
"Busy kasi ako ngayon, Clai."
"Huh? Anong pinagkaka-busy-han mo?" tanong niya.
Kinuha ko ang test paper ko—palusot ko.
"Kasi 'to. Hindi ko alam sagutin 'to." Turo ko sa number 5.
Grade 9 ako. Grade 8 pa lang siya. Wala pang ganitong topic sa kanila. Alam ko naman ang sagot. Minemorize ko na dati pa. Pero gamit ko lang siya para umiwas.
"About Biodiversity?" basa niya.
"Oo. Kaso hindi ako makapag-cheat, kinuha ni Sir ang books namin. Tapos sobrang makakalimutin pa ako. Hindi ko mamememorize lahat."
Lies. Pero bahala na.
"Ako na muna mag-isa di—"
"Biodiversity is the variety and variability of life on Earth. Biodiversity is typically a measure of variation at the genetic, species, and ecosystem level."
Natigilan ako. Bigla niyang iniabot ang test paper ko—hawak-hawak na niya.
"Ako na ang sasagot lahat nito, Ate," nakangiti siya.
Pero hindi normal ang ngiting 'yon.
Para siyang... sobrang saya.
Sobrang saya na nakakatakot.
Paano niya minemorize 'yon? At bakit?
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romantik(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
