“C-clai, g-gising ka na pala,” nauutal na sabi ni Illy kay Clai.
Napakunot naman ang noo ko sa inasta niya. Anong problema niya?
“Ate, anong pinag uusapan niyo ni ate Avia?” tanong ni Clai sa kanya.
“Ah w-wala....A-avia, umuwi ka na. Ako na ang bahala kay Cl—” naputol ang sasabihin ni Illy ng agad ako niyakap ni Clai.
“Ate, wag ka umuwi,” malungkot na sabi sa akin ni Clai.
“Pero Clai, kailangan na umuwi si Aviana,” alalang sabi ni Illy kay Clai.
Mas lalo naman humigpit ang pagkakayakap ni Clai sa akin.
“Ate, ayaw kong umalis ka. Diba you promise na hindi mo ako iiwan,” sabi niya sa akin.
“Pero babalik rin naman ako, Clai,” nakangiti kong sabi sa kanya.
“Ayaw ko, dito ka lang,” seryoso niyang sabi sa akin.
“Clai, kailangan na niyang umalis. Baka kailangan siya ni tita sa bahay niya,” alalang sabi ni Illy sa kanya.
“No! Dito ka lang diba ate? You promise me na hindi mo ako iiwan,” sabi sa akin ni Clai, habang nag uunahan na tumulo 'yung mga luha niya.
“Umm, ayos lang Illy. Babantayan ko nalang si Clai dito,” sabi ko sa kanya.
Pero pwede bang mag stay dito? Matagal-tagal sumagot na siya.
“Sige, ako na ang bahala kay doc.” Napatango naman ako sa sinabi niya at umalis na siya.
Napahinga naman ako ng malalim, at napatingin kay Clai.
•••
“Ate, dito ka na sa tabi ko matulog,” yaya niya sa'kin.
“No Clai, maliit lang 'yung kama, matulog ka na. Dito nalang ako sa sofa,” sabi ko sa kanya.
Akmang pupunta na ako sa sofa ng agad niya ako hinila. Dahilan upang mapahiga ako sa kama.
Nasa tabi ko na siya habang nakatingin ako sa kanya. Ang bata-bata pa niya pero ang lakas na niya. Saan niya ba nakukuha 'yang lakas niya?
“See ate, kasya tayo sa isang kama,” malambing niyang sabi sa akin.
“Pero Clai, wala ka ng space—” naputol ang sasabihin ko ng mas lalo siyang dumikit sa'kin.
One wrong move at magdadampi na talaga ang labi namin.
“Edi ito, may space na,” sabi niya sa akin.
Napalunok naman ako ng laway ng tumingin siya sa labi ko, he's acting strange.
Tumalikod naman ako. Dahil hindi ko na mapigilan ang pagpula ng pisnge ko dahil sa hiya.
“Goodnight,” sabi ko sa kanya.
At pinikit ko na 'yung mata ko.
•••
Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong may humaplos sa buhok ko. Napatingin naman ako sa humaplos sa buhok ko.
“Clai.” Ngumiti naman siya ng tinawag ko ang pangalan niya.
“Goodmorning ate,” sabi niya sa akin.
Bumangon naman ako at tinignan siya.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Storie d'amore(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...